🎶I'd give away my soul to hold you once again.. And never let this promise end..🎶I long for the day when we will meet again my love. I love you so much Lorraine and I will love you forever..
"Lorraine!!" Nagising ako nang hingal na hingal. Napanaginipan ko na naman si Lorraine. Lately, I've been dreaming about her at kapag hahawakan ko na siya ay magigising na lang ako bigla.
"Oh jusko! Salamat at nagising ka na hijo!"
"Ma?" Nagulat ako nang yakapin ako ng mahigpit ni mama pero mas nagulat ako sa itsura niya. She look so stress at parang bumata na tumanda. Ewan ko, I can't explain it.
"Tinakot mo naman kami anak. Alam mo bang halos isang linggo ka na sa ospital? Mabuti na lang at wala tayong gagastusin dahil sagot nung naka bundol sayo yung lahat ng gastusin dito pati na rin ang mga gamot mo."
"Nabundol ako?"
"Hindi mo natatandaan? Jusko po, nagka amnesia pa yata ang anak ko." Bulong niya.
Umiling ako dahil wala naman talaga akong matandaan. All I know is I'm sleeping at home and this is a wierd dream.
"Huwag mo nang piliting isipin ang nangyari anak, ang mahalaga ay gising ka na. Karen! Karen paki tawag ang nars, sabihin mo gising na ang kapatid mo!"
"Sandali lang ma!"
Pagbalik niya ay kasama niya na ang nurse pati na rin ang doctor. Nagulat din ako sa ayos niya dahil buhat buhat niya ang anak niyang babae tapos yung lalaki naman ay hinahabol niya tapos yung suot nila parang pinag lumaan. This is so wierd. Bumalik ba ako sa twenties ko??
"Kyle?"
"Yes doc?" Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako kinakausap ni doc. "Pwede ba akong maka hiram ng salamin?" at kahit naguhuluhan ay nagpa kuha siya ng salamin sa assistant niya. Pagka abot niya sakin ay kaagad kong tinignan ang mukha ko and I was amazed! I'm on my late twenties again! "Nananaginip ba ako?" Tanong ko sakanila habang pinagmamasdan ko parin ang gwapo kong mukha na may mga pasa. Ewan ko kung anong nangyari sakin, wala talaga akong matandaan.
"Ano bang sinasabi mo, anak? Ayos lang ba siya doc?"
"So far, sa mga results ng tests niya everything is fine. Pupwede na rin siyang umuwi bukas. Nagkaroon lang siguro siya ng selective amnesia, pero babalik din siya sa dati."
"Talaga ho doc? Eh paano po yung mga bayarin sa ospital?"
"Everything was settled. Tinawagan na ng assistant ko yung secretary ng naka bundol sa anak ninyo at binayaran na nila ang lahat ng gastusin sa ospital."
Teka! I don't understand what's happening here. Bakit pinapa shoulder ni mama ang bill sa ospital? At paano naman ako naaksidente, when all I know is I'm on my room asleep and I'm on my early fifties.
BINABASA MO ANG
Satus: Single But Married Again? (Book2)
RomanceWhat if life gave you a second chance? I mean, a chance to live once more and a chance to be with the one you love. Well, at first I thought it was just a dream but then I woke up one day meeting her again and everything started like the first day w...