THIRD WINNER

1.5K 67 12
                                    


(Special Award for the Youth chosen by yours truly. In the service of the Filipino, youth. I remain. Leave it, jazlykdat. Hohoho!)


By: Becca Manzano


#MyJazlykdatStory


Lahat ng kwento/storya may aral, 'yon nga lang hindi natin matututunan kung hindi natin mauunawaan. Sa pagbabasa ng mga kwento, 'wag basta-basta padadala sa nararamdaman para maisip din natin kung bakit ba nangyayari ang mga bagay-bagay na iyon sa buhay ng bawat karakter.

Hindi ko na maalala kung paano at ano ang dahilan at napunta sa library ko 'yong story ni Lianna. Ang natatandaan ko lang, naging palaisipan sa 'kin ang prologue niyon kaya't pinagpatuloy ko ang pagbabasa hanggang sa nalaman ko na meron pa palang naunang story bago iyon. PERO no'ng panahong 'yon wala akong pera pang-load para mai-search 'yong unang story which is Married to a Hot Magnate kaya niyari ko na muna yung The Ignored Wife saka ko binasa iyon.

Pagkatapos no'n binasa ko rin yung story ng triplets, kay Von Leandrei,Vance Luanne at ang huli yung kay Vander Lewis' na napakaraming aral at realization ang iniwan sa akin. Unang-una na doon ang hindi dapat pagmamadali sa buhay ng isang kabataan lalung-lalo na sa usaping pag-ibig.

Hindi naman masamang magmahal sa murang edad, nagiging masama lang ito kapag hindi na maganda ang nagiging resulta sa buhay mo, kumbaga hindi dapat sobra. Isan aral na para sa mga katulad kong kabataan na nagbasa, nagbabasa at magbabasa pa lamang.

Hindi madali ang buhay may-asawa sa murang edad, hindi sapat ang ang dahilan na mahal nyo lang ang isat-isat kaya't magsasama na kayong dalawa. May tamang panahon para sa bagay na iyon.

Hindi ba't mas masaya kung sa murang edad nyo pa lamang ay alam nyo nang mahal nyo ang isat isa? Iyong tipong magmamahalan lang kayong dalawa hanggang sa dumating 'yong panahon na pwede na kayong magsamang dalawa. At sa puntong iyon mayroon na kayong mahabang panahon na pagsasama at magsisilbing pundasyon ng samahan nyong dalawa, kasi kung magpapatali kayong dalawa sa murang edad pa lamang, kapag dumating yung mga pagsubok sa samahan nyong dalawa maaaring hindi nyo pa kaya at mauwi lamang kayo sa hiwalayan. Kapag nangyari yon, ang mga anak nyo lamang ang maaapektuhan kung sakaling meron man.

To make it short, hindi dapat mag-asawa sa murang edad dahil hindi biro ang responsibilidad na papasanin at maaaring ang mga magulang nyo lamang ang mahirapan o sumalo sa mga responsibilidad na iyon.

One more thing, mahalin ang ating mga magulang dahil sa story ni Vander, kahit gaano kasaklap ang pagkakamaling nagawa niya, mga magulang niya pa rin ang tumulong sa kanya para makaahon sa kinasadlakan niyang buhay. Hindi man kapareho ng mga pagkakamaling nagagawa natin sa mga magulang natin, nagkamali pa rin tayo at pinatawad nila tayo. Isang katunayan ang pananatili natin sa poder nila at ang patuloy nating pamumuhay sa mundong ito dahil sa mga pagtitiis, pagtyatyaga at pagsasakripisyo nila sa araw-araw para lamang may makain tayo at makapag-aral.

Ipagpasalamat din natin sa Diyos ang lahat ng meron tayo ngayon, masama o mabuti man, sapagkat ito ang patuloy na humuhubog sa ating pagkatao sa napakagulong mundo. Nagiging malakas at matatag tayo sa mga paghihirap na dinaranas natin sa buhay kaya nakapagpapatuloy parin tayo sa agos ng buhay natin magpasa hanggang ngayon at sa dako pa roon ng ating buhay.


My Jazlykdat StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon