Chapter 18

374 10 0
                                    

Third Person's POV

Umalis si Kyle ng mansyon ng mag isa habang iniisip kung saan na naman nag tungo ang kanyang nobya. Tanghaling tapat at naka tirik pa ang araw. Kinuha nya ang panyo sakanyang bulsa at pinunasan ang pawis na tumutulo sakanyang noo. Ilang araw na syang balisa at kulang sa tulog dahil sa mga nangyayari at napapadalas na din ang pag liban nya sa trabaho.
Habang naglalakad ay binusinahan sya ng isang puting kotse. Napa tingin sya sa nag mamaneho nito dahil nasa gilid naman sya ng kalsada pero kung businahan sya nito ay parang masasagasaan na sya.





"Sumabay ka na. Malayo ang lalakarin mo palabas."




Isang pamilyar na mukha ang bumungad sakanya. Tinignan nya ang daan at talaga ngang napaka layo pa ng kanyang lalakarin upang marating ang labasan. Hindi sya nag atubiling sumakay sa sasakyan dahil sumasakit na rin ang ulo nya sa init ng araw.

Pag sakay ay minaneho na ni Lorraine ang sasakyan at wala ni isa sakanila ang nagsasalita. Huminto sya sa pulang hudyat ng ilaw trapiko at palihim na tinignan ang lalaki. Mahimbing itong natutulog na parang walang nangyari kanina. Hinawakan nya ang dibdib dahil bumibilis ang tibok nito gayong naka tingin lamang sya rito. Hindi nya mapigilang humanga sa angking ka gwapuhan ng lalaki. Tunay nga na may nararamdan na sya para rito.

Habang pinapakiramdaman ang kanyang sarili ay nagulat naman sya sa pag busina ng kasunod nyang sasakyan at saka nya lamang napansin ang pag palit ng ilaw sa kulay na berde. Nagpatuloy lamang sya sa pagmamaneho nang may marinig syang tunog ng telepono. Tinignan nya ang telepono ng lalaki na nahulog sa sahig saka nya ipinarada pansamantala ang sasakyan nang makumpirma kung sino ang tumatawag. Dahan dahan nya itong pinulot para hindi maabala si Kyle at pagkatapos ay pinatay nya ito at ibinalik sa gilid.

Hindi nya nagustuhan ang ikinilos ngunit sa isip nya ay ginawa nya lamang iyon upang hindi magising ang lalaki. Ipinag patuloy nya ang pag mamaneho hanggang sa maka lapit na sila sa bahay ni Kyle. Ngunit nang mejo lumapit na ay may napansin syang pamilyar na sasakyan kaya hindi nya idineretso ang minamaneho, bagkus ay ipinarada nya ito sa gilid ng kalsada at muling tinignan si Kyle.





Lord.. nasisiraan na yata ako. Bakit kulang na lang ay iuwi ko sa bahay ang lalaking ito?





Sambit nya sakanyang isipan. Ngayon lamang sya nakaramdam ng ganun. Ni minsan sa buhay nya ay wala pa syang inibig na lalaki. Ang dahilan lamang kung bakit siya magpapakasal kay Nathaniel ay dahil ito ang habilin ng ama bago sila namatay ng kanyang may bahay sa isang aksidente, kaya labag man sakanyang kalooban ay wala syang nagawa lalo't ngayon na humihina ang kanilang mga negosyo na naiwan ng kanilang magulang.

At dahil hindi pa umaalis ang sasakyan ni Hannah ay pinihit nya ang manibela at nag maniubra ito. Hindi nya alam kung saan sila magtutungo pero wala syang pakielam at nagmaneho na lamang siya. Ilang oras pa ang lumipas at hindi parin nagigising si Kyle. Nabibingi na sya sa katahimikan kaya kinuha nya ang telepono at ikinonekta ito sakanyang sasakyan. Bahagya nyang pinindot pababa ang volume upang hindi nito maabala ang natutulog na si Kyle.




<<Leaves by Ben&Ben playing>>



"And in the end, can you tell me if it was worth the try, so I can decide.."


Sinabayan nya ang tugtog at nagulat sya nang marinig ang boses ni Kyle na inaawit ang chorus at saka sya huminto sa pag awit.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Satus: Single But Married Again? (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon