INSPIRED

258 16 0
                                    

By: En-En Palma Sasan Bitang

[Ang mabait na baby sa JWF. Offline kapag may school works, exams at projects kaya naman With High Honors siya last Recognition Day sa school nila. Yehey!]




#MyJazlykdatStory

Good afternoon everyone! I know late na po ito at hindi na po ito bago para sa akin kasi late talaga akong magpasa ng projects... hehe

Kung ma-post man ito, good luck sa 'kin.hehe... Ammm kayo na ang mag-judge kung essay ba 'to or diary...Love You!



Miracles of Jazlykdat Stories
Sometimes I laughed, sometimes I cried, but most of the time, I am INSPIRED.


Grade 10, January 2016. I already have my personal phone, which is pinag-ipunan talaga namin ng kuya ko, and luckily I was able to create my wattpad account.


Fast Forward, April 2016. Freedata lang gamit ko nun. At dahil may free wattpad sa freebasics.com, nag-search ako ng story na magandang basahin. At dahil mapili ako na reader, I always choose that story with captivating title. Puro lang ako next nun, hanggang sa may nabasa akong title na parang dinurog na agad ang puso ko. That book is entitled "The Ignored Wife". Kaya naman ti-nap ko ito at sinimulang basahin. Kaso nakalagay sa authors' note na may book one pa ito which is "Married to a Hot Magnate". Mas lalo tuloy akong na-intriga sa story. Kaya hinanap ko ulit ang book one at ni-save muna sa library ang TIW. And the moment na sinimulan kong basahin ang MTAHM, my Jazlykdat story started to unfold...and my real wattpad journey begins....

Paano nga ba ako nabihag at paano rin nabago ang aking pananaw dahil sa kwento ni Miss Jazlykdat?


Simple lang, sisimulan ko ito sa katagang galing kay Vaughn Filan, "I believe that the foundation of all relationship is trust."

Hindi lang naman siguro ako ang naloloka sa story ni Mommy Liana and Daddy Vaughn. Grabe kasi yung plot and twists ehh. From lovers, to friends and to strangers. Sa kwentong ito ko talaga naexperience ang isang roller coaster ride na pagbabasa. Pero siyempre, masaya pa rin ako kasi nakapunta ako sa Ireland at nabuksan ang aking isipan sa mga bagay-bagay.


Sa totoo lamang, medyo nahahabag ako sa story kasi naman, grabe ang bilis naman ng moves ni Daddy Vaughn ehh. Kakikilala pa nga lang nilang dalawa ni Mommy Liana itinali agad niya (hehe). Pero mas naloloka talaga ako dun sa part na parang pinalabas na masamang tao si Daddy Vaughn. Paniwalang-paniwala ako nun ehh. Akala ko nga na mangkukulam siya at ginayuma niya si Mommy Liana (hehe). Tapos napakamysterious pa niya. At tapos ulit, di ko rin nabasa na nag-I love you sila sa isa't isa. Grabe talaga! Naloloka talaga ako nun grabe! Pati nga ako natatakot kay Vaughn Filan eh. (hehe ulit)


So ayun, after sa book one, next is TIW.


Sa book two talaga ako lumuha ng isang balde. Nalinawan ako sa lahat-lahat. And after reading the story of Liana and Vaughn, narealize ko na ang dami pala talagang pagsubok sa isang pag-ibig. Grabe talaga ang iniyak ko nung binasa ko yung story nila. Pero hindi ako nagsisi na binasa ko ang kwentong yaon, kahit may warning yun sa simula, kasi at the end of the story, priceless lessons ang aking natutunan. Nang dahil sa kwentong ito, natuto akong magtiwala, magpatawad at magmahal.


Sa panahon ngayon, mahirap na talagang magtiwala. Pero kung totoong mahal mo ang isang tao, dapat handa kang magtiwala sa kanya kasi hindi naman talaga nabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala. At kung totoong mahal mo ang isang tao, handa kang magpatawad at magsimula ulit ng bagong simula. Nakakatakot naman talaga ang magmahal, pero kung handa kang sumugal, then there is a happy ever after love story for you.

In addition, nais ko ring i-share ang inspiration na aking nakamit dahil sa story ni Ate Wylene na Destiny will Chase You. Nabihag talaga ako sa kwentong ito. Dito talaga ako sobrang nainspired. Kasi napakaselfless ni Ate Wylene ehh. Kinalimutan niya ang sarili niyang kaligayahan para sa pamilya. And it was all worth it.


Sa totoo lang, gusto kong gumaya sa kanya. Nakakarelate rin kasi ako kay Ate Wylene. Gusto kong makapagtapos ako at ang kapatid ko, makahanap ng disenteng trabaho, at makapag-give back sa lahat ng favors na binigay nina Mama at Papa sa'kin. Gusto ko na tulad ni Ate Wylene, sina Mama at Papa na mismo ang magsasabi sa 'kin na panahon na para harapin ko rin amg sarili kong buhay, na dapat lumigaya na rin ako.


Super thankful ako sa kwentong ito dahil dito ko natutunan ang magpakaselfless, magpakaresponsable, at maging mabuting anak. Siguro marami pang maaring mangyayari para sa akin, pero kung saan man ako mapunta, alam kong itinakda na ito ng tadhana.


Thank you so much "Destiny Will Chase You"...


Sa utak, puno at dulo, at may pakana ng mga kwentong ito na walang iba kundi si Miss Jazlykdat, maraming maraming salamat po sa inspirasyong inyong ibinigay.


Keep up the good work and we will support you always and forever. We love you so much! You and your stories are indeed miracles to my life, to our lives. More power!


My Jazlykdat StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon