Chapter 16

338 13 8
                                    

Kyle's POV


Tatlong oras at kalahati.. Halos mag a apat na oras na akong naghihintay dito sa parking lot kung saan ipinaparada ni Nathaniel ang sasakyan nya pero mukhang hindi sya papasok. Imposible naman na maaga syang pumasok dahil bago pa mag alas sais ay nandito na ako at nag aabang ng mga kotseng paparating.

Tumayo na ako sa aking kinauupuan at akmang aalis nang makita ko syang sakay ng isang itim na kotse. Kaagad ko syang sinundan at nang maka baba sya ay nilapitan ko sya at ibinaba ko ang hoodie ng suot kong jacket. Huminto sya at tinignan nya lang ako. Nag simula syang mag lakad at nilampasan nya ako pero nag salita ako. "May relasyon ba kayo ni Hannah?" Nahinto sya dahil sa sinabi ko. Lumingon sya sakin saka nya ako tinignan mula ulo hanggang paa.








"Ahhh.. ikaw pala yun." Ngumisi sya at pagkatapos ay tumingin sa malayo at nang balikan nya ako ng tingin ay para bang hinahamak nya ako. "Ikaw yung nakita kong janitor sa hotel nung isang araw."







Nai kuyom ko ang mga daliri ko at pinipigilan ko ang sarili ko na masuntok sya sa mukha. "Hindi ko ikinahihiya ang trabaho ko dahil alam kong marangal at wala akong ina agrabyadong tao. Eh ikaw? Ginagamit mo ang pera mo para bilhin ang isang tao."






"Bilhin? Uhmm.. sabagay, lahat naman ngayon nabibili na ng pera."






Lumapit pa ako sakanya at hinila ko ang kwelyo nya. "Hindi lahat nabibili ng pera. Tantanan mo si Hannah at itigil mo na ang kung anumang relasyon ang meron kayo dahil baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko sayo!"






Tinanggal nya ang kamay ko sa kwelyo nya saka niya kinuskos ng panyo ang suot nya. "Now, look. Wala kong pakielam sa relasyon ninyo ng babaeng yun. Hindi na sya nag ta trabaho sakin and I have nothing to do with her." Ngumisi sya bago mag lakad paalis. "Wag ka na uling magpapakita sakin. Sumasakit ang mata ko sa mga gaya mong basura."






Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinila ko sya saka ko siya sinuntok sa mukha. "Yan ang nagagawa ng basura! May pa souvenir sa mukha." Pagkatapos kong gawin yon ay umalis na ako at dumiretso na ako sa bahay.







"Oh Kyle, akala ko bang pumasok ka?"






Hindi ko na sinagot si mama at pumasok na ako sa kwarto ko. Magpapahinga pa lang sana ako nang marinig ko si ate Karen na aligaga at hinahanap ako.





"Kyle, may pulis sa labas, hinahanap ka!" Bigla akong kinabahan at pumasok kaagad sa isip ko ang ginawa ko kay Nathaniel kanina. Bumangon ako at lumabas.






"Ikaw ba si Kyle Montefalcon?"





"Opo." Sagot ko.





"Sumama ka sa amin sa pulisya. Ini reklamo ka ni Mr. Nathaniel Fontanilla dahil sa pananakit mo sakanya at pag basag ng salamin ng kotse nya."






Kukuhanin na sana ng pulis ang kamay ko pero hindi ko yun binigay. "Anong binasag? Aminado akong sinuntok ko sya pero wala akong ginawa sa kotse nya."





"Nakita sa CCTV ang ginawa mo, yan din ang suot mo at napag alaman din namin na may nawawalang gamit si Mr. Fontanilla." Pinag tulungan nila akong kunin at sapilitang pinosasan. Wala akong nagawa kundi sumama dahil alam kong wala namang mangyayari kahit magpaliwanag ako dito.






"Sandali lang! Bitawan nyo ang anak ko!" Halos mag lupasay si mama dahil sa nangyari. Inawat lang sya ni ate Karen at hinarangan sila ng pulis habang nilalabas ako sa bahay. Nakita ko ang mga kapit bahay namin at natanaw ko din si Hannah bago ako isakay sa sasakyan. Bumaba ako at tinawag ko sya pero naglakad na sya palayo. "Hannah!!"







Satus: Single But Married Again? (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon