Lorraine's POV
It's been a week simula nung huli kong makita si Kyle. I wonder kung ano nang nangyari sakanya. I'm not sure if napalitan ang schedule nya or what pero ako I stayed on grave yard dahil hindi na nga ako maka tulog sa gabi. Pinupuno ko na lang ng trabaho ang utak ko para kahit papano ay hindi mapunta sakanya ang atensyon ko.
Maya maya may kumatok sa office ko at nagulat ako nang makita ko si Kyle. I was just thinking of you. After a stressful week, parang biglang nag iba ang lahat.
"Magandang gabi po. Kukunin ko lang po sana ang basura nyo."
"Go ahead." Sabi ko na hindi nagpapahalata na tinititigan ko sya. Nag kunwari akong busy pero I'm checking him on my peripheral view. Bakit parang pumayat sya? Siguro hindi sya nakaka kain ng tama o dahil baka nasa maling tao sya? Bigla akong natawa sa naisip ko at napa tingin sya sakin. Umayos naman ako na parang walang nangyari.
"Okay na po. Salamat."
"Teka!" Pinigilan ko sya bago pa man sya maka labas. Huminto naman sya at tumingin sakin. "Do you have time?" I asked him.
"Oras po ng trabaho ko."
💔💔 "I see."
"Pero kung importante po, pwede ko nang gamitin ang break ko."
Bigla akong sumaya sa narinig ko. "Let's get some coffee?"
🌸🌸🌸
Inabutan nya ako ng kape na galing yata sa vending machine. Andito kami sa may roof top ng hotel nagpapa hangin. I don't know what to say. Parang bigla akong kinabahan sa sitwasyon. Narinig ko syang nag buntong hininga kaya napa tingin ako sakanya. "Is there something wrong?"
"Bumalik na si Hannah."
Shoot! Bakit ang bilis? Joke. Should I be happy for him or what? Mukhang di naman sya masaya. "You don't look happy at all."
"Gusto nya kasi na magpa kasal na kami."
WTH!! Tinititigan ko lang sya and I'm trying to get his reaction on what he just said pero I think he's totally blank. "I think, you should not force yourself to do something that you want?" Yes, may question mark kasi nga I'm not sure kung masaya ba sya or hindi. Not also sure if that helps or kung naka dagdag pa sa iniisip nya. "Pero it's just my opinion. It doesn't matter anyway." Pinapakiramdaman ko sya and while waiting for him to respond I sip my coffee from the vendo. "Uhmmm.. It's not bad at all." Bulong ko.
"Pwede ba akong maging honest sayo?"
Ibinaba ko ang hawak kong kape so I could listen to him. "Sure." Tinignan nya lang ako at hinihintay ko syang mag salita. Naka titig lang sya sakin at parang pinapakiramdaman nya ang sasabihin ko. Next thing I knew is.. he was kissing me. Mabilis lang yun pero hinila ko sya to kiss him back. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero. Siguro nasisiran na ako ng bait pero I liked it. Mga 10 seconds?? Or 20, maybe? O baka a minute. Hindi ko alam kung gaano ka tagal yun pero we just stop kasi parang hindi na kami maka hinga sa ginawa namin.
"Sorry." Sabi nya na parang nahihiya pa sya sa ginawa nya or maybe sa ginawa ko?
"I'm not." Sabi ko na ikina gulat nya. "Why would you say sorry kung ginusto mo naman yung ginawa mo?"
"Alam ko kasing hindi tama. Pata—"
"Stop saying sorry. I'm not hurt, okay? Hindi ka dapat ma bother."
"Alam ko kasi na may nobyo ka at may nobya ako, kaya alam kong mali ang—"
"Nakaka siguro ka ba na walang ginagawang mali ang giflfriend mo habang wala ka?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"I know I'm not in the position to say this, pero may relasyon ang girlfriend mo at ang fiancé ko."
"Ano?"
Halatang wala syang ideya sa nangyayari. I thought he already knew it kaya nya ako hinalikan. Pero I'm excited sa pag hihiwalay nila ni Hannah at ipu push ko to (evil smile). "I just found out recently. Nagpunta ako sa office ni Nathan at naka lock yun so I waited and pag labas nila, ganito itsura nila."
"Pano?" Nagtatakang tanong nya.
"Hinihingal, kagaya natin." Hindi ko alam kung matatawa ako or what pero seryoso sya so I decided to be serious. "I actually asked their colleagues and I found out na matagal na pala ang relasyon nila. They always go out every night at kung minsan dun pa sila sa condo ni Nathan tumutuloy."
"Imposible yan. Hindi mahilig sa gala si Hannah."
"Yan ang akala mo. How long you've been together?"
"Five years."
"What? I can't stay in a relationship that long, lalo na kung lokohan lang. But anyways, I'm not saying this to mess your relationship. Concern lang ako sayo." Pati na rin sa feelings ko. Wait! What??? Hell no!!
"Parang imposible naman yang sinasabi mo."
"Well, wala na akong ebidensya kasi she resigned. Pero you can ask her colleagues but I doubt na aamin sila."
"Hindi magagawa sakin ni Hannah yun."
"Isipin mo ang gusto mong isipin pero hindi ako nagsisinungaling." Biglang tumunog ang alarm sa phone nya. Tapos na siguro ang break nya.
"Mauna na ako."
Aalis na sana sya pero bigla ko syang tinawag. "Kyle.." Huminto sya at humarap sakin. "Bakit mo ako hinalikan?" Tanong ko sakanya. Habang hinihintay ko ang sagot nya ay palakas ng palakas ang tibok ng puso ko.
"Pataw—wala akong maidadahilan dahil kagustuhan ko yun. May gusto lang akong malaman."
Aalis na sana sya pero pinigilan ko uli sya. "Anong napatunayan mo sa ginawa mo?"
"Na panaginip lang ang lahat at ito ang reyalidad. Alam ko mali ang ginawa ko—"
"Hindi ko naiintindihan. Ipaliwanag mo sa paraang maiinitindihan ko. Naguguluhan ako sa kilos mo, sa pinapakita mo sakin pati na rin sa nararamdaman ko." I don't usually argue with people pero naiinis ako dahil hindi ko makuha ang sagot na gusto kong marinig mula sakanya. Ano bang sinasabi nyang panaginip???
"Sa ngayon hindi ko pa mai-ku-kwento, wala na akong oras. Wag ka sanang maguluhan sa nararamdaman mo, patawin mo sana ako sa ginawa ko. Tatanggapin ko kung tatanggalan mo ako ng trabaho."
And then he left me all alone. Parang bigla akong nanlambot sa mga sinabi nya. I never had this feeling before. Bakit parang dinurog yung puso ko? Panaginip? Ano ba kasing panaginip ang sinasabi nya? And why does it bother him so much??
BINABASA MO ANG
Satus: Single But Married Again? (Book2)
RomanceWhat if life gave you a second chance? I mean, a chance to live once more and a chance to be with the one you love. Well, at first I thought it was just a dream but then I woke up one day meeting her again and everything started like the first day w...