By: Mildred Dacula
Hi po, I'm one of the members in GC. Sa mga dyosang members po ng GC, kaway-kaway po kayo mga ate hahaha...
Paalala: Ang mga mababasa niyo po ay mga joke lamang huwag seseryosohin at gagayahin. Hahaha.
Ang ginawan ko po ng essay, kung essay po bang matatawag 'to, hahaha, ay yung story po ni Vance Luanne Filan. Sana po mag-enjoy kayo sa pagbabasa.
Noong binabasa ko yung story ni Vance, hindi ko mapigilan ang hindi kiligin. Sa lahat yata ng story ni Ms. Jazlykdat dito talaga ako kinilig ng tagos sa puso hanggang ngala-ngala, hahaha.
Nabutas pa nga yung isa kong unan dahil sa sobrang kilig ko. Nanggigil ako kaya ayun yung unan ko ang napagdiskitahan ko, hahaha.
Perfect match kasi talaga sina Vance at Thea. Parehas silang matalino. Si Vance seryoso pero madalas pilyo, hahaha. Si Thea akala ko seryoso lang, may itinatago din palang kapilyuhan, hahaha.
Sobrang na-disappoint talaga ako kay Vance noong sinabi niya na gusto niya lang ang maikama si Thea. Parang what the?! Pusang gala! Yun lang pala ang gusto ni Vance! Gusto ko talagang saksakin si Vance ng mga panahon na yun, hahaha. Dami ko talagang mura sa part nay un, hahaha.
Simula nun nawalan na ako ng gana kay Vance kahit ano pa ang gawin niya kay Thea wala nang epekto sa akin. Hindi na ako nakakaramdam ng kahit konting kilig kahit gaano pa kakilig yung mga scenes nila. Palagi ko kasing iniisip kung ano talaga ang intensyon ni Vance. Na ginawa niya lang lahat ng mga 'yon para lang maikama niya si Thea.
Pero habang patuloy kong binabasa yung stor, alam ko na na nahuhulog na rin ang loob ni Vance kay Thea na mahal na niya si Thea. Doon talaga ako kinilig ng mga 100 times, hahaha.
Nung sinabi ni Vance kay Thea na, "I didn't leave because I love you."
Wwwhhhhhhaaaaaaaaaaaaa!!!
Alam niyo yung feeling na parang gusto niyong tumalon sa pinakamataas na building? Hahaha. Parang tumigil yung tibok ng puso ko ng mga 5 seconds dahil dun, hahaha. Keshe se Vance eh mesyede ekeng penekekeleg, hahahaha.
Kaso nga lang dumating si Ashley. Sino tong Ashley na to??? Ano'ng ganap niya dito sa story ni Vance???
Para sa akin si Ashley yung misteryo sa kwento ni Vance kasi mapapaisip talaga ang mga readers sa katauhan ni Ashley. Sa last part ng story doon talaga grabe ang twist makabiyak ng puso. Mabuti na lang may bumuo ulit ng puso ko charot, hahaha.
Doon na kasi nalaman na kapatid pala nila Vance si Ashley sa ama at involved pala si Thea sa pagkamatay ng grandparents ni Vance. Umiyak talaga ako dito. Ang complicated kasi ang sitwasyon nila ni Vance. Yung mahal nila ang isa't-isat pero hindi pwedeng maging sila sa ngayon kasi may mga pangyayari pa na kailangan ng paliwanag, mga sitwasyon na kailangan munang ayusin para lubusan na silang maging masaya at handa sa kanilang magiging relasyon.
Hayyy ang buhay parang life sarap po magbigti hahaha pero naisip ko sayang ang katulad kong dyosa kung mamamatay lang pala ako ng maaga charot hahaha...
Break po muna, hinga po muna kayo ng malalim, hahahaha.
Ang moral damage, I mean ang moral lesson pala hahaha, natutunan ko sa story ni Vance ay huwag nating hayaan na masira yung magiging future natin dahil lang sa mga nangyari sa ating nakaraan.
Wala naman na tayong magagawa pa at hindi rin na naman natin maibabalik ang oras para gawing tama kung ano mang pagkakamali ang nagawa natin sa nakaraan. Ang tanging magagawa lang natin ay siguraduhing magiging maayos, maganda at masaya tayo sa kung ano man ang magiging buhay natin sa mga susunod na mga araw. Nakaraan na kasi yun. Kung ano man ang nangyari noon hayaan na lang natin yun ano man yun. Sabi nga nila, past is past, move on din tayo 'pag may time, hahaha.
At gaya po ng sabi ng leader ng mga dyosa na si Ms. A, hahaha...
Leave it,
Jazlykdat ( just like that)
Nagmamahal,
Ang ikatlo sa pinakabatang dyosa sa GC hahahahaha ------------------ MTD
BINABASA MO ANG
My Jazlykdat Story
Non-FictionMembers of Jazlykdat Wattpad Friends had spoken how they were moved by the stories written by Jazlykdat and how it changed their lives. This was supposed to be a contest in the FB Closed Group but since there are lessons worth sharing I decided to p...