Chapter 16

8.8K 184 6
                                    

Kyle's POV

Nagising nalang ako na naandito na sa kama. Wow grabe sakit ng ulo ko! Parang binagsakan ng 5 buko to. Aish.

Tumayo narin ako sa kama. Napansin kong wala si Monique dito kaya pumunta muna ako ng CR para maligo. Pagkatapos ay pumunta na ako sa cabinet at kumuha ng damit. Pero bago ako makapag bihis ay may napansin akong papel sa tabi ng CP ko. Kinuha ko ito at binasa

'nasa baba lang ako kung hahanapin mo ko. nag luluto lang :) -monique-'

Pagkabasa ko nun ay agad akong nagbihis ng T-shirt at Pajama. Bumaba agad ako at pumunta sa kusina. Nakita ko sila Manang at Monique na nag luluto.

'Mukhang busy sila. Mamaya nalang ako mag papakita.'- sabi ko sa sarili ko

Pumunta muna ako ng sofa at nanuod.

"Knock knock!! Monique pa-open ng door!!"

Napatingin naman ako sa pintuan at na-realize kong boses ni Ate Kristina yun.

"Wai-- oh Kyle, gising ka na pala. Ay wait lang si ate."- sabi ni Monique at pumunta sa pintuan para buksan ang pintuan

"Here na ah. Lechon manok. Nag lilihi ka nanaman."

"Thanks ate. Pasensya na ah, di kasi namin matiis ni baby yung gustong food namin eh."

"Nako okay lang, anything on my pamangkin. Maliit palang , matakaw na. May pinagmanahan. O siya ihahain ko lang to. Mag usap muna kayo ng Future Husband mo."
"Ate naman."

"Oh sige na, dun muna ako sa kusina."

Pagkatapos nilang mag-usap ay dumiretso na si Ate sa kusina at nakita ko naman si Monique na papalapit saakin.

"A-ayos na ba pakiramdam mo?"-tanong niya saakin

"Oo, medyo may hang-over pa."

"Bakit ka ba kasi uminom ha?! Kainis ka naman eh."

"Sorry na."- sabi ko at napatungo. Pero nung may nakita akong band-aid sa kamay ni Monique ay agad kong hinawakan yun

"A-aray naman Kyle."

"Anong nangyare dito?"

"..."

"Sagutin mo ko!"

"N-nabasag kasi yung p-pinggan kanina. Di k-ko namalayang m-matalas yung naku-nakuha ko. P-pasensya na kun-kung napaka-clumsy ko. A-ang tanga-tanga ko noh?"- sabi niya habang naiyak. Aish

"Wag ka ng umiyak. Di naman ako galit eh. Natural lang yan.."

"Eh b-bakit ka n-nag taas ng boses huh?"

"Para lang sagutin mo ko. Tsk. Sorry na."- sabi ko at hinalikan siya sa noo at niyakap.

Ang ayoko talaga sa lahat nakikita siyang naiyak. Para rin naman kasi akong pinagsakluban ng langit at lupa kapag naiyak siya eh.

Humiwalay ako sa pagyakap sakaniya at pinunasan ang luha niya gamit ang daliri ko. Kinuha ko ulit yung kamay niyang may sugat.

"Masakit pa ba?"

"M-medyo nakirot pa kapag nagagalaw.."

"Hmm.. Gento nalang, i-kikiss ko nalang para mawala yung sakit."- pag kasabi ko nun ay agad kong hinalikan yung kamay niyang may sugat "Ano? Ayos na ba?"-dagdag ko

"Oo, ayos na."

"So, ganun nalang? wala rin ba kong kiss?"- sabi ko at nag pout

"Hahaha! Sabi na nga ba may kapalit eh."

I'm His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon