"Noong sinabi mong ikakasal ka na hindi ko lubos maisip na kay Ms. Olivia ka pala ikakasal. Grabe, pare, wala ka pa rin palang kupas kahit na tumanda ka na." Di makapaniwalang salita ni Abel. Nakilala na niya ito dati ng namalagi siya noon una dito sa Hacienda Emmanuel. Ito ang kanang kamay at matalik na kaibigan ng asawa. "Hindi pa rin talaga ako makapaniwala." Anito na may malaking ngiti. Nasa hapag sila at kumakain sila ng tanghalian. Kakarating palang nila mula airport. Dumeretso na agad sila rito sa Hacienda Emmanuel, sa Puerto Princesa. Hindi niya lubos maisip na babalik siya sa lugar na ito. Dito sa lugar na tinakasan niya. "At may anak pa kayo." Napalingon siya sa anak na nasa stroller. Tulog na tulog ito. Maaga kasi itong nagising at sa byahe ay gising na gising ito at tila excited.
"Pasensiya ka na, Abel kung tinago ko sa'yo." Paumanhin pa ng asawa. Tumingin sa kanya ang asawa na mukhang humihingi ng dispensa. Ngumiti lang naman siya rito.
"Kailangan malaman ito ng mga kasama sa bukid. Na ang 'Amo' ay kasal na at sa hindi lang basta-basta. Kasal ito sa isang artista, kay Ms. Olivia." Nahuli niyang nakatingin ang asawa sa kanya. Tila inoobserbahan siya. Napag-usapan na naman nila lahat ng ito bago sila bumalik dito sa Puerto Princesa. Alam niyang marami siyang kakaharapin pero alam niyang handa na siya. Siguro nga ay tama na ang humigit kumulang dalawang taon na pagtatago niya. Kailangan na niyang harapin ang tinaguan niyang buhay. At alam niyang hindi niya kakaharapin mag-isa lahat ng ito.
"Huwag kang masyadong excited, Abel." Napangiti siya sa salita ng asawa. Kinuha pa nito ang kamay niya sa ilalim ng mesa.
"Pagpasensiyahan mo na. Sadyang masaya lang ako sa'yo, Boaz. Sa wakas!" Napabitiw siya sa asawa ng niyakap ito ng kaibigan. Halata talaga rito ng kasiyahan. Talaga nga atang inaabangan ng buong bukid ang buhay pag-ibig ng kanilang 'amo'. "Salamat, Ms Olivia." Nangingilid pang luha ni Abel. "Hindi niyo po talaga alam na lubos ang kaligayahan kong masaya at umiibig na muli ang kaibigan ko." Napangiti siya ng malaki.
"Liv nalang Abel." Salita niya. "Maraming salamat sa pagiging mabuting kaibigan sa asawa ko at sa pag-aalaga sa kanya noon wala pa ako."
"Naku eh mahal talaga kasi namin iyan si Boaz. Saksi ako sa lahat diyan, Liv." Natatawa pa nitong salita.
"Dapat pala Abel ay makipagkwentuhan ako sa'yo isang araw." Nangingiti niyang salita.
"Love?" Tiningnan siya ng asawa na namamangha.
"Gusto kong makipagkwentuhan sa kanya tungkol sa'yo, Love. Baka meroon ka pang hindi nasasabi sa akin." Pagbibiro pa niya. Napangiti siya. At ngayon nga ay nakakapagbiro na siya na natural na lamang sa kanya. Marami na talagang nagbago. At masaya siya sa pagbabago sa buhay niya. At ang pinakadahilan ng pagbabago niyang ito ay ang Diyos.
"Naku, Liv, marami akong tsismis sa'yo." Malaking ngiti ni Abel sa kanya.
"Anong tsismis na sinasabi mo diyan, Abel?" Nakangiti rin salita ng asawa niya.
"Ay hindi ko sasabihin sa'yo pare kundi kay misis. Humanda ka." Tumawa ang asawa niya at napatawa rin siya. Ito ang una niya balik muli sa hacienda. And she knows it is a good day because God made this day to be that.
...
"Have I not commanded you? Be strong and courageous. Do not be afraid; do not be discouraged, for the Lord your God will be with you wherever you go." (Joshua 1:9)
Nakapikit lamang siya habang nakangiti ng malaki. Nagpaiwan siya sa mag-ama niya rito sa quiet place ng asawa sa hacienda. Ramdam niya ang berso na iyon at iyon ang berso na pinapaulit-ulit niya sa isipan. Ang kanyang memory verse.
Malaking hakbang sa pagbabago niya ang pagbalik sa Puerto Princesa. Nandito kasi ang nakaraan niya na kanyang tinatakbuhan dahil sa takot at galit. Pero unti-unti ay naghilom siya. Hindi ganoon kadali dahil sa naranasan niyang sakit at kabiguan sa nakaraan pero malaking pasasalamat niya sa Diyos. Dahil sa pagpapala ng Diyos kaya nandito siya ngayon. Isang bagong tao. May hindi magandang nakaraan pero ang hindi magandang nakaraan na iyon ang nagdedepina kung ano at sino siya. Hindi siya ang Liv na artista, na anak mayaman o isang battered na asawa. Ang kanyang identity ay sa Diyos. Siya ay anak ng Diyos. At sa identity na iyon niya lamang gustong makilala.