Chapter 12

695 22 3
                                    

"Kyle, hijo kakain na. Huwag mong sabihin buong araw kang hindi babangon jan?"










Bumangon ako pagkatapos akong tawagin ni mama saka naman ako sinundo ng mga pamangkin ko.











"Hoy Kyle! Ano bang nangyari sainyo ni Hannah at bigla na lang siyang hindi nagpakita?" Tanong ni ate Karen pagka kita niya sakin.










Sa totoo lang hanggang ngayon nako konsensya ako sa nangyari pero nababahala rin ako sa sinabi ni Lorraine nung nakaraang araw.












"Alam mo Kyle, pagkatapos ng aksidente ay bigla ka nang nagbago. Hindi lang naman si Hannah ang naka pansin dun, pati kami."












Tinignan ko si ate Karen. Siguro nga tama siya. Masyado akong nabulag sa panaginip ko kaya parang unti unti nang nawawala ang nararamdaman ko para kay Hannah.

Nagmadali akong lumabas ng bahay saka ako sumilip sa bahay ni Hannah. Nandun parin yung bulaklak at sulat na iniwan ko ngunit lanta na ito at hinawi na ng hangin. Sinubukan ko uli siyang tawagan pero hindi nag ri-ring.

Imbes na saluhan sila sa pagkain ay nag madali akong naligo at nag bihis. Hahanapin ko si Hannah at isa lang ang naiisip kong tao na pwedeng maka tulong sakin.








Lorraine's POV




"Ma'am may naghahanap po sainyo."









Tumango ako sa maid saka sumunod sa labas. Nagka kape ako ngayon para mabuhayan. It's already 1 in the afternoon at kaka gising ko lang. Biglang nag iba ang body clock ko simula nung magdamag akong naghanap sa magaling kong kapatid kaya wala akong choice kundi pumasok ng gabi sa office.

Pagbaba ko ay nakita ko si Kyle na naghihintay sa tabi ng pintuan. Inayos ko ang suot ko bago ako lumapit sakanya. "How did you know my house?" Nagulat pa sya nang makita niya ako. Hindi niya pala ako napansin na bumaba dahil abala siya sa pag tingin sa bahay. Napaka inosente talaga nang lalaking to.










"Pasensya na kung hindi ako nagpa sabi. May gusto lang sana akong itanong sayo."










I have no idea about his presence pero pinaupo ko siya at hinayaang magsalita.











"Pasensya ka na pero—"











"You already said it twice. Wala ka bang ibang sasabihin maliban sa pag hingi mo ng tawad?"










"Pas—"













Bigla siyang napa tingin sakin saka siya ngumiti at kumamot ng ulo. Darn! Bakit ba ang cute niyang tignan kahit na ta tanga tanga siya? Naiinis ako!! "Ano ba talaga ang ipinunta mo dito?"











"Gusto ko lang sanang malaman kung may alam ka kung nasaan si Hannah."










"Ano? Nagpunta ka dito sa bahay ko para lang itanong sakin ang nawawala mong girlfriend?" Bigla akong nainis sa tanong niya. Sa dinami dami nang pwedeng idahilan niya para magpunta dito yung babaeng yun pa talaga!!











"Baka lang kasi may alam ka. Nagpunta kasi ako sa opisina nila pero hindi ako pinapasok."











Tinignan ko ang suot niya at talaga namang hindi siya papapasukin sa suot niyang tshirt na may butas pa sa kwelyo at naka tsinelas pa. Knowing Nathan na napaka arte when it comes to hygiene. Ayaw nun na may pumapasok sa building niya na naka tshirt.











Satus: Single But Married Again? (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon