Aral sa Mag-asawa

361 16 3
                                    

By: Esther David Estillore


Ito ay para sa mga magpapakasal at may asawa. Aral hango sa librong Married to a Hot Magnate.


Ang pagpapakasal ay isang sagradong proseso. Ito ang parte ng ating buhay na hindi dapat minamadali bagkus makailang beses dapat na pinag iisipan bago pagdesisyunan.


Bago magpakasal, dapat ay kilalanin mo muna siya ng maigi. Maging kaibigan sa paraan na magiging magaan ang loob ninyo sa isa't isa at handang tanggapin ang kalakasan at kahinaan na mayroon kayong dalawa.

Kapag pinakasalan mo ay dapat mahal mo. At 'pag mahal mo ang isang tao ay dapat handa kang ipagkaloob sa kanya ang tiwala at respeto na magpapatatag sa inyong relasyon. Ang mga ito ay makukuha natin sa pamamagitan ng may malusog at maayos na kumunikasyon.

Kapag ikaw ay may problema lalong lalo na kung ito ay may kinalaman sa iyong asawa hindi tamang solohin mo lamang ito. Dapat ninyong pag usapan at bigyang kasagutan na magkasama. Dahil siya ang unang tao na makatutulong, susuporta, sasama sa lahat ng bagay at makakasagot sa mga bumabagabag sa iyo.


Maraming relasyon ang nasisira dahil sa maling akala. Mga maling akala na pinapaniwalaan lamang natin sapagkat pinanghahawakan natin ang mga bagay na nakikita ng ating mga mata ng hindi naman natin alam ang kwento sa likod nito. Mga bagay na sumisira sa maraming mag-asawa/pamilya sapagkat hindi pinaguusapan.


Huwag nating hayaang lamunin tayo ng poot, takot o hinala na wala namang tamang batayan. Huwag tayong magdedesisyon kapag tayo ay galit at may takot mas mabuting magpalamig at mag-isip-isip muna. Mas mabuting kausapin muna natin ang ating kapareha ng mas maging malinaw satin ang mga bagay bagay.

Huwag nating hayaan na maubos ang ating lakas at panahon dahil sa maling pagdedesisyon at kawalang tiwala bagkus gamitin natin ito sa pagpapalago sa inumpisahang relasyon.
Sa istorya ng buhay mag-asawa nina Liana at Vaughn, napakabilis ng pangyayari sa kanilang dalawa. Agaran silang nagpakasal ng walang atubili ng hindi nakikilala ng lubos ang isa't isa kung kaya't naging mahirap sa kanila ang makag-usap at magsabi ng kanilang nararamdaman. Hanggang sa humantong na iwan ng babae ang kanyang asawa ng walang malinaw at sapat na dahilan ng dahil lamang sa mga maling balita mula sa ibang tao na wala naman palang katotohanan. Nasayang ang panahon na dapat ay pinagsasaluhan nila ng maligaya kasama ang kanilang mga anak.




My Jazlykdat StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon