By: Aisa Mandang Abdul
#MyJazlykdatStory
This is it! Pansit!
Wala akong talent sa pagsusulat pero I'll grab the opportunity para mai-express ko at mai-share ang aking naging karanasan sa pagbabasa ng mga akda ni ms LJ.
Magaganda lahat ang mga gawa niya at walang itulak-kabigin lalo na ang "The Empire Series".
Pero ang pinakatumatak talaga hindi lang sa isip ko kundi pati sa aking puso ay ang story ni LIAM.
Iyong roller coaster na emosyon na naramdaman at nararamdaman ko mula sa Prologue, iyong curiousity na sinlalim ng bangin, iyong kabang dinaig pa ang earthquake sa pagtambol ang aking dibdib kapag dumarating sa notif ko na may bagong update, iyong kilig at saya sa pagbabasa ng kulitan sa fb group, unexplainable talaga.
First time kong magtiyagang maghintay ng updates na'ng hindi naiinip at nae-excited bagkus matinding kaba at pagpapakalma sa aking sarili ang ginagawa ko.
Unang beses na nagku-comment ako at nagpu-post sa fb group. Binalewala ko kahit nagagalit ang "Liam ng Buhay ko" kasi nakikita nya lahat ng ginagawa ko sa fb. Kahit pa inaaway nya ako kasi mas inuuna ko daw ang wattpad at pagbababad sa facebook group o kaya makipagchat at makipagpalitan ng ideas sa mga new friends na na-meet ko sa grupo kaysa magpahinga sa freetime ko.
Hindi ko talaga matiis.
'Yon bang kahit may work ka, ang nasa isip mo ay kung ano ang magaganap at kanino na naman mapu-focus ung simpatiya mo sa susunod na update.
'Yon bang nagagalit ka kay Liam pero sa huli narerealized mo na sobrang hirap ng sitwasyon nya.
'Yong naaawa ka ky Anne dahil sa mga dinanas nya pero at the same time naiinis ka rin at nasasabi mo'ng "Bakit kasi nabuhay kapa? Bakit bumalik ka pa? Umalis ka na lang".
And then sa huli, masasabi mo na lang, marahil siya ang twist ng story.
'Yong gusto mo'ng samahan si CL at aluin at sabihing, CL ikaw parin ang pipiliin nya kaya no worries, at matatawa ka na lang kasi mare-realized mo na sarili mo ang inaalo mo kasi umaasa ka na iyong gusto mo ang makatuluyan ng bida hanggang sa huli.
'Yong sobrang lalim ng damdaming napukaw sayo ng author dahil sa takbo ng story. Na kahit iyong inakala mong naibaon mo na sa limot na sakit ng nakaraan ay muling mabubuhay at parang kailan lang nangyari at muli mong naramdaman ang sakit na pilit mong ikinukubli na akala mo wala na at natakasan mo na.
Ngunit iyon din ang nagtulak sayo para harapin ang taong sanhi ng sakit na iyon kahit pa parang pinipiga ang puso mo sa pagbabalik-tanaw nya sa kung ano'ng meron sila dati ng mahal mo at kung papaano din sya nagdusa noong siya ang iniwan at kung ano ang mga nawala sa kanya na 'di na kailanman maibabalik nang piliin ka ng taong pareho nyong mahal.
'Yong imbes na magalit ka sa taong 'yon, makakaramdam ka pa ng habag at matutunan mo syang patawarin. At gagawa kapa ng paraan para sila naman nong mahal mo ang magkapatawaran kahit pa mahirap sa kanya na magpatawad dahil may isang bagay na kailanman ay hindi na maibabalik dahil sa isang desisyong padalus-dalos.
Napapaiyak ka na lang kapag nababasa mo kung gaano naghihirap ang kalooban ni Liam, kasi naiisip mo, "Ganoon din kaya ang naramdamang hirap ng mahal ko nong kinailangan nyang mamili?"
Iyong sobrang affected ka kasi damang-dama mo ang damdamin ng bawat character sa kwento.
At ang pinakamasaklap, iyong dinudugo ang utak mo sa kakahula kung sino nga ba ang mapipili niya hanggang sa huli.
At hindi mo maiwasang 'di ikabit ang damdaming lumulukob sa'yo at ang paghahagilap ng sagot sa mga katanungan sa iyong utak na gaya ng "Yung napili niya, sapat na ba'ng siya ang napili upang siya'y magsaya at mamuhay ng tahimik?" O katulad mo siya na namumuhay ng pangamba na baka hindi buo iyong pagmamahal ng mahal mo, na hindi lubos ang kasiyahan dahil alam mo sa sarili mo na may nasasaktan at nasira dahil sa 'yo, at ang masakit pa, minahal siya ng mahal mo, o baka minamahal pa rin hanggang sa kasalukuyan?"
Iyong hindi mo alam kung kanino mo maihahalintulad ang nararamdaman mo, kay CL ba o kay Anne?
Iyong inakala mong sakit na wala na, nandoon pa pala sa sulok ng puso mo, akala mo 'di na mabubuhay pa ang galit at hinagpis sa nakaraan, pero sa bawat update na binabasa mo, parang pinipiga ang puso mo, na gusto mo na lang i-remove pero pinapatay ka naman ng curiousity, dahil nababatid mo sa sarili mo na tulad ng mga character sa kwento, on going pa rin ang sakit na nararamadaman mo.
At kagaya ng inaasam mong mangyari, gusto mo ring malinawan ang lahat at masagot ang maraming tanong sa isip mo.
Kaya kahit sobrang sakit na, sumisige ka pa rin,matiyagang naghihintay ng bawat update, umaasa kahit parang imposibleng mangyari iyong inaasahan mo na magaganap, at higit sa lahat nagtitiwala sa kakayahan ng nagpapatakbo ng kuwento kasi aminin mo man o hindi sa sarili mo, tumagos sa iyong puso ang kwento at ang may akda nito.
Parang sa realidad ng iyong buhay, iyong sobrang mahal mo, siya ring nagdudulot ng sakit ng kalooban sa'yo, at kahit sobrang sakit na,umaasa ka pa rin na may magandang mangyayari pagkatapos ng lahat ng sakit.
Kaya hindi ka bumibitiw at patuloy na nagiging positibo. Kaya laban lang, inumpisahan mo, humawak ka lang dahil tuloy ang laban hanggang sa dulo...
Super haba!!! Pasensya po pero ito talaga ang nararamdman ko sa kwento ni Liam.
BINABASA MO ANG
My Jazlykdat Story
Non-FictionMembers of Jazlykdat Wattpad Friends had spoken how they were moved by the stories written by Jazlykdat and how it changed their lives. This was supposed to be a contest in the FB Closed Group but since there are lessons worth sharing I decided to p...