By: Antoinette Sumalinog Caro
#MyJazlykdatStory
Paano ba ang magmahal? Palagi bang nasasaktan?
Mga linya ng kanta na para sa akin ay nababagay para sa istorya ng buhay niya. Mapapakanta ka na lang sa dami ng mga paghihirap na kanyang pinagdaanan. Minsan nga sumagi sa isip ko kahit hindi naman ako naniniwala sa reincarnation dahil sa kapapanood ko ng Korean drama, naisip ko ano bang kasalanan niya sa nakaraang buhay niya at nararanasan niya ang paghihirap sa present life?
Mula pagkabata marami na siyang nagpagdaanan na problema. Simula sa minsang paghihiwalay ng mga magulang, maging problema sa buhay ng mga kapatid ay naging saksing buhay siya. At ngayon dumating na ang magpapasaya sa buhay niya, si Anne Jonalyn Atienza. Marami silang bagay na pinlano para sa happy ever after nila.
Nagpakasal silang dalawa at nabiyayaan ng anak, pero bakit kung kelan akala mo happy ending na ay nagkaroon pa ng problema. Namatay ang pinakamamahal niyang asawa na hindi man lang niya naipakilala sa mga magulang dahil ayaw niyang isabay sa problema ng pamilya ang sariling pinagdadaanang problema.
Ang masakit pa ang pagkamatay ng asawa niya ay hindi ordinaryong pangyayayari. Nabaril ito habang pinagbubuntis ang kanilang anak, at dahil mapagbiro ang tadhana kailangan niyang mamili kung sino sa baby at asawa niya ang isasalba para mabuhay.
Hindi pa doon nagtatapos ang pagbibiro sa kanya ng tadhana, sa mga panahong puro galit, paghihiganti, kasamaan ang naiisip niya dumating ang tao na muling nagpaalala sa kanya na muling magmahal at magpatawad, si Christine Laiza Calimlim.
Muli siyang tinubuan sa kanyang puso ng pagmamahal hindi lang para sa sarili niya kundi pati sa mga taong nakapaligid sa kanya. Sa halos siyam na taon wala siyang ibang inisip kundi maipaghiganti ang asawa na yumao, maging ang anak ay nakalimutan niya. Si CL ang nagbigay buhay sa patay niyang puso. Si CL ang nagbigay ng buong pusong pagmamahal sa kanya. Buong-buong pagmamahal na pati ang sarili ay hindi niya minahal.
Kahit na hindi sariling anak ay minahal ni CL ang anak niya, si CL pa mismo ang dahilan para mapalapit siya sa anak niya na nakalimutan niya na dahil sa paghihiganti.
Eto na happy ending na dapat pero kung bakit nalaman niya na buhay pa pala ang asawa niya.
Sa istorya ng buhay niya mapapakanta ka na lang talaga ng mahal ko o mahal ako ni KZ Tandingan.
Sino ang pipiliin? O may dapat nga bang piliin?
Ang daming tanong sa isip ko, pero sa kabila ng lahat ng tanong ko syempre madami din akong natutunan sa istorya ng buhay niya.
Una, ang malaman ang pagkakaiba ng reality sa ideally. Ang masampal ng masakit na katotohanan. Na hindi lahat ng gusto mo makukuha mo hindi pwedeng lahat nasa iyo na bes.
Paano mo pa marerealize na masarap mabuhay kung hindi mo naranasan ang hirap ng buhay?
Sa istoryang ito halos lahat nasa kanya...money, good looks, almost everything but not the woman whom he truly loves.
Pangalawa, bilang babae hanggang saan ko kayang ipaglaban ang pagmamahal para sa taong minamahal ko?
Si Anne na sampung taong pinahirapan tapos pagbalik mo may iba na pala ang mahal mo na pinaghugutan mo para mabuhay. Kung iisipin na kung tatanungin siya ng mga panahon na iyon kung para kanino siya bumabangon, sa malamang at malamang para sa anak niya at sa asawa niya ang magiging sagot.
Si CL na handang magpatawad sa kabila ng panloloko sa kanya, pinaniwala na siya lang pero hindi pala.
Kakayanin ko kaya sa totoong buhay ang ginawa ng dalawang babae ito? (Abangan na lang mga bes if magloko ang asawa ko, charot lang wag naman po.)
Pangatlo, huwag sarilinin ang problema. Hindi ka si superman na kayang solusyunan ang problema. Sinarili kasi niya mga bes ayan mas lalong lumaki ang problema. (Huwag kasing magsasarili masama yun! Parang double meaning tuloy).
Pang-apat, kahit anong mangyari, andyan talaga ang family na kahit ikaw pa ang pinakamasama sa paningin ng iba, ang pamilya lang talaga ang susuporta sa iyo sa bandang huli.
At panghuli kong natutunan gaya ng kanta ni Taylor swift na may linyang "Haters gonna hate hate hate hate hate," ang daming hate 'di ba? Kasi ang daming haters ng story na ito, hindi pa kasi tapos ang story mga bes kung maka-react naman kayo kala nyo ikayayaman niyo yan, na akala mo (oo ikaw na basher) pinagkaka-utangan ka ni author ng buhay niya.
Kahit anong plot twist pa ang gawin ni author para sa ikaliligaya o ikalulungkot ng readers nya wala tayong pakialam mga bes kasi nakikibasa ka lang sa malaking point of view ni author sa story niya. Kaya wag kang ano dyan.
Kahit anong gawin nating kabutihan we cannot please everybody because we have our own unique differences. We should know the word respect not only by knowing the word but by knowing the meaning of it. And maybe after you read it, you know what story inspires me a lot and hit my heart. Yes, it is the story of The Empire Series: Von Liam. That's all thank you.
P.S.
Ang hirap pala ng kalagayan ni author, ilang oras kaya siyang nagsusulat ng story para may maibigay na update sa readers niya, kasi narealize ko din ang kahalagahan ng oras after kong magsulat ng essay na ito.
Thank you Admins and Mods for giving me an opportunity to share my thoughts about the story of one of my favorite author in wattpad world. Thank you author for inspiring me with your beautiful stories. God bless!
BINABASA MO ANG
My Jazlykdat Story
Non-FictionMembers of Jazlykdat Wattpad Friends had spoken how they were moved by the stories written by Jazlykdat and how it changed their lives. This was supposed to be a contest in the FB Closed Group but since there are lessons worth sharing I decided to p...