By: Con Sagum
#MyJazlykdatStory
Napili ko yung story nina Vaughn at Lianna yung Married to a Hot Magnate at The Ignored Wife.
Nung natapos kong basahin yung unang story, sumakit ang puso ko kasi hindi pa sila nagkaayos dun kaya lang naisip ko may second story pa kaya hindi ko talaga binitiwan ang kwento.
Hindi lang ako kinilig sa story na ito kundi marami din akong natutunan, isa na dito ay yung TRUST...
Kapag nagmahal ka, kasama yung pagtitiwala, sabi nga ni Vaughn na hinding-hindi ko makakalimutan, "I believe that the foundation of all relationship is trust". Tatagos talaga sa puso mo yung mga binitawan na salita ni Vaughn nung nagkaroon sila ng confrontation noong bumalik si Lianna.
Hindi mo masisisi si Vaughn na napagsalitaan nya si Lianna ng masakit dahil nasaktan siya. At dahil sa story na ito, natutunan ko na mas magtiwala pa sa mahal ko na kung may marinig, matuklasan o malaman na hindi maganda tungkol sa kanya higit kanino man e dapat sa bibig nya mismo ko marinig at malaman ang paliwanag o katotohanan sa mga ito.
Naniniwala ako na kapag walang communication sa isa't-isa o walang maayos na pagkakaintindihan. Kawalang tiwala sa isa't-isa rin ang siyang nakakasira sa isang relasyon.
Oo, mahirap ang magtiwala dahil masasaktan ka 'pag nalaman mo na pinagtaksilan ka pero mas mahirap naman na mabuhay na puro pagdududa dahil walang katahimikan sa puso.
Hindi rin makakatulong ang pagtakbo at pagtatago sa problema. Nararapat lang na harapin ito ng buong tapang. Hindi masama kung magtitiwala ka lalo pa at sa taong mahal mo.
Nung natapos kong basahin ang kwentong ito ay napaisip ako at napatanong sa sarili ko,"Pinagkakatiwalaan ko ba ng lubos ang boyfriend ko? Hindi ba ako nagpapadala sa mga sabi-sabi?" Kaya simula noon pinagsikapan ko na kung may natutuklasan man ako at nalalaman tungkol sa bf ko, tinatanong ko muna siya. Hindi muna ako nagko-conclude agad at pinipigilan ko ang anumang masamang emosyon ko (kahit na minsan e malapit na kaibigan nya pa ang nagsasabi sa akin) at kung ano man ang maging sagot niya, pinapaniwalaan ko yun dahil mas may tiwala ako sa kanya. I learn to trust him more than before and I'm happy sa outcome dahil ganun din siya sa akin. Kaya panatag kami sa isa't-isa.
Salamat sa magagandang story na tunay na nakaka-inspire sa aming mga reader.
P.S. Sumubok lang po talaga ako,sobra kasing na-inspire ako sa kwento na yan,bukod po kasi sa kinilig ako dyan e naiyak din po ako sa mga kwento na yan,at may natutunan ako.
BINABASA MO ANG
My Jazlykdat Story
Non-FictionMembers of Jazlykdat Wattpad Friends had spoken how they were moved by the stories written by Jazlykdat and how it changed their lives. This was supposed to be a contest in the FB Closed Group but since there are lessons worth sharing I decided to p...