Lorraine's POV
Nagising ako nang sobrang sama ng pakiramdam ko. I can still feel my arm aching. Tumayo ako at napansin kong 9pm na pala. Hindi man lang ako ginising nila manang para sa dinner. Hindi kami kumakain mag isa ng kapatid ko, palagi kaming sabay sabay kahit nung buhay pa ang mga parents namin.
Pag labas ko ay kaagad kong hinanap si manang."Good evening ma'am. Sandali lang po at iinit ko lang po yung hapunan nyo."
"Si Jacob?" Tanong ko. Alas nueve na at hindi man lang niya ako ginising para makapag hapunan.
"Hindi pa po dumarating."
"Hindi pa dumarating? Diba hanggang alas kuwatro lang sya sa school?" Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ko ang phone ko para i check kung tumawag siya pero wala kahit isang text man lang kaya tinawagan ko na siya. Nung una nag ri-ring pa pero biglang na block ang tawag ko. "Saan naman kaya nagpunta ang batang yun?" Sinubukan kong tawagan ang mga kaibigan niya pero wala ni isa ang nakaka alam kung nasaan siya. Bigla tuloy akong kinabahan.
Nag madali akong nag bihis para puntahan ang kapatid ni Kyle dahil ang sabi ng mga kaibigan niya ay nasa kanya daw ang bag nito. Nagpa hatid na ako sa bahay nila at kahit dis oras na ay kumatok parin ako. Pinag buksan ako ni Katrina.
"Nandito ba si Jacob?" Bungad ko at halata namang nagulat siya sa tanong ko.
"W..wala po siya dito." Halatang nagulat siya sa sinabi ko.
"Ang sabi nang mga kaibigan niya, ikaw ang huling kasama niya at nasayo raw ang gamit niya."
"Opo, pero naiwan nya lang po kanina kasi nagmamadali siyang umalis. Binibigay ko naman sa mga kaibigan niya yung bag niya pero ayaw nilang tanggapin. Ako na lang raw po ang magbalik."
"Jusko po, nasaan na kaya ang lalaking yun."
"Tuloy po muna kayo, kukunin ko lang sa loob ang gamit niya."
Hindi na ako tumuloy at hinintay ko na lang siya na lumabas. Pagbalik niya ay dala niya na ang bag ni Jacob at ini abot niya sakin. "Sigurado ka bang hindi mo alam kung nasaan siya?"
"Hindi ko po talaga alam."
"Hindi naman siya nagpapa dis oras. Natatakot ako na baka may nangyari nang masama sakanya."
"Na i-report nyo na ho ba sa pulis ang nangyari?"
"Hindi pa." Natataranta na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Tumawag uli ako sa bahay at tinanong ang mga kasambahay kung umuwi na sya pero wala parin daw hanggang ngayon. Sinubukan ko uling tawagan ang phone niya pero naka patay parin ito.
Nanlambot ako at muntikan na akong himatayin. Mabuti na lamang at nasalo niya ako.
"Ang mabuti pa ho siguro ay samahan ko na kayo sa pulis para i-report ang nangyari sa kapatid nyo." Inalalayan niya akong sumakay sa kotse at pa sakay na sana siya nang biglang lumapit sa amin ang girlfriend ni Kyle.
"Gabi na Kat."
"Ah ikaw pala ate Hannah. Kadadating mo lang ba?"
BINABASA MO ANG
Satus: Single But Married Again? (Book2)
RomanceWhat if life gave you a second chance? I mean, a chance to live once more and a chance to be with the one you love. Well, at first I thought it was just a dream but then I woke up one day meeting her again and everything started like the first day w...