Chapter 21

3.1K 83 6
                                    


Eunice's POV

Pabalik-balik na ko dito sa hospital kung nasan sila Kyle ngayon. Nakiki-balita nalang ako kung ano ba nangyare kay Monique. I already know her name at hindi pa pala sila kasal dahil hindi pa niya gamit ang apilyido ni Kyle.

Almost 3 days na siyang hindi pa nagigising. Nakunan din daw ito. Sobrang hina ng kapit ng bata sa sinapupunan nito.

Napag-isipan kong bumili ng fruit basket. Siguro kung hindi kami nag kasalubong ng landas ni Kyle noon sa grocery store, hindi mangyayari ito. Naiinis ako sa sarili ko.

Habang nagpa-park ako ng kotse, nakita kong pumasok si Karen sa hospital.

"Shit."- yun lang ang tangi kong bulong ay dali-daling lumabas sa kotse.

Dahan dahan lang akong sinundan siya. And yeah, I'm watching how desperately she was over Kyle.

Huminga ako ng malalim para lang ma-approach sila.

"Bitawan mo nga daw siya. Hindi ka ba nakakaintindi?"- sabi ko. Medyo ramdam ko ang pag tibok ng puso ko.

Humiwalay siya sa pagka-yakap kay Kyle.

"Oh. Hi there, Eunice. Long time no see." - sabi ni Karen. Napairap nalang ako. So balak niya bang magpa-kilala kay Kyle ngayon? Pwes ako hindi.

"How did you know my name? Ni-hindi nga kita kilala."- sabi ko at napakunot ang noo ko.

"You don't have to know it. By the way, thank you sa pag iwan kay Kyle dati." - sabi nito at tumawa.

Yeah. Ginawa ko yun dahil sayo. But look, hindi parin siya napapasayo. Tss.

"Wala kang alam kung bakit ko ginawa yun! At pwede ba? Iwan mo na sila."- sabi ko at binitawan ang fruit basket na hawak ko.

"Well, sino nag sabi?" - sabi nito at nag crossed arms.

Natawa naman ako ng mahina at unti-unting lumapit kay Karen at agad ito sinabunutan. It's time for my revenge.

"Ako. Ahas ka. Lumayas ka na dito hindi ka bagay dito!" - halos pasigaw kong sabi at tinulak ito.

"Hindi pa tayo tapos. Papatayin ko kayo at mapapasakin si Kyle!" - sabi ni Karen.

"Kung kaya mo." - sabi ko. Ay. Tanga Eunice, muntik ka na nga nyan mapatay dati. Haist.

Agad naman nag si-datingan ang mga guard. "Miss ikaw nanaman? Naka-block list ka na dito ah."

"Ilabas niyo na yan. Wag niyo hahayaang makapasok yan dito." - rinig kong sabi ni Kyle habang pinupulot ko ang wallet at yung fruit basket.

Humarap ako sakaniya at napatingin agad sa baba.

"K-kyle. Paki bigay nalang to sa asawa mo. Please alagaan mo siya." - inabot ko sakaniya yung basket

"You don't have to remind me." - sabi niya at kinuha. "Tatanggapin ko to for my wife."

"I'm sorry. I know hindi mo ko mapapatawad ngayon, pero hindi ako mag sasawang humingi ng tawad sayo." - sabi ko at ngumiti. Ok, wag muna ngayon luha. Please.

Naramdaman kong nakatitig lang siya saakin. "Ingatan mo siya. At alam kong palaban siya. Hindi tulad ko. Isa akong duwag. Bye for now." - tumalikod na ako at umalis ng tuluyan.

Traydor ang mata ko. Hindi ko mapigilang hindi mapa-iyak. Basta ang alam ko lang na dapat kong gawin ay protektahan silang dalawa laban sa ampon kong kapatid.

Umuwi na ko sa tinitirhan kong condo ngayon. Pag bukas ko ng pinto, isang sampal agad ang bumungad saakin.

"Hindi mo ko kilala, ate?"

"Fuck it, Karen! Sumusobra ka na!"- sabi ko at sinampal siya pabalik. "Ano pa ba gusto mong gawin ko?! Nilayuan ko na si Kyle! Para sayo! Hindi ko na kasalanan kung hindi ka niya pinili kaysa dun sa kinakasama niya ngayon! Pero sana nga wag ka niyang piliin dahil ang isang katulad mong baliw hindi nararapat na naandito!" - sabi ko at hinila ang buhok niya palabas at tinulak ito.

"Miss, may problema po ba? Nang-gugulo ba ito?"- sabi ng guard na naka-asign sa floor.

"Opo. Paano ba nakapasok yan dito?! Kala ko ba high security ang condo unit na to?"- sabi ko.

"Pasensya na po."- sabi nung guard at nag tawag ng ibang kasama para makuha si Karen.

Naaawa ako sa itsura niya ngayon pero siya mismo gumagawa ng paraan para saktan ko siya ng ganito.

Dumating ang isa pang guard at tinayo si Karen.

"Ate. Please. Wag mo gawin sakin to."- sabi nito. Pero hindi ko na siya pinansin at tuluyang isinara ang pinto. Napasandal ako at napahilamos sa mukha.

"I'm so sorry. Pero kailangan kong bumawi sa taong mahal ko at sa taong minamahal na niya ngayon."

Napaiyak na lang ako. Kung siguro dati hindi ako naging duwag baka ngayon kami ni Kyle. But I think hindi kami para sa isa't isa.

Napatayo ako at inayos ang sarili. Pumunta agad ako ng kwarto at lahat ng kakilala ko ay tinawagan ko.

I need to protect them. Pina-imbestigahan ko rin ang background ni Monique to know her more.

Lahat na ata ng kakilala kong marunong mag-spy habang naka-proteka sila sa taong ipapabantay sakanila, natawagan ko na.

I'm willing to pay. Para lang sa kaligtasan ng dalawa. Para mailayo sila sa psychopath kong ampon na kapatid.

Nang matapos ay bigla ko nalang naramdaman ang likod ko sa malambot na kutsyon ng kama.

Kinuha ang phone ko at napatingin sa wallpaper ko.

"I guess it's time to move on." - sabi ko at hinalikan ang screen. "I still love you, Kyle. Pero I know masaya ka na kapiling mo si Monique. And I'm happy for you."

Pagkasabi ko nun ay lahat ng pictures ay binura ko sa phone ko. Pinaltan ko na yung wallpaper.

Mahirap pero kakayanin. Napapikit nalang ako at inisip kung paano ko pa sila pro-protektahan.

~

I'm His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon