By: Jeandy Tenebroso
#MyJazlykdatStory
I could still remember what my mom told me when my father cheated on her not just once but thrice.
"I want to quit but I can't. I love you and your two siblings. I won't leave you. I still love your father and I will save this family."
That moment, gusto ko siyang yakapin para alisin 'yong sakit na nararamdaman niya. Pero paano ko mapapawi iyong sakit na nararamdaman niya kung sa loob ko ay unti-unting nasisira at nawawasak sa sobrang sakit nito? Sakit na dulot ng pagkakamali ng aking ama na hinding-hindi ko alam kung kakayanin ko pang mapatawad. At pagkakamali na unti-unting sumisira sa pamilya namin. And then, my lola (mother of my father) asked my mother not to quit for the sake of us, their children.VANDER LEWIS FILAN's story reminds me of what my family have been through for the past five years now. It really touches my heart. Ito 'yong story ni miss jazzy na hinding-hindi ko mabitawan at lagi kong binabasa nang paulit-ulit at siyempre lagi kong iniiiyakan.
Ito kasi ang story kung saan nawasak at nabuo nang dahil sa pagmamahal. Pagmamahal na ikinasisira ng both parties pero bumubuo rin ng mga sarili nilang pagkatao. Dahil dito lalo kong naiintindihan na ang tunay na pagmamahal ay ang pagpapatawad. Pagpapatawad na hindi pilit kundi kusang ibinibigay sa taong handa mong alayan ng iyong buhay. Pilit man silang binubuwag nang dahil sa kanilang pagmamahal pero pilit din nilang binubuo para pagtibayin ang kanilang samahan.
At sa kanilang anak naman na si DESIRY, feel na feel ko 'yong speech niya sa kasal nina Aubrey at Vander.
"But if there is one thing that it taught me. That is to remain grounded kahit ano pa man ang gusot ng mga magulang natin."
"God gave us the exact kind of parents that we need and all we have to do is embrace what HE gave us".
Ito yong mga bagay na ginawa ko no'ng nagkagulo ang parents ko. Kahit masakit, pilit kong itinatatak sa puso at isip ko na kahit anong gawin ko tatay at tatay ko pa rin siya. Siya ang ibinigay ng panginoon sa akin dahil siya ang perpektong ama na makabubuo ng pagkatao ko. Ama na kahit may pagkakamaling nagawa ay hindi pa rin kami pinababayaan. Pinaaral at pinakain niya kami. Sinasalo sa oras ng kagipitan. At kahit anong galit at poot ang nararamdaman ko, mahal na mahal ko pa rin ang aking ama.
Gaya ng kuwento ni Vander, my parents fought together to win the battles of their relationship, holding together until the end. With the guidance of my grandmother and grandfather (both sides), they saw the real meaning of love and that was FORGIVENESS.
BINABASA MO ANG
My Jazlykdat Story
Non-FictionMembers of Jazlykdat Wattpad Friends had spoken how they were moved by the stories written by Jazlykdat and how it changed their lives. This was supposed to be a contest in the FB Closed Group but since there are lessons worth sharing I decided to p...