Chapter 5

721 27 0
                                    

"Talagang ikaw nga yan Jacob."













"Akala mo ba hindi ko napapansin na kanina mo pa ako sa kotse pinagmamasdan? Sorry pero hindi ako interesado sayo, kay Kat ako may pake."













"Alam ko." Kahit sa totoong buhay naka takda silang magkita. May ibig sabihin talaga yung panaginip na yun.













"Kung alam mo yun dapat lubayan mo na sya. Hindi mo pa siguro ako kilala."















"Kilala kita."












"Pangalan ko lang ang alam mo kaya umayos ka ah. Pumapatol ako sa matanda."














"Kuya?"














Biglang nagising si Kat kaya agad ko siyang nilapitan. "Ayos na ba ang pakiramdam mo? Sinabi ko naman kasi sayo na wag na tayong tumakbo."










"Ku..kuya mo?"














"Anong ginagawa nya dito kuya?" Nanghihinang tanong niya.













"Siya ang nagdala sayo sa ospital."













"Ano? bakit nasa ospital ako?" Pina lapit niya ako saka siya bumulong. "Wala tayong pambayad dito."













"Ehem. Sagot ko na ang bill mo."













Hindi niya pinansin ang sinabi niya bagkus ay tinanggal niya ang dextrose niya saka siya bumangon. "Oh, sabi ng doctor magpahinga ka muna raw. Mamaya na tayo uuwi."














"Kaya ko na kuya. Hindi na uli ako tatakbo."














"Alalayan na kita." Aalalayan palang sana siya ni Jacob pero tinignan niya ito ng masama kaya napa urong ito at ako na ang umalalay sakanya.













"Nag mamagandang loob lang ang tao." Sabi ko sakanya at bigla naman siyang nahinto.













"Hindi mo yan kilala kuya. Sigurado akong may binabalak siyang masama kaya yan nandito."














"Kailangan niya ang puso mo dahil obvious naman na may gusto sya sayo."














"Kinakampihan mo ba siya kuya?"













Umiling ako. "Hindi ah. Ayoko nga sakanya eh."















"Mabuti kung ganun." Palabas na kami nang biglang humarang si Jacob.













"Bayad na ang bill mo."














"Tara na kuya." Nilampasan namin siya at hindi man lang siya nagpa salamat??














"You're welcome." Akala ko susuko na siya pero sumunod parin siya sa amin. "Ihahatid ko na kayo sa bahay nyo."














Satus: Single But Married Again? (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon