The Man After His Own Heart (Prologue)

4.6K 141 57
                                    


"Magandang umaga po."

"Magandang umaga."

"Magandang umaga po."

"Magandang umaga sa'yo Carmen."

Lahat ng nakasalubong niya ay binati siya at binati niya rin. Laging ganoon. Sa tuwing makakasalamuha niya ang mga kasama at trabahador sa hacienda at bukid ay laging may nakahandang pagbati sa kanya ang mga tao at ganoon din naman siya. He truly loved his people and they loved him. At kahit matagal ang naging pagkawala niya sa bukid ay tila walang nagbago sa pakikitungo sa kanya ng mga tao roon.

"Lolo, magandang umaga!" Bati ng batang babae sa kanya.

"Elizabeth!" Tawag ng ina sa bata. Halata niya ang pag-aalinlangan ng ina ng tumingin sa kanya.

"Pasensiya na po kayo, amo. Hindi po sinasadya ng anak ko na tawagin kayong lolo." Napangiti siya ng malaki. Tumingin siya sa bata na ngayon ay takot dahil sa sinabi ng ina.

"Pero si lolo siya talaga. Mahaba po ang balbas niya at marami siyang buhok." Napahalakhak siya sa sinabi ng bata. Totoo nga naman ang mga bata ay hindi nagsisinungaling.

Ang bata naman ay tumingin sa kanya na nagtataka.

"Nanay nagagalit ba si lolo?"

"Elizabeth! Hindi lolo kundi amo." Pagalit pa ng ina.

"Hayaan mo na siya." Salita niya sa ina ng bata. Lumuhod pa siya sa harap ng bata para makapantay ito at ngumiti rito. "Elizabeth ba ang pangalan mo?"

"O-opo." Salita ng bata na ngayon ay may pag-aalinlangan.

"Napakagandang pangalan." Ngiti niya rito at hinaplos niya ang mahabang buhok ng bata.

"Salamat po lolo." Lalong lumaki ang ngiti niya.

"Elizabeth." Saway ng ina ng bata.

"Huwag kang mag-alala." Tingin nito sa ina ng bata.

"Lolo, bakit po marami kayong buhok?" Napatawa siya sa inosenteng tanong ng bata.

"Nakakatakot ba ang mga buhok ni lolo?" Tumingin ng mataman sa kanya ang bata saka umiling.

"Pwede ko pong hawakan, lolo?" Ngumiti siya at nilapit ang mukha sa bata. Hinawakan ng bata ang balbas niya at ngumiti ito. "Dami mong buhok sa mukha, lolo." Tatawa-tawa ang bata. "Para ka pong leon." Ngumiti siya. Binaba pa niya ang ulo ng simulan haplusin ng bata ang buhok niya sa ulo na sadyang humaba dahil sa hindi niya pagpapagupit. Inamoy pa iyon ng bata na puno na kuriosidad. "Ang bango ng ulo mo lolo." Napatawa siya ng mahina. "Lolo, kapag bukas puti na po buhok mo bibigyan mo po ako ng regalo?"

"Eliza--" Tumingin siya sa ina at tumigil ang ina sa pagsasalita. Tumango lang ito sa kanya at ngumiti ng mayumi ang ina.

"Bakit kita bibigyan ng regalo? Kaarawan mo ba?"

"Kasi kayo po si Santa." Ngumiti siya ng malaki. Nakakatuwa nga naman ang mga bata at ang saya ng dulot ng kanilang pagiging inosente. Ngayon na lang ulit siya tumawa ng ganito ulit. Matagal ang panahon bago siya humalakhak ng ganito ulit. Maraming nangyari. Masasakit at mahirap makalimutan kaya akala niya ay hindi na siya muling ngingiti. Pero heto siya ngayon at napapaligaya ng isang bata. Truly, this girl is heaven sent to him.

There is a time for everything. Tapos na ang taglamig at ngayon ay ang pagpasok ng tag-araw. Gaya ng panahon maaring tapos na rin ang kalungkutan at pagluluksa. Sinimulan ito ng munting paslit na nagpasaya sa kanyang muli kahit gaano pa kaliit ito.

"Hindi totoo si Santa, Elizabeth." Nanlaki ang mga mata ng bata, namilog at tila iiyak. "At hindi niya maibibigay ang mga hiling mo at kung anong gusto mong regalo." Nagbabantang iyak na ito. "Pero may kilala ako na lubos na nagmamahal sa'yo pati sa akin at kaya niyang ibigay ang hiling mo." Tiningnan siya nito na nakakunot ang noo.

"Sino po iyon at bakit niya ako mahal?" Ngumiti siya rito matapos ay binuhat ang bata. Hindi naman umalma ang bata. Ngumiti ito at humawak pa sa balbas niya.

"Gusto mo ba siyang makilala?" Ngumiti siya rito. Excited na tumango ang batang babae.

"Kukwentuhan ka ni lolo, kaya mo bang makinig?" Tingin niya sa mga mata ng bata.

"Opo!" Excited na salita nito. "Ano pong pangalan niya?" Ngumiti siya.

"Ang pangalan niya ay Hesus." Tumingin sa kanya ang bata at tumango.

"Si Papa Jesus! Kilala ko po siya." Ngumiti siya dahil sa sinabi nito.

"Mabuti iyon, anak. Ayaw mo na ba ng kwento tungkol sa kanya?"

"Gusto ko po!" Hiyaw ng bata. "Lolo kwento!" Ngumiti siya. Nauna ng naglakad ang ina ng bata sa malayo na nakatanaw at nakangiti sa kanila. Tumango siya rito at tumango rin sa kanya ang babae at tumungo na ito sa kanyang trabaho habang siya ay karga-karga ang munting bata na naglalakad habang nagkukwento. Matagal ng panahon bago niya ulit naramdaman ang ganito. Ang hindi mag-isip sa mga nangyari, sa nakaraan, ang ngumiti at magkwento tungkol sa Kanya. Pinaramdam at pinaalala ng bata na ito na maaring tapos na nga dapithapon at simula na naman ng umaga ng buhay niya.

"Lolo, may babae po na tingin ng tingin sa atin." Bulong ng batang babae na nasa bisig niya. Tinuro iyon ng bata at nahagip niya ang isang pares ng matang nakatingin sa kanya pero sandali lamang iyon at kaagad na umiwas at umalis sa pwesto ng bukid kung saan ito naggagapas.

"Akala ko ba makikinig ka sa kwento ko?" Kunawari'y nagtatampong salita niya sa bata." Bumungisngis lang sa kanya ang bata. Napangiti siya at matapos ay huminga ng malalim.

Tama. Sa bawat bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa't panukala sa silong ng langit. At ngayon ay nasa bagong kapitulo na siya ng buhay niya. Masaya ang araw na ito, dahil ito ay araw na nilikha ng Diyos.

...

Alam ko marami pa akong stories na sinusulat pero hayaan niyo na ako. Spoil me kahit ngayon lang. Ideal man ko kasi ang nasa story na ito. And this would be a short story only.

Sa mga matagal ko ng readers, may hula na ba kayo kung kaninong story ito?

The Man After His Own HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon