Hannah's POV
"Sino ba yung babaeng yun?? Sino ba sa akala nya ang nilalandi nya? Ganun ba sya ka importante kay Kyle para hindi nya ako suyuin?" Sumilip ako sa bintana at nag uusap parin sila. "Hindi ba sya papasok sa school ngayon?" Naiinis ako kasi patawa tawa pa sila na parang walang nasasaktang tao. Lalabas sana uli ako pero biglang may lumabas na binatang lalake sa bahay nila at mukhang aalis na yata sila. "Mabuti naman!" Napa lakas yata ang boses ko at naoa tingin yung babae dito sa direksyon ko. Kaagad akong nagtago.
"Teka! Ba't ba ako nagtatago? Wala naman akong ginawang masama ah. Sila ang dapat mahiya." Sumilip ako at lumabas na yung dalawang bisita nila. Pinag masdan ko yung kilos nila. "Kapag hinalikan mo siya patay ka sakin!" At dahil wala namang halikan na nangyari ay napanatag na ako. Naligo na ako at nag handa para sa trabaho ko. Haaaaay!! Napa praning na talaga ako. Takot lang kasi ako na mawala sakin si Kyle. Mabuti na lang at wala syang naaalala nung aksidente, dahil kung hindi.. "Sigh.. Ano bang sinasabi mo Hannah?? Wala syang maaalala kaya kalimutan mo na yun." Nag ayos na ako at nag handa na para umalis palabas na sana ako sa gate nang mapansin kong nandun parin yung sasakyan at palabas sina Kyle at Katrina kaya agad akong nag tago.
"Ah.. Sabi ng ate ko isabay na raw namin kayo sa school, baka kasi ma late kayo."
Ano?? Isa sabay sila?? Sumilip akp at tinignan ko ang reaksyon ni Kyle.
"Hindi ba naka kahiya?"
Hoy!! Tumanggi ka. Masyado mo na akong sinasaktan jan sa ginagawa mo.
"Ayos lang kuya. Tara na."
"Osige, oras na din kasi."
💔💔💔 Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumabas na ako. "Kyle!!" Sakto pa sakay na sya sa kotse. Nilapitan ko sya at puma lupot ako sa braso nya. "Sabay na tayo. Ako na maghahatid sayo sa school. Nagpa book na ako sa Grab." Tinignan ko ang babae sa loob ng kotse saka ko sya inirapan.
"Ha? Diba mahal yun? Saka isa pa, hindi ka ba male-late sa trabaho mo?"
"Hindi, ayos lang. Sabay na kayo sakin ni Katrina." Hinila ko rin si Kat at kahit naguguluhan ay bumaba na lang din sya sa kotse. Nagpaalam pa sila dun sa dalawa at mabilis naman akong tumawag ng Grab, kaya lang ang bagal ng signal jusme mag e-expire na ang data ko.
"Hindi ka na ba galit?" Nagulat ako sa paglapit ni Kyle. Naiinis ako sakanya pero di ko magawang magalit.
"Wag mo akong kausapin kino kontak ko yung grab driver." Hindi naman nya ako kinulit at habang naghihintay ako ng signal ay naka receive ako ng text na expired na ang subscription ko sa internet. "Bwiset!!"
"Okay ka lang ba?" Tanong sakin ni Kyle.
"May problema ba?"
Biglang dumating yung babae kanina. Bakit ba hindi parin sila umaalis?? Inaasar talaga ako ng babaeng to ah. Pinag masdan ko sya mula ulo hanggang paa at mejo na insecure ako sakanya sa ganda nyang manamit pati na rin sa ganda ng balat nya.
"Sumabay na kayo sa amin. Kaya lang pala.. Hanggang dalawa na lang ang pwede naming isabay."
Wow!! Pina mukha mo pa talaga sakin na hindi ako pwedeng sumabay ah. Tumingin sakin si Kyle at pina kita ko talaga sakanyang iritable ako sa babaeng kausap nya.
BINABASA MO ANG
Satus: Single But Married Again? (Book2)
RomansWhat if life gave you a second chance? I mean, a chance to live once more and a chance to be with the one you love. Well, at first I thought it was just a dream but then I woke up one day meeting her again and everything started like the first day w...