Chapter 3

21.5K 334 14
                                    

Trevor's POV

Nag park na ako sa harap ng university, bago pa man ako lumabas ng kotse ko, hinanda ko lang ang gamit ko at nilagay sa bag pack ko. Pag katapos nun ay lumabas na ako.

Nakita ko si monique na papasok na sa loob ng university. Okay magiging spy ako nito eh. Kasi naman si insan, over naman mag mahal. Teka, napakilala na ba ni kyle si monique kay tito? Bilang fianće niya. Nako pag hindi pa lagot tayo nito.

Pumasok na ako sa university, dumeretso na ako sa room namin, hindi ko expected na maraming nakatayo, dahil 6:00 am palang. Mga 7:30 am I'm sure meron ng nag sisigawan, nag babatuhan ng papel at kung ano ano pa.

Napansin kong ako lang ang nandito, wala si monique? Nauna siya saakin ah?

Monique's POV

Nang makapasok na ako sa university, agad na kong pumunta ng library. Ano naman kasing gagawin ko sa room kung ako lang ang mag isa? Wala pa naman si Xyriel kaya dun muna ako sa library tatambay.

Papasok na sana ako sa library ng may mabunggo ako..




"Sorry, hindi ko sinasadya"- sabi ko

"No, its okay. Hindi rin naman ako tumitingin sa dinadaanan ko eh." -Siya

Teka parang familiar yung boses niya, medyo nag angat ako ng tingin. Ganun din ang ginawa niya.

Tama! Kilala ko siya!

"Jessica! Teka bat ka naka nurse suit? Teka... Nurse ka na dito noh?" -Ako

"Mon-mon! Pinsan ko!! Oo dito na ako mag tratrabaho. Jusko dito lang pala kita makikita, akalain mo, gragraduate ka na!"

"Mon-mon ka dyan, tama na nga yang tawag mo saakin ng ganyan!"

"Hahaha, para namang wala tayong pinag samahan kung kakalimutan ko nalang ang tawagan natin sa isa't isa. Dati Jess lang tawag mo saakin ngayon buo na."

"Hehe. Namiss kita sobra!" - sabi ko at agad ko siya hinila para mayakap siya. "Maya bonding tayo after class. Please?"-Sabi ko

"Sure Mon-mon."

Pagkatapos ko siyang yakapin ay humiwalay na ako. Hinatid niya rin ako sa room namin. Nakita ko si Trevor na natutulog sa desk niya. Ang aga naman nitong pumasok.

"Sige na Mon-mon, dun na ko sa clinic. Sabay tayo mag lunch ha?"

"Sige!"

"Sige bye"


Nang makaalis na siya ay umupo na ako sa upuan ko. Binabasa ko yung physics book na hiniram ko sa library. At yung ibang importante ay tine-take down notes ko.

Trevor's POV

Aish! Ang hirap mag tulog-tulugan! Nakakangalay sa leeg! Magigising na ko sa katotohanan. Medyo nag angat ako ng tingin, nandito na si Monique.

Nag kunwari akong humikab at "Hi, Monique"

Lumingon siya at ngumiti.

"Hi Trevor. Buti gising ka na. Ang aga mo atang pumasok? Sinisipag?"

"Oo naman, graduating na tayo eh. Uy ikaw wag mo kong kakalimutan ah, alam kong mag kikita pa tayo. Diba cumlaude ka?"


"Oo."


"Haha, sorry nakakali----" napatigil ako sa pag sasalita nang marinig kong nag ring ang phone ko. Si kyle..

Sinagot ko yung tawag

I'm His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon