Hindi ito pwedeng mangyari. I can't fall to a guy na ngayon ko lang nakilala. No, never!!
"Lorraine? Lorraine ayos ka lang ba?"
"Noooo!" Biglang bumalik sa normal ang lahat and I just saw everyone staring at me. Mabilis akong tumayo, I didn't notice na kanina pa pala ako hawak ng lalaking to.
"Anong masakit sayo? Yung paa mo?" He kneeled down and attempted to touch my feet pero lumayo ako sakanya. "Stop right there. Don't you dare touch my feet and don't you dare touch me again."
Kyle's POV
Natulala ako sa sinabi niya. "May nagawa ba akong mali??" Tanong ko dun sa assistant niya at umiling naman siya. Sumunod ako nang maka pasok siya sa loob ng Cafe at naabutan ko na lang siya na binubuhusan ng basong tubig si Kat. Kaagad akong lumapit at inilayo ko ang kapatid ko sakanya.
"Ate ano ba! Bakit mo yun ginawa sakanya?"
"I already warned you about this Jacob. Ayokong magpa ulit ulit sa mga sinasabi ko."
"Ate umalis na tayo dito."
Pagtayo ni Jacob ay napansin ko na may benda ang paa niya at kung pagmamasdan mo ay may pasa rin siya sa mukha.
"What happened to your feet?"
"Wala lang to, natumba lang ako."
Lumapit siya sa amin at tinignan niya ako at pagkatapos ay si Kat.
*Pak*
Hindi ko inaasahan ang pagsampal niya sa kapatid ko. "Lorraine ano ba!"
"Ate tara na!"
Hinila na siya palabas ni Jacob pero nag pumiglas siya. "Ito ang tatandaan mo, gagawin ko ang lahat para protektahan ang kapatid ko sa mga gaya mo."
Pag alis nila ay saka umiyak ang kapatid ko. Wala man lang akong nagawa para ipag tanggol siya. "I'm sorry, Kat."
"Kuyaaaaaaa!"
"Tahan na." Patuloy lang siya sa pag iyak. Bakit ganito? Ibang iba siya sa Lorraine na nakilala ko. Talaga nga yatang kabaligtaran lahat ng nasa panaginip.
Pinag undertime siya ng boss niya at inuwi ko na rin siya. Hindi ko alam kung paano ko pagagaanin ang loob niya.
"Bakit ba kasi kayo magkasama ni Jacob? Akala ko bang hindi mo siya gusto?"
"Sino bang nagsabing gusto ko siya? Nagpunta lang siya sa Cafe kasi ang sabi niya ayaw niyang mag stay sa bahay nila. Masyado daw kasing mahigpit ang ate niya."
BINABASA MO ANG
Satus: Single But Married Again? (Book2)
RomanceWhat if life gave you a second chance? I mean, a chance to live once more and a chance to be with the one you love. Well, at first I thought it was just a dream but then I woke up one day meeting her again and everything started like the first day w...