"Anong nangyari sayo Hannah? San ka ba nanggaling? Hindi mo ba alam na nag aalala ako sayo?"
"Pinuntahan ko ang tatay kong mayaman. Matagal nya na akong gustong pauwiin sa mansyon nya dahil patay na ang asawa nya at dalawa lang kaming tiga pagmana. Napag isip isip ko na panahon na para tanggapin ko ang alok nya."
"Ganun ba?" Wala akong masabi. Para kasing ibang Hannah ang kaharap ko ngayon.
"Magpa kasal na tayo Kyle."
Nagulat ako sa sinabi niya. Tinignan ko ang itsura niya para malaman kung nagbibiro lang siya, pero mukhang seryoso sya sa sinasabi niya. "Bakit parang biglaan naman yata?"
"Biglaan? Limang taon na tayo Kyle, ngayon ka pa nabigla? Sa loob ng limang taon na yun, wala tayong naging problema. Pero simula nung magising ka mula sa aksidente, parang ibang Kyle na ang kaharap ko."
Halata sa mukha nya na nag pipigil sya ng galit at luha. Ano bang sasabihin ko? Gusto ko naman syang pakasalan pero parang may pumipigil sakin.
"Pakiramdam ko napaka layo mo na sakin Kyle. Ginagawa ko to kasi ayokong maagaw ka ng iba sakin."
Parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi nya. Siguro yun ang totoo, na kahit hindi ko aminin sa sarili ko ay alam ko na may dahilan kung bakit nag dadalawang isip ako, kahit na dapat ay hindi naman.
"Kapag hindi ka pumayag, mabuti pang mag hiwalay na lang tayo. Total, wala na rin palang pupuntahan ang limang taon na pagsasama natin."
Naglakad na sya palabas at napansin kong nangilid ang mga luha sa mata nya. Sinundan ko siya at hinawakan ko ang kamay niya. "Hannah.."
"Siguro eto na talaga yung hinihintay mong pagkakataon, na hiwalayan kita."
"Hindi naman sa ganun. Kailangan lang nating pag isi—"
"Pag isipan?! Kyle matagal na nating plano to diba? Pinlano na natin to bago mo pa makilala ang malanding babaeng yun!!!"
"Tama na Hannah. Kumalma ka." Napansin kong dumami na ang mga tao at naki usyoso na ang mga kapit bahay namin.
"Pano ako makaka kalma sa ganitong sitwasyon?! Ano pa bang kulang sakin?! Mayaman na ako ngayon Kyle! Mas maganda at malamang mas magaling ako sa kam—"
"Tama na Hannah." Pinigilan ko sya dahil pinag uusapan na kami ng mga kapit bahay. "Sa loob na lang tayo mag usap."
"Bakit? Nahihiya ka ba sa mga kapit bahay natin? Diba saksi sila kung pano mo ako niligawan at kung paano kita sinagot? Dapat lang din na malaman nila kung bakit tayo mag hihiwalay!"
"Hannah, tama na. Hindi tayo maghihiwalay." Hihilain ko sana sya papasok uli sa loob pero binawi nya ang kamay nga.
"Ganito na lang. Sige, hindi ako makikipag hiwalay sayo para mahiya naman ang babaeng yun sa kalandian nya. Tandaan mo Kyle, oras na makita ko kayong magkasama ng babaeng yun, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sakanya."
Umalis na sya at naiwan ako rito na pinag uusapan ng mga kapit bahay. Isinarado ko ang gate saka na ako pumasok sa loob ng bahay. Kaagad naman akong sinalubong nila mama at tinanong kung anong nangyari. Wala ako sa mood mag kwento kaya dumiretso na lang ako sa kwarto at humiga.
Hannah's POV
Iyak ako ng iyak dito sa sasakyan habang naka tingin kay Kyle. Naiinis ako kasi pakiramdam ko hindi nya na ako mahal. Simula nung makilala mya ang Lorraine na yun ang laki na ng pinag bago nya.
"Ma'am tumutunog po ang phone nyo."
Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Ano na naman kaya ang kailangan ng lalaking to sakin? Pinatay ko ang tawag pero makulit talaga sya. "Ano ba? Di ba sabi ko wag mo na akong tawagan?"
[Na miss lang kita. Kelan ba tayo uli magkikita?]
"G*go ka ba Nathan? Diba wala na tayo? Tantanan mo na ako! Masyado na akong maraming iniisip dadagdag ka pa!"
[Oh ayan ka na naman. Diba sinabi ko naman sayo na wala talagang tayo? Nag gagamitan lang tayo—]
"Hindi na ako ang dating Hannah na kilala mo kaya tantanan mo na ako!" Binabaan ko siya at dumiretso na kami sa mansyon. Kailangan kong makapag isip. Kailangan kong gumawa ng paraan para maayos ang relasyon namin ni Kyle. Ayokong daanin sa dahas to pero kung kinakailangan ay gagawin ko.. Bakit kasi si Kyle pa ang na aksidente at hindi sya! Kasalanan nyang lahat to!
Pagdating sa mansyon ay may nakita akong pamilyar na kotse na naka parada doon. Bumaba ako ng sasakyan at kinutuban na ako nang makumpirma ko ang kotse."Oh andito na pala ang panganay ko." Salubong sakin ng tatay ko. Napansin ko si Nathan na naka tayo sa di kalayuan at may hawak na baso ng wine. Anong ginagawa ng gag*ng to dito?
"Nice meeting you Hannah Villafria." Lumapit sya sakin at hahalik sana pero tinulak ko sya. Nagulat ang tatay ko pero nagpaalam ako na aakyat na ako sa taas. Ano na naman kaya ang binabalak nya?
"San ka nanggaling my dear step sister?"
"Wala kang pake." Sagot ko sakanya. Saka ko kinuha ang susi sa kwarto ko.
"Hindi ko alam na ganun pala ang mga taste mo? Sabagay, laking squater ka nga pala at ohhh— may back up."
Humarap ako sakanya at tinignan ko sya ng masama. "Anong sinasabi mo? Pinapa sundan mo ba ako?"
"Pano kung sabihin kong, oo? May magagawa ka ba?"
Nilapitan ko sya at hinila ko ang braso nya. "Huwag na huwag mo akong kakalabanin dahil hindi mo pa ako kilala."
"Kilala kita Hannah. Mas kilala kita kesa sa sarili mo." Binawi nya ang kamay nya saka nya ako itinulak.
"Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin." Mariin na sagot ko sakanya. Nang gigigil talaga ako sa babaeng to. Mabuti at wala pa dito ang kapatid nyang lalake dahil kung hindi ay baka pinag umpog ko na silang dalawa.
"Bakit? Ipapa sagasa mo rin ba ako kagaya ng ginawa mo sa boyfriend mong squatter?"
Bigla akong kinabahan sa sinabi nya. Akmang sasampalin ko sya pero nasalo nya ang kamay ko.
"Sinabi ko na sayo, alam ko lahat ng baho mo. Huwag kang aasta na ikaw ang taga pag mana dahil kahit panganay ka, anak ka parin sa labas! Matuto kang lumugar sa pamanahay na to dahil ako ang hindi mo kilala!"
Pagkatapos nyang sabihin yun ay itinulak niya ako saka siya umalis. Nanlambot bigla ang mga tuhod ko sa nangyari. Pano nya nalaman yun?? Ano pang alam nya tungkol sakin?? Tatayo sana ako para sundan sya pero hindi ko kinaya sa sobrang kaba kaya mabilis akong pumasok sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Satus: Single But Married Again? (Book2)
RomanceWhat if life gave you a second chance? I mean, a chance to live once more and a chance to be with the one you love. Well, at first I thought it was just a dream but then I woke up one day meeting her again and everything started like the first day w...