"Kyle! Pare!"
"Oh Kevin!" Nilapitan niya ako saka siya umapir sakin.
"Tol, balita ko naghahanap ka raw ng part time job sabi ni Hannah?"
"Nakausap mo si Hannah?" Ilang araw na kasi siyang hindi nagpaparamdam. Kumakatok ako sa bahay niya pero hindi naman siya lumalabas.
"Oo, bakit may tampuhan ba kayo?"
"Hindi lang pagkaka unawaan. May alam ka ba na trabahong pang hapon?"
"Ah oo, nangangailangan sila ng night shift na maintenance sa hotel na pinapasukan ko. Boss ko na bahala sayo, basta gwapo tinatanggap nun kahit hindi na dumaan sa agency."
"Talaga?? Sige ba, kailan yan?"
"Aba kung pwede ka mamaya, sabay ka na sakin."
"Sige sige sasama na ako sayo mamaya. Aayusin ko lang yung resume ko."
"Osige, kita na lang tayo mamayang alas kwatro."
"Sige, maraming salamat Kevin." Pagkatapos ng magandang balita ay nagpunta na ako sa computer shop para magpa print ng resume. Nang palabas na ako ay naka salubong ko si Hannah. Hindi niya ako pinansin at nag dire diretso siya sa loob. Sumunod naman ako sakanya hanggang sa maka upo na siya. Nag FB lang siya at puro scroll lang. Naiilang siguro siya sakin.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" Iritableng tanong niya.
"Galit ka na nyan?"
"Oo galit ako kaya huwag mo akong kausapin."
"Ikaw ang kumakausap sakin."
"Aaaargh!" Tumayo siya saka lumabad at sumunod naman ako. "Bakit mo ako sinusundan?" Iritableng tanong niya uli. Itinuro ko naman ang bahay namin kung saan siya huminto at pagkatapos ay inirapan niya ako at pa maktol na umalis. Hindi ko na siya sinundan at pumasok na lang ako sa bahay para mag handa. Maya maya pa ay naka tanggap ako ng text mula sakanya at ang kasunod nun ay sorry wrong send. Natawa na lang ako bigla kaya tinawagan ko siya. Sinagot niya naman pero hindi siya nagsasalita. "Tara, mamasyal tayo." Hindi parin siya sumasagot. "Bahala ka, mag aaral na ako sa Lunes tapos baka mag umpisa na ako sa trabaho ko bukas kaya wala na tayong oras para mamasyal. Haaaay! Hindi ko alam na sa ganito lang matatapos ang relasyon natin."
"Anong sabi mo?! Hinihiwalayan mo na ba ako Kyle? Nakikipag hiwalay ka na sakin?!"
Natawa ako sa pagiging isip bata niya. "Kung hindi naman pala tayo mag uusap o mag kikibuan ano pa bang saysay ng pagiging tayo diba?" Hindi na siya nagsalita at mukhang alam ko na ang kasunod nun kaya ibinaba ko na ang tawag.
*blag*
Eto ang sinasabi kong kasunod.
BINABASA MO ANG
Satus: Single But Married Again? (Book2)
RomanceWhat if life gave you a second chance? I mean, a chance to live once more and a chance to be with the one you love. Well, at first I thought it was just a dream but then I woke up one day meeting her again and everything started like the first day w...