Ma. Cristina aka Agent Mars
#MyJazlykdatStory
Yung unang Jazlykdat story na nabasa ko ay yung story ni Vander Lewis Filan na sobrang nakakaiyak. Pinapakita kasi dito na sakabila ng lahat ng hindi magandang nangyari sa buhay pag-aasawa nila Vander at Aubrey, nagawa pa rin nilang ayusin yung pamilya nila alang-alang sa mga anak nila. Naisip ko lang kasi na kung ganyan din sana karesponsable lahat ng magulang, sana wala nang broken family ngayon.
Like our family.
I also came from a broken family. Iniwan kami ng tatay ko para sumama sa iba. Akala ko ko noong una okay lang sa akin yun, kasi atleast hindi ko na sila nakikitang nag-aaway ni Mama. Hindi ko alam sobrang laki pala ng naging effect nun sa 'kin. Ang inisip ko na lang noon na kahit wala na yung father ko mamahalin ko ng mabuti yung natirang magulang ko, si Mama. Pero hanggang ngayon galit pa rin ako sa father ko (walang kokontra) Hahaha!
Nag-promise ako sa sarili ko na hindi ko bibigyan ng sama ng loob yung nanay ko. Tama na yung na experience niyang kalungkutan sa father ko nun. Magpakabait akong anak (kahit kunwari lang hahaha! ) Naiyak kasi ako dun sa sinabi ni Liana kay Aubrey.
"I failed Aubrey. I failed to be a good mother to Vander. I am sorry."
Ito yung pinakaayaw kong isipin ni Mama, yung feeling niya mali yung pagpapalaki niya sa amin. Kahit naman hindi tayo binigyan ng buong pamilya, meron pa rin naman tayong sariling pag-iisip. Alam pa rin natin kung ano ang tama at mali. Huwag pa rin tayo maliligaw ng landas.
So ayun binasa ko na lahat ng Filan Story. Mula kay Daddy Vaughn. MtaHM hanggang sa ongoing story, yung kay Liam.
So, habang nag hihintay ako ng update ni Liam nagbasa pa ako ng ibang work ni Miss LJ.
Ang pinaka nakarelate akong Story niya ay yung "Demolishing Her Walls." Sobrang relate na relate ako sa kwento na 'to. Feeling ko talaga ako si Daniella, ang kaibahan lang namin wala akong anak sa pagkadalaga hahaha (Crush na Crush ko nga po pala si Niccolo katulad niya yung Dream Guy ko.)
Parehas na parehas kami ng ugali ni Daniella. Una sa lahat, katulad ni Daniella malaki din yung galit niya sa Tatay niya dito dahil sa ginawang pang iiwan sa kanila ng Nanay niya.
Sobrang aloof ko din sa mga lalaki. Hindi ako nakikipag kaibigan sa mga lalaki talaga. Hindi ko alam kung matatawag akong manhater pero meron naman akong kaunting kaibigan na lalaki, pero once na biniro nila ako na manliligaw sila. Binabara ko agad. Iniisip ko na binibiro lang siguro ako, pero 'pag nangulit magagalit na talaga ako. Hindi ko na siya papansinin kahit kelan.
Tuwing may nagtatanong sa 'kin kung bakit ba hindi ko pagbigyan. Hindi ko din alam. Pero kelan lang na realize ko na masyado 'atang malalim yung pinanghuhugutan ko. Naisip ko lang. Yung totoong dahilam kung bakit ayokong makipagrelasyon.
Siguro na-trauma lang ako sa nangyaring sa parents ko. Feeling ko lahat ng lalaking magkakagusto sa 'kin lolokohin lang din ako. Iiwan lang din ako. Katulad ng ginawa sa amin ng tatay ko parang ako si Daniella. Takot sumugal.
After ko mabasa yung story niyo na Demolishing her wall biglang nagbago yung pananaw ko. Parang naisip ko din wala naman mangyayari kung patuloy akong magagalit sa tatay ko. At na-realize ko din na hindi naman siguro lahat ng lalaki manloloko (sana nga) hahaha! Minsan kasi kailangan din natin magtiwala eh. Kaylangan natin matutong magpatawad. Kung hindi ka marunong magpatawad wala kang karapatang magkamali.
Miss LJ's wisdom is really unparalleled. Feeling ko ang swerte ko po kasi nakilala ko siya. May tiwala ako na lahat ng sasabihin niya totoo. Walang halong kaplastikan. Magmula ng mabasa ko yung story nya. Sabi ko...ay! mahal ko na tong author na to! Hahaha walang halong joke ha! Hindi po talaga ako mahilig mag-open ng kadramahan ko sa buhay sa mga kaibigan ko hahaha.
Thank you Miss LJ
BINABASA MO ANG
My Jazlykdat Story
Non-FictionMembers of Jazlykdat Wattpad Friends had spoken how they were moved by the stories written by Jazlykdat and how it changed their lives. This was supposed to be a contest in the FB Closed Group but since there are lessons worth sharing I decided to p...