Sa kanya po nakuha ang pangalan ni Christine Laiza Calimlim. Huwag niyo po siyang gawing poser sa sarili niyang pangalan.
Hello! Good day!
Unang story ni Miss Jazlykdat na nabasa ko ay 'yong My Neighbor, My Husband. Actually hindi ko alam na siya ang author no'n. Kaloka lang diba? HahahahaMapili ako pagdating sa mga binabasa ko, kailangan 'yong stories laging may aral akong makukuha hindi lang basta may mabasa. So ayun na nga sa tagal na walang update yung isang author halos ulit-ulitin ko nang ini-scroll pati sa recommended section at do'n ko nakita ang biyenan ko si Daddy Vaughn.
Noong una na-curious lang ako sa title nito na Married to a Hot Magnate.
May secret akong sasabihin sa inyo, hahaha, alam niyo ba na epilogue muna ang binasa ko noon? At nagsisi ako noon kasi hindi naman happy ending, but as time goes by binasa ko pa din mula umpisa dahil curious ako bakit naging gano'n ang ending.
Ang tiwala pala sa isang relasyon ay isang malaking factor, sabi nga sa isang palabas TRUST? BIG WORD. 'Yon ang nangyari sa relasyon nila Daddy Vaughn at Mommy Lianna. Wala siyang tiwala sa kanyang asawa kaya ano ang kinahinatnan 'di ba muntik na silang masira ng tuluyan? Kung hindi dahil sa matinding pagmamahal at pagpapatawad ni Daddy Vaughn walang triplets ngayon. Nagkaroon pa ng trust issue si Daddy Vaughn na kahit kaninong tao ay pwedeng mangyari. Hello, nasaktan ka na ng taong 'yan susubok ka pa din ba? O hindi na dahil nakakatakot na?
"You did not try harder enough, Mom. If you tried sana bumalik ka para mabuo tayo but you didn't. Sana bumalik ka para sa amin ni Ayder. But no, you only came back for yourself." – Desiry Itong linyang ito ang isa sa tumatak at nagkaroon ng malaking epekto sa akin, paano at bakit ko nga ba nasabi?
Bilang isang anak? Produkto ako ng isang broken family and I'm proud of it dahil kahit hiwalay ang mga magulang ko masasabi kong napalaki kami ng maayos ng mama ko at siya ang isa sa mga taong tinitingala ko. 'Yan tanong ni Desiry, naitanong ko na sa isip ko 'yan. Bakit nga ba hindi siya lumaban? Hinde ba niya naisip na pagdating ng araw pwedeng isumbat sa kanya ng mga anak niya 'yon?
'Yong tipong tuwing may okasyon halos lahat may FAMILY PICTURE pero ikaw wala nakikisali ka na lang? Kasi nga wala kang tatay. 'Yong nanay mo naman kumakayod para masuportahan kayo.
Meron akong nabasa sa isang comment sa isang post ko na okay na daw kay Lia Gelicah 'yon dahil malaki na naman daw siya samantalang 'yong kambal e mga nasa sinapupunan pa lang. Ate malaki man o hindi si Baby Gel, hindi ba sa loob ng 9 years ipinagkait din sa kanya ni Liam ang magkakaroon ng ama?
Alam ko masamang mainggit pero hindi mo maiiwasan 'yon e pare-parehas mo silang anak pero bakit gano'n? Sa iba mong anak hindi ka nagpakatatay pero no'ng sila ang dumating nagbago ka? Dahil ba mas mahal mo sila? Ang nanay nila?
Bilang isang ina? Sa totoo lang maraming nagtataka ang pangalan ko ay CL pero bakit ako? Oo ako si Christine Laiza pero ang katauhan ko ay isang Anne na lumaban para sa kanyang mga anak. Katulad ng paglaban ni Anne ng halos isang dekada, (pero hindi ako gano'n ka shunga na 10 years hahaha) para lamang mabigyan niya ng isang buo at masayang pamilya ang kanyang mag-ama. Ngunit no'ng bumalik siya para kunin ang sa kanya talaga, marami ang nagalit at masaklap sana daw namatay at hindi na nagpakita? Kung kayo ang nasa katayuan ko/ni Anne siguro 'di ba masasaktan din kayo?
Lumaban naman ako kaya lang nakakapagod ang lumaban sa isang tao iba ang piniling ipaglaban. Sa relasyon, hindi lang isa ang kailangan lumaban dalawa nga kayo 'di ba? Hindi rin por que sumuko na ay talo na lalo na kung ginawa mo ang lahat para Manalo. Sadyang hindi lang para sa 'yo ang trophy na 'yon malay mo meron pa lang mas WORTH IT na bagay para sayo. Time will come mananalo din tayo sa laban na ibinigay sa atin. Hahahaha
Salamat Ate Jazlykdat dahil sa mga istoryang ginawa mo marami akong natutunan. At nang dahil sa JWF nagkaroon ako ng bagong pamilya mga ate kabibes at mga jazzbabies.
BINABASA MO ANG
My Jazlykdat Story
NonfiksiMembers of Jazlykdat Wattpad Friends had spoken how they were moved by the stories written by Jazlykdat and how it changed their lives. This was supposed to be a contest in the FB Closed Group but since there are lessons worth sharing I decided to p...