Prologue

3.5K 70 16
                                    

Kyle.. Salamat sa lahat, salamat sa pagiging parte ng buhay ko. Salamat dahil pinaranas mo sakin ang pagmamahal na ngayon ko lang naranasan. Dahil sayo nadagdagan ang mga pangarap ko, mga pangarap na noo'y napaka simple lamang. Alam mo bang sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ko hindi ko inisip ang mararamdman o sasabihin ng ibang tao saakin? sapat na kasing dahilan sakin ang pagmamahal ko sayo para harapin ang mga pagsubok.

Kapag dumating yung oras na kailangan na kitang iwan.. Sana maalala mo yung mga magaganda at mamasayang alaala sa lugar na to kasama ako. Lahat ng mga pinagsamahan natin sa maikling panahon.. kasiyahan.. kalungkutan.. at mga pagsubok. Walang makakapantay sa mga alaalang iyon.

Alam mo Kyle, gusto kong ibalik sayo lahat ng mga ginawa mong kabutihan sakin bago man lang sana ako lumisan sa mundong ito. Pero hindi sasapat ang oras ko para makasama kita. Ang dami kong gustong gawin kasama ka pero kapag naiisip ko mas lalo ko lang dadagdagan ang pangungulila mo sa oras na mawala na ako sa tabi mo.

Gusto kong malaman mo na sa mga panahon na kasama kita parang humihinto ang oras ko. Yung mga panahong iyon ang pinaka-aasam-asam ko sa lahat at yun na siguro ang pinaka gusto kong maranasan sa buong buhay ko kahit na noon pa man.. Kaya lang isa rin yun sa mga kinatatakutan ko. Darating din kasi ang araw na iiwan kita. Alam ko na kapag dumating yung araw na yun masasaktan ka. Pero darating din naman yung panahon na makakalimot ka.

Kyle pwede bang mangako ka sakin? Pwede bang kahit na wala na ako ngumiti ka parin? Gustong gusto ko kasing nakikita ang mga ngiti mo at gustong gusto kong nasisilayan ang saya sa mga mata mo.

Patawarin mo ako kung hindi ko man nasabi sayo yung tungkol sa sakit ko. Hindi ko kasi alam kung paano at saan ako mag-uumpisa. Sa twing sasabihin ko na sayo lagi na lang may pumipigil sakin. Siguro dahil umasa ako na gagaling pa ako kaya nagawa kong ilihim sayo, akala ko makakayanan ko pero hindi pala. Sa bawat araw na lumilipas lalo lang lumalalala yung sakit ko at mas lalo lang akong nanghihina. Binigyan ako ng choice ng doctor ko kung ano bang pipiliin ko, kung ang mag chemo theraphy ba o ang magbuntis. Nung una mas pinili kong magpagamot na lang dahil naisip ko na kapag gumaling ako pwede pa naman tayong makagawa ng maraming anak. Pero nung malaman ko na seryoso na pala yung kundisyon ko at malabo ng gumaling pa ako biglang nagbago yung isip ko. Pinili kong buhayin na lang yung bata kesa magpagamot. Ayokong mawala sa mundong ito nang wala man lang naiiwang alaala sayo Kyle. Naisip ko na kung mawawala ako, ako na lang at maiiwan sayo ang anak natin. Siguro ganun talaga ang buhay, kung tunay kang nagmamahal kailangan matuto kang sumugal at magsakripisyo.

Pero huwag kang mag-alalala. Hindi naman talaga ako aalis eh, palagi lang akong nandito at nakabantay sainyo. Huwag ka sanang malungkot sa pagkawala ko, diba ang sabi mo 'The best and the most beautiful things in the world cannot be seen nor touch. They must be felt by the heart.' Alam ko at alam mo na sa puso natin palaging mananatili ang pagmamahal natin sa isa't isa magkalayo man tayo hindi yun magiging hadalang upang mawala ang pagmamahalan. Mawala man ako sa tabi mo alam kong mananatili parin ako sa puso mo.

Hindi man tayo nagkasama ng matagal alam ko na darating din yung araw na magkakasama tayong muli. Sa paraiso ng pag-ibig kung saan walang mararamdamang sakit, galit at lungkot doon natin ipagdiriwang ang naudlot nating pagmamahalan. Mahal na mahal kita Kyle mula noon at mamahalin kita pang habang buhay.

~Lorraine❤️






Cast..

Kyle Montefalcon❤️

Kyle Montefalcon❤️

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Satus: Single But Married Again? (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon