Chapter 4

752 23 2
                                    

Katrina's POV




Haaaaist!! Papasok na naman sa school. Alas singko palang nasa school na ako para wala pang masyadong estudyante pagpasok at isa pa payapa ang buhay ko kapagka ganito. Pero sa totoo lang nawawalan na talaga akong ganang pumasok, hindi dahil sa tinatamad ako kung hindi dahil sa..










"Oh nandito na pala ang serberdora. Good morning serbedora!"









Dahil sakanya at sa mga alipore niyang puro abnormal na gaya niya.










"Ganitong oras ka pala pumapasok serbedora? Iba talaga pag deans lister."











Ang grupo niya talaga ang iniiwasan ko sa school kaya maaga akong pumapasok. Ewan ko ba bakit andito na siya ng ganitong oras. Hindi naman siya mukhang morning person. Naglakad na ako at nilampasan ko siya.










"Huwag ka namang bastos pag kinakausap ka." Sumunod siya sakin sa paglakad pero hindi ko siya kinikibo. Siya ang dahilan kung bakit muntikan na akong matanggal sa trabaho ko kahapon. "Sino yung lalaking kayakap mo kahapon? Mas matanda yun sayo ah. Ganun pala ang mga gusto mo, matatanda."











Humarap ako sakanya at bigla naman siyang nahinto sa paglalakad dahil sa gulat. Tinignan ko siya ng masama at gustong gusto ko na talaga siyang murahin pero naisip ko na wala namang magagawa ang mga salita ko para magbago ang walang kwentang taong to.











"Ano? Bakit mo ako tinitignan ng masama? Pinapatay mo na ba ako sa isip mo?"











Inirapan ko siya saka na ako tumalikod at naglakad palayo sakanya.












"Wala ka bang ibang pantalon? Palagi na lang sira sira ang suot mo. Don't tell me na inuulit ulit mo lang yan after another day."











"Jacob, wala ka bang ibang magawa sa buhay mo kundi ang bwisitin ako araw araw?" Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko sa sobrang inis ko sakanya.












"Wow! Finally, tinawag mo ako sa pangalan ko. At finally nag salita ka ng more than five words sakin."












Napa iling na lang ako saka ako tumakbo ng mabilis para magtago. Ano na naman kaya ang binabalak na masama ng lalaking to?? Hindi naman siya papasok ng maaga kung wala siyang pina plano at malamang nandito na rin ang mga alipores niya. Nag masid masid ako at pagkatapos ay nagtago sa likod ng library. Nang mawala na siya sa paningin ko ay saka na muna ako umidlip. Mamaya pang 7 ang pasok ko, maaga lang talaga ako para iwasan kong makasabay ang mokong na yun sa gate.










Jacob's POV




Maganda talaga tong serbedorang to eh. Kaya lang masyadong masungit at nerd, idagdag pa ang pagiging mahirap niya na nakaka pangit sakanya. "Tsss. Pumapasok ng maaga para lang matulog?" Ako naman si tanga na sunod ng sunod sakanya.

Sumandal ako sa pader na sinasandalan niya saka ako pumikit. Mamayang 9 pa ang pasok ko. Na guilty lang siguro ako sa pagpapahiya ko sakanya sa Cafe kahapon kaya maaga akong pumasok para malaman kung okay lang siya.









Kyle's POV




"Oh pre, alam mo na yung naka assign sayo ah. Rotation tayo dito, sasabihan ka naman ng kapalitan mo kapag lilipat ka na sa kabila."









Satus: Single But Married Again? (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon