Chapter 10

547 17 0
                                    



Kyle's POV


Lunch namin ngayon kaya lalabas muna ako ng campus para mananghalian. Mas mura kasing kumain sa labas kesa sa pagkain dito sa loob ng school. Habang papalabas ako ay nakita ko si Lorraine na papunta sa dean's office. "Lorraine!" Tinawag ko siya pero hindi niya ako narinig kaya hinintay ko siya sa labas ng office.
Halos dalawam pung minuto din ang naka lipas bago siya lumabas at nag dire diretso lang na naglakad. Sinundan ko lang siya hanggang sa may parking lot ng school. Huminto siya sa tapat ng kotse niya at natumba, mabuti na lang at nasalo ko siya. "Lorraine!" Tinignan niya ako saka siya tumayo at kaagad niyang inalis ang kamay ko sa braso niya na para bang nasaktan. "Namumutla ka." Sabi ko pero parang hindi niya ako narinig at sinubukan niya paring buksan ang kotse niya. "Ako na." Kinuha ko ang susi niya saka ko binuksan ang pinto at pina upo ko siya.








"Hindi mo ba nakita ang kapatid ko ngayon?" Malungkot na tanong niya. Sa tono nang boses niya halatang pagod na siyang kaka hanap sa kapatid niya.








Umiling ako. "Tutulong ako sa pag hahanap sakanya. Huwag kang mag alala, mahahanap din natin siya." Inalalayan ko siyang tumayo at pinalipat sa kabila. Naguguluhan man ay hindi niya na ako pinigilan pa nang mag punta ako sa drivers seat. "Saan mo gustong mag umpisa? Puntahan natin lahat ng lugar na pwede niyang puntahan."











"Hindi ko alam.. Hindi na ako makapag isip."










Pina andar ko na ang sasakyan niya saka na ako nag maneho. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero patuloy lang ako sa pagmamaneho habang isa isang kong tinitignan ang mga taong nadadaanan namin. Tinignan ko siya at nakita kong umiiyak siya habang naka tingin sa labas. Kinuha ko ang tissue sa kotse niya at pinunasan ko ang luha niya. "Huwag kang mag alala, mahahanap din natin ang kapatid mo. Kung nasaan man siya ay sigurado akong ayos lang siya."









"Paano kung hindi? Nasasabi mo lang yan dahil hindi mo alam kung anong pakiramdam nang mawalan ng mahal sa buhay! Si Jacob na lang ang meron ako at kapag may nangyaring masama sakanya ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko."









"I'm sorry. Gusto ko lang pagaanin ang pakiramdam mo." Hindi totoo na hindi ko alam ang pakiramdam nang mawalan nang mahal sa buhay. Minsan na akong nawalan nang minamahal, siya na siguro ang babaeng mas minahal ko kesa sa sarili kong buhay dahil nung panahong iniwan niya ako ay para na rin akong pumanaw.










"You're not helping me at all!"









"Sige tatahimik na lang ako. I'm sorry."











Biglang nag ring ang phone niya at nakita ko ang pangalan ni Nathan. Tinignan niya lang yun at hindi pinansin. Hindi ko na lang din pinansin at nag maneho na lang ako at nag patuloy sa pag hahanap. Maya maya pa ay ang phone ko naman ang nag ring at hindi ko rin yun sinagot. Tinignan niya ako tapos yung phone ko at para bang sinasabi niya na sagutin ko. Itinabi ko ang kotse saka ko kinuha ang phone ko sa bulsa ko. Si Hannah.. "Hello?"










[Love nag lunch ka na?]










Tinignan ko si Lorraine na ngayon ay naka pikit lang at naka sandal sa kinauupuan niya.












"Hindi pa, may ginagawa kasi ako. Mag lunch ka na."















[Nandito ako sa school nyo, nasaan ka ba? Sabay na tayo.]













Satus: Single But Married Again? (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon