Chapter 2

1.2K 34 2
                                    

"Hoy Hannah!! Anong balak mo sakin? Kelan mo ako kakalagan?"











"Kakalagan lang kita pag nasa matinong pag iisip ka na!"











Naka tali ako ngayon sa upuan. Pagkatapos ko kasi bumangon kanina sa kalsada ay hinampas ako ni Hannah kaya bumagsak ako at naka tulog yata, basta pag gising ko naka gapos na lang ako dito. "At kailan ka pa nagsimulang naging bayolente?"










"At kailan ka pa nagsimulang mabaliw?"









"Hindi ako nababaliw. Baka ikaw, kung nasa matino kang pag iisip, bakit ko ako igagapos?"










"Hoy! Kung nasa matino kang pag iisip, hindi ka mag iibento ng kung anu ano. Ilang linggo ka lang walang malay tapos kung anu ano na ang mga sinasabi mo?"











"Gaya ng ano?"









"G.. gaya ng pagsasalita mo, yung kilos mo pati na rin yung.. yung.. pangalan ng babaeng yun na palagi mong binabanggit.. Binabangungot ka nga sa ospital kaka tawag sa pangalan niya."








Binabangungot?? Sa sarili kong panaginip??








"Kyle, umayos ka naman. Nababahala na kaming lahat sayo. Nasaan na ba yung Kyle na kilala namin na masipag, maalaga sa pamilya, maabilidad at tahimik? Parang lahat ng yun nawala dahil sa aksidente.. Kasalanan ko lahat to." bulong nya.







Pilit kong inisip ang sinabi niya at saka pumasok sa isip ko yung aksidente nung gabing yun. Naalala ko na kaka galing ko lang ng trabaho at pagkatapos ay nabundol ako ng kotse. "Naaalala ko na.." Bigla sumakit ang ulo ko habang inaalala ko ang nangyari..








"Kyle, a.. ayos ka lang ba?? Anong naaalala mo?" Nag aalala akong nilapitan ni Hannah. "Haist!! Mali talagang iginapos kita eh." Tinanggalan niya ako sa pagkaka tali ko saka niya hinawakan ang mukha ko. "A.. ayos ka lang ba? Sandali lang at ikukuha kita ng tubig."







Paalis na sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya kaya nahinto siya. Naaalala ko na.. Hindi ako nananaginip.. Dahil ang panaginip ay.. ang sa amin ni Lorraine..







"Kyle.. Ayos ka lang ba? Tinatakot mo ako. S.. sabihin mo.. anong naaalala mo?"










"Ikaw.."











"Ako?"












"Oo, ikaw si Hannah.. Girlfriend ko.."









Bigla siyang tumango at naiyak. "Naaalala mo na ba lahat?"










Umiling ako dahil hindi pa gaanong buo ang memorya ko.
Bakit ganun?? Napaka haba ng panaginip na yun.. at isa pa, parang kailan lang yun.. Pero hindi ako nagkakamali, nasa totoong buhay ako ngayon at hindi ito panaginip, ito ang buhay na kinalakihan ko.












"Tatawagan ko sina tita para sunduin ka nila."









"Huwag na, sa katabing bahay lang naman kami nakatira. Uuwi na ako." Tumayo na ako saka lumabas ng bahay.











Satus: Single But Married Again? (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon