Kyle's POV
"Hannah.." Mabilis siyang lumapit sakin at napa pikit na lang ako dahil alam ko na sasampalin niya ako. Handa na akong masampal pero walang tumamang kamay sa mukha ko at pag tingin ko ay naka angat ang kamay niya at hindi niya itinuloy ang pag sampal niya sakin. Nanginginig siya at pinipigilan niya ang luha niya na muling bumagsak dahil kaka punas lamang ng mga ito. Nako konsensya ako sa nakita niya, sa pag hihintay niya sakin at pati na rin sa pag handa niya ng tanghalian ko. "I'm sorry."
"Sabihin mo, gumaganti ka ba sakin?"
"Gumaganti? Gumaganti saan?" Hindi ko siya maintindihan. Wala naman akong dapat na ipag higanti dahil wala naman siyang nagawang mali.
"Nag usap na tayo tungkol dito. Alam mo naman na pinag seselosan ko ang babaeng yun pero pilit ka paring lumalapit sakanya!"
Huminga ako ng malalim at kinalmahan ko pang ang sarili ko. Hahawakan ko sana siya para ilayo dito dahil may mga dumadaang estudyante pero nag pumiglas siya. "Wala tayong maaayos kapagka sumisigaw ka. Dun na lang tayo mag usap."
"Paano mo pa nagagawang kumalma sa ganitong sitwasyon Kyle? Hindi mo ba napapansin na inaahas ka na sakin ng babaeng yun Kyle?!!"
Nag sipag tinginan na sa amin ang mga estudyante sa paligid at nahihiya na rin ako sa eskandalong ginagawa niya. "Tama na Hannah. Kung hindi mo kayang kumalma, mas mabuti pang mamaya na lang tayo sa bahay mag usap." Iniwan ko siya doon at pumasok na ako ng campus.
Hannah's POV
Natulala ako nang bigla akong iwan dito ni Kyle. Pinag titinginan na ako ng mga tao tapos nagawa pa niya akong iwan??! Pinilit kong hindi umiyak pero sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Nagmadali akong lumalad at sumakay ng taxi.
Bakit Kyle?!! May natatandaan na kaya siya bago mangyari yung aksidente?? Bigla akong kinabahan. Tinawagan ko si Nathaniel pero hindi siya sumasagot. Nagpa hatid na ako papunta sa trabaho ko at kaagad ko siyang pinuntahan sa office niya. "Nasaan na ba kasi siya?!" Paglabas ko ng opisina niya ay saktong padating na siya. Nagmadali akong hinila siya papasok sa opisina niya.
"What's with the rush? Puyat akong nakipag inuman kaya wala ako sa mood makipag—"
"It's not about that!" Sagot ko at ni lock ko ang pintuan ng office niya. "Tapusin na natin to Nathan."
"Tapusin? Ang alin?"
"Ang relasyon natin." Galit na sabi ko. G*go talaga to, tanungin pa ako kung anong tatapusin namin.
"Nananaginip ka ba?" Hinawakan noya ang mukha ko. "Wala tayong relasyon dear. Remember? We're just using each other. You needed a job with a high salary, I gave it to you and ako naman, kailangan ko ng pampalipas oras and you satisfied me."
Tinignan ko siya ng masama. H*yop talaga ang lalaking to! Kung hindi ko lang talaga kailangan ng trabaho dati hindi to mangyayari. "That's why I wanted to end this today!"
BINABASA MO ANG
Satus: Single But Married Again? (Book2)
RomanceWhat if life gave you a second chance? I mean, a chance to live once more and a chance to be with the one you love. Well, at first I thought it was just a dream but then I woke up one day meeting her again and everything started like the first day w...