By: Sharmaine Maceres Mancera
"The heart dies a slow death, shedding each hope like leaves
until one day there are none. No hopes. Nothing remains" - Memoirs of A GeishaVon Liam Filan. Misteryoso ang unang salitang ipinanglarawan sa kanya. Totoo nga. Sadyang napakalalim ng kanyang katauhan. Sa simula ng kwento, di mo siya mawari... di mo siya maarok... Napakainteresante.
Hindi pa nagsisimula ang kwento, kontrobersyal na siya. Ang madlang Wattpaders may iba't iba nang panghuhusga. Hati rin ang pagtingin sa kanya ng lahat. Nandiyan yung may nainis, nagalit, natawa at kinilig sa kanya – siyempre! malamang! gwapo eh! Green na ang mga mata, may abs pa! Saan ka pa?
Hanggang sa unti-unti, sa paggulong ng kwento, tuluyan na natin siyang nakilala... Ang lamig, ang lungkot, nakakapangmanhid... Ang tindi ng dagok sa kanyang buhay. Kahit sinong tao, ayaw na malagay sa ganoong sitwasyon. ang peg. Sa kwento niya nag-exercise yata ang puso ko sa routine ng iba't ibang emosyon. Sa loob ng isang matapang at makapangyarihang mandirigma, naroon ang pusong bigo. Durog. Wasak. Sa sobrang pagkawasak ni hindi niya magawang mag-isip nang rasyonal. Nilamon na siya ng lungkot, pagkamuhi at natawag pa siyang duwag. Naalala ko sa kanya ang kantang "A Warrior Is A Child." With all the power and greatness that he has, once his heart was ripped and beaten, he ended empty and nothing... Nalaman natin kung paano siya nagsimulang magmahal, paano siya nalugmok at paano niya ulit sinubukan na buuin ang kanyang sarili sa tulong ng iba. Tuluyan na natin siyang naintindihan at iintindihin pa.
Para sa akin ang kwentong ito ay isang pangmulat na gaano man katindi ang pinagdaanan mong pagsubok, kailangan mong tumayo – dahil may mga tao na umaasa at nagmamahal sa'yo. Sa oras ng pagkalugmok, huwag mong hayaang lunurin ka nito at sa habang panahon makulong ka sa lungkot. Huwag mong pillin na mag-isa. Minsan sa buhay kailangan natin ang tulong ng iba upang muling makabangon. No Man Is An Island. Huwag ninyong gayahin si Liam na piniling magtago, mag-isa at sinarili ang lahat. Nawa'y maging aral sa lahat ang kanyang pinagdaanan. Char!
Kung totoong may Liam na nabubuhay sa mundo at may ganito ring pinagdadaanan, ito ang maipapayo at maibabahagi ko sa kanya: "With all its sham, drudgery and broken dreams, it is still a beautiful world. Be cheerful, strieve to be happy." (halaw ito sa paborito kong tula: Desiderata, ni Max Ehrmann)
Sa ngayon di ko pa masasabi kung gaano ko kakilala si Von Liam Filan. Pero bilang mambabasa, masasabi kong isa siyang mabuting tao. Si Liam ay isang mabuting anak, mapagsuportang kapatid, mapag-arugang ama at mapagmahal na asawa (sa sobrang pagmamahal nadoble pa nga, LOL!). Nasa proseso pa rin ako ng masusing pag-intindi at pagkilala sa kanyang katauhan. Ayokong magbigay agad ng panghuhusga. Hindi pa tapos ang kanyang kwento. Gusto ko pa siyang mas lalong makilala. Gaya nga ng nabanggit ko noon, interesado ako sa mga galaw at desisyon niya, sampu ng mga kasama niya sa kwento. Ano ba ang mga pagpapahalaga nila sa buhay? Paano ba sila mag-iisip at ano ang paiiralin nila. Puso? Utak? Prinsipyo? Sakripisyo?
Goodluck po sa manunulat ng kwento nila. Nawa'y mabigyan ng karampatang wakas na patas at punung-puno ng aral ang kwentong ito. Kaya mo yan, magaling ka..
Salamat po...
BINABASA MO ANG
My Jazlykdat Story
Non-FictionMembers of Jazlykdat Wattpad Friends had spoken how they were moved by the stories written by Jazlykdat and how it changed their lives. This was supposed to be a contest in the FB Closed Group but since there are lessons worth sharing I decided to p...