Chapter 18

3.1K 85 2
                                    

Monique's POV

Tinabig ko ang mga kamay ni Kyle at nilagay sa push cart ang dala kong prutas. Tinabig ko ang kamay ni Kyle hindi dahil sa galit ako sakaniya. Kundi dahil nakakaramdam ako ng sakit sa tyan ko. Nakita ko si Kyle na para ba itong nairita sa babaeng kausap niya kanina. Sa mga oras na to gusto kong tumakbo palayo sakaniya. Pero di ko kaya dahil sa nararamdaman ko.

"Aish ano ba tong nararamdaman ko. Baby please. Kapit ka kay mommy."- sabi ko sa isip ko habang nakahawak ako sa tyan ko.

Nag pumilit naman akong maglakad palayo kay Kyle ngunit lalo lang itong kumikirot.

"Monique? Ayos ka lang?"- agad akong nakaramdam ng kamay sa likod ko at nakita kong si Kyle iyon.

"Oo. Teka."- sabi ko at lalong sumasakit ang tyan ko. Humihilab ito at sa sobrang sakit nakaramdam ako ng parang pag tulo sa hita ko na likido.

"Misis! Diyos ko! Dinudugo ka!"- agad akong napatingin sa hita ko at nagulat.

Agad akong binuhat ni Kyle at tumakbo siya palabas ng grocery store. May mga kasama kaming body guard at kaninang babae na nag sabing dinudugo ako.

"K-kyle. Ang a-anak mo. Hindi pw-pwedeng mawala ang anak mo."- sabi ko habang hawak hawak ko ang tyan ko.

"Sht. Sorry. Kasalanan ko to." -rinig kong sabi ni Kyle.

Nanghihina akong tumingin sakaniya. Bigla bigla nalang nandilim ang paligid ko.

Kyle's POV

Agad kaming pinasakay sa ambulansya ng makarating agad ito sa mall. Hiniga nila si Monique sa strecher at agad nilagyan ng oxygen dahil namumutla na ito. Umakyat na rin ako at umupo sa tabi ni Monique. Agad na tumakbo ito papunta sa hospital na malapit. Habang binababa si Monique at dinala sa ER ay agad kong kinuha ang cellphone ko at ni-dial ang number ni Ate Krystina.

[Hello? Kyle? Bakit ka napa--]

"Ate, Ate si Monique.."

[Kyle? Ano nangyare? Nasan si Monique?]

"Nasa hospital kami."

[Anong nangyare sainyo?! Saan yan? Pupunta ako.]

"St.Luke's Hospital"

Tinapos ko agad ang tawag at pumasok sa Emergency Room. Hinanap ko kung nasaan si Monique. Pero agad akong pinalabas ng dalawang nurse na nakasubong sakin.

"Sir, doon po muna kayo sa labas mag hintay."- sabi ng isang nurse na lalaki.

"Kailangan ako ng asawa ko, kailangan ako ni Monique! Padaanin niyo ko!"- sabi ko habang nag pupumilit pumasok ulit.

"Sir, mas mabuti nalang dito muna ho kayo. Tatawagin ko nalang po kayo kapag maayos na ang pasyente." - sabi ng nurse at agad pumasok.

Hindi ako mapakali. Nang gigigil ako. Pinag sususuntok ko ang pader at sinisipa. Naiinis ako sa sarili ko! Agad akong umupo at pilit pinapakalma ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at hinilamos ko ang ang mukha ko.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyare sa mag ina ko.

Ilang minuto pa ang nakalipas ng may naramdaman akong humawak sa balikat ko. Napa angat ako ng tingin at nakita ko si Ate Krystina.

"Ate. Si Monique. Di ko mapapatawad ang sarili ko."- sabi ko at yumakap.

"Ano bang nangyare sainyo ha? Alam mong napakaselan ni Monique, di ka nag iingat sa mga pinag kikikilos mo." - agad humiwalay si Ate sa pagkayakap at tumingin saakin.

I'm His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon