This was sent to me via private message during the contest in the group. Ngayon ko lang nabasa, pinaiyak niya ako...
I've decided to withhold the name of the sender. Medyo maselan. I am not in the position to announce this to the world.
This is actually in contrast to Jazlykdat Stories. Sana lahat ng lalaki katulad ng partner ng sender.
*****
Actually none of Jazlykdat stories can be compared to any event of my life especially my love story. But somehow I just like to share a thing or two sa mga readers ni Ms. Jaz.
Every one of us always aim to have their dream love story to end happily. Babae, bakla, tomboy at lalaki (aminin man nila 'yon o hindi 'di ba?) Just like how all Ms. Jaz's works end. From Wylene and Jayden na may unfinished business with the past, Javer and Sheena on a whirlwind marriage, Niccolo and Daniella with Christian, whom the author had a hard time para hindi kagalitan ng mga readers kasi love na nya si Christian, 'di ba Ms. Jaz? Their entire story ends up happily. Para sa akin being with the one you love doesn't justify as a happy ending.
I was 20 years old when I met the guy whom I declared as my one great love. Bakit ko nasabi? Sa dami ng complications sa buhay niya pinili ko pa din siya. May asawa at anak at the age of 28 pero hiwalay sa asawa. Alam kong marami siyang responsibilidad at babaero, ( Oh diba ang shunga ko lang talaga?) pero tumagal kami ng 2 years. Burned out...yun ang rason ko, sobrang 'di ko na kinaya ang lahat ng pagsubok na kasama ng pagmamahal ko sa kanya.
Until I met a man which is my partner today. Kasama sa trabaho. Crush na pala ako 'di ko man lang naramdaman. Nagpapalakad pa sa mga barkada niya para lang makasama ako sa gimik, like seriously, uso pa ba yun?
Until that day came na nagkalakas siya ng loob na manligaw. Since ako broken hearted, sinubok ang chance with him. Then after 3 months, nagsama na kami, madami ang nangyari na 'di inaasahan. Whirlwind romance ika nga .
Hmm...Masaya kung sa masaya, ganoon ko siya i-describe parang nothing more special on my side, siya alam ko sobrang special kasi I'm his first in everything.
After 11 years of being together with my 2 children, masaya kung sa masaya pa din kami. Special na siya sa akin kasi may 2 bata na kaming kasama .
Until one summer came, FB really sucks on throwback. Nahanap ako ng first love ko. Actually, 'di naman ako nagtago, 'di lang kami naghanapan at nagpaalaman ng maayos. Add as friend, kamustahan, tanungan ng pangyayari after 11 years, kamustahan sa mga kamag – anak na kakilala ng isa't isa.
Then after 3 days nag-throwback na ang aming love story. Di ko alam sa puso ko na mahal ko pa pala siya until that they came. Nag-decide kaming magkita and settle everything but unexpectedly, I gambled to be with him again. I think that's a foolish thing to do, even before pagdating sa kanya, talagang tanga ako nagpabuntis pa ako in span of 2 months with him without my partner noticing it, (malayo siya sa akin due to nature of his work ).
Sobrang hirap mag-decide, gusto ko siyang piliin pero paano ang mga anak ko? Then God decided to knock on me, nalaglag ang bata at nahuli ko din siya na meron din siyang ibang mga girlfriends.
Sobrang sakit... Mas masakit pa sa una naming hiwalayan. Napatunayan ko kasi na mas mahal ko siya. Pero 'di ako lumugmok lang. I picked myself up.
Inamin ko lahat sa partner ko. Alam kong mapapatawad niya ako, ganoon niya ako kamahal. He even ask me kung gusto ko pang habulin ang 1st love ko, papakawalan niya pa din ako kasama ng mga bata pero susuportahn niya din kami, sabi ko, paano ka? Ang sagot nya "Malaman ko lang na masaya ka mabubuhay na ako."
I'm his life, he could live the life without me basta masaya lang ako.
'Di ko alam na ganito kadakila ang pagmamahal niya sa akin, akala ko ako ang dakila sa pagmamahal sa 1st love ko, mas dakila pala ang partner ko. I choose him over my 1st love .
We settled everything.
My point in here is that, love that is not being reciprocated doesn't mean it wouldn't have a happy ending.
Pinili namin ng partner ko ang isa't-isa kahit na alam niyang mahal ko pa din ang 1st love ko at ako naman nakuntento sa pagmamahal na kaya niyang ibigay sa akin na alam kong walang makakapantay.
Hindi katulad ng mga story ni jazlykdat, lahat ng characters niya nagkatuluyan puwera kina Liam, Anne at CL. (magulo pa sila nong time na ni-sent niya ito)
If ever Liam chooses CL over Anne, alam ko makararamdam din si Anne ng bitterness na katulad ko. I didn't end up with the man whom I love the most but I'm contented with my life having the the partner whom I know 'di ko man kayang mahalin ng katulad ng pagmamahal niya sa akin ay mananatiling nasa tabi ko. Para sa akin iyon ang happy ending.
I wish Anne in watty and real life would learn from my story. Hindi ko pino-promote sa grupo na 'wag maniwala sa fictional story na meron si jazlykdat and even to all the stories in watty. Hindi lahat ng happy ending ng story come with 2 persons with so much love for each other. Para sa akin, contentment is also a factor. And I must say na kontento ako ngayon kaya masaya ako at may happy ending kami ng partner ko with my kids.
BINABASA MO ANG
My Jazlykdat Story
NonfiksiMembers of Jazlykdat Wattpad Friends had spoken how they were moved by the stories written by Jazlykdat and how it changed their lives. This was supposed to be a contest in the FB Closed Group but since there are lessons worth sharing I decided to p...