Mayang the Bente Queen

332 24 1
                                    

By: Bea Mae M. Garcia

#MyJazlykdatStory
#FeelingJanica
#Game4


Hi! Open-minded ba kayong tao? Gusto nyo bang magkabahay, magkakotse at yumaman na nakahiga na lang sa pera? Sa halagang 500, aasenso ka na kaibigan. At ang pag-ibig na matagal mo nang hinahanap ay matatagpuan, kami ay may nakalaan. Charot lang. Hahahaha! Mahirap lang talaga gumawa ng introduction lalo na kung wala ka sa katinuan.


Ang akdang ito ay may temang SPG (Sabog Pag Gawa), nasa sa inyo na kung gusto nyong magpatuloy o hindi, pero isa lang masasabi ko, pag nagpatuloy kayo, isa kayong Dyosa na bumaba sa lupa. Bare with my grammar, I'm not so good at this pero dahil mahal ko kayong lahat, gagawin ko 'to. Total naman sanay na akong magmahal nang walang natatanggap na kapalit.


It was last year, I've discovered the story of Miss Jazlykdat (MTAHM), and I forgot if I just accidentally add it on my library or a friend of mine recommended it to me.


I was a reader since 2011, my ebook days. Until I discovered wattpad, 'di man halata pero mapili ako sa mga binabasa kong stories. Kapag nabobored na ako, di ko na tinutuloy. At dahil umabot ako sa story ni LiamBebe ko, masasabi kong nagustuhan ko ang mga stories niya. Yung iba't-ibang plot ng mga stories ang nagustuhan ko. Wala yata sa vocabulary ni otor ang word na cliché', though may scenes talaga na same sa iba but they don't affect the whole story.


Sa sobrang thumbs up ko sa kanya, first time ko mag message sa wattpad. Sabi ko pa sa sarili ko "kapag itong si otor magreply sa 'kin, maniniwala na talaga akong Dyosa ako, hahahaha!", and by God's will nagreply po sya sa 'kin, dyosa daw ako, joke lang. Dami ko nang sinasabi, samantalang wala pa ako sa main part ng essay na 'to. Let's move forward, like what I did after those heartaches. Hahaha!


TES: Von Leandrei, ito yung story na masasabi kong di masyadong mabigat sa puso pero pinakang tumatak sa akin. I wonder why, I wonder how. Maybe, I felt connected with the character, feeling ko ako si Janica. How she sets her priorities and how she'd handle things on her own way plus beauty and brain.


Honestly, ito yung story ni Miss Jaz na hindi tumulo ang luha ko, hindi ako napahagulhol. Pero I ended up choosing this story. Napahanga kasi ako sa ugali ni Janica, hindi madaling makitira sa hindi mo sariling bahay, kahit gaano pa kabuti at kabait ang may-ari ng bahay na 'yan.


Yung review sa weekend trabaho naman sa weekdays, mas lalong hindi madali yun. Good thing, my Von Leandrei was there to guide her, kahit palagi niyang inaasar, ang mahalaga ay nagpakatotoo sya dito. He gave her motivation and even confessed his feelings towards Janica. His willingness to wait was more than enough to show his love. Nakakatuwa lang din kasi ang ugaling mayroon si Leandrei, yung pagiging pilyo at mapang-asar nya kay Janica.


"Age doesn't matter", isa yan sa pinatunayan ng storyang 'to. Kahit mas matanda ng 3 taon ang babae sa lalaki, hindi ito naging hadlang sa pagmamahalan nila. Status ng buhay, kahit sobrang yaman ng mga Filan never mong marinig sa kanila ang pagiging matapobre, tinanggap nila kung sino man ang mahalin ng kanilang mga anak at ang pagiging supportive, lalo na ni Daddy Vaughn.


Ang story nila Leandrei at Janica ang hindi pinaka rush sa lahat ng Filan, pinaka konting spg I mean. Hindi lang romance ang matutunan mo, hindi lang puro kilig to the bones kundi ang lahat ng mga pangyayari sa buhay nila ay may makukuha kang aral at hindi purong iyakan ang laman.


At dahil feeling ko ako si Janica, I am still waiting for my oh so hot Von Leandrei and my oh so interesting love story to come. Mas na-inspire akong may forever, may lifetime at may infinity.


A love story doesn't end only when you both love each other, it ends when both of you finds happiness, comfort and care.





To Miss Jazlykdat, thank you for sharing your oh so wonderful stories to your readers. Congrats to your published book Married to a Hot Magnate. Keep inspiring people, stay humble and pretty (ehem), and to your haters (sikat ka na po kasi may mga haters na, hehehe) spread love and leave it, just like that.



P.S.
Akala ko hindi ko na 'to magagawa, sa sobrang daming iniisip, mga deadlines at kung anu-ano pa muntik ko nang makalimutang gumawa ng entry. Manalo o matalo, ang mahalaga ay may natutunan sa mga pa games ng admins, moderators, members, at kay Miss Jazlykdat herself.

The trophy doesn't define you as a player, the experiences and how you accept the results will surely define you as a good player. Goodluck Jazzies, more power and God bless us all. Lovelots♥

-Mayang Dyosa ^_^

My Jazlykdat StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon