"Ilan po?" Tanong niya sa matanda.
"Labing dalawa." Tumango siya at isinulat iyon. Nagbibilang sila ng kaing ng mga ani ng prutas na dadalhin sa ilang pamilihan sa may bayan. Ilang beses pa siyang nagsulat at matapos isulat ay nagpunta siya sa may kwarto sa baba na ginawa opisina at tinipa iyon sa pc para sa invoice. Matapos niyang gawin iyon ay binigay niya ang tig-dadalawang kopya kay Tatay Melencio isa para sa bumili at isa para papirmahan at ibalik sa kanya ar tipunin niya sa isan file. Pero ngayon pa lang ay may naisip na siyang bagong inobasyon at sinimulan na niya noon Lunes. Lahat ng purchase order at invoices ay sinimulan niyang i-scan at finile niya sa folder na may hanay na buwan at taon. Naisip niya kasi na maaring sa susunod ay hindi makita ang file at mas mabuting meroon siyang scanned copies para mas madali pang maghanap. Magpapatulong na lang siyang magfile ng bawat buwan at taon ng mga resibo kapag natapos na niya ang computer filing.
Matapos niyang mapalakad ang maghahatid ng mga prutas ay naupo muna siya sa may terasa. Namataan naman niya si Inang Naomi na papalapit sa kanya. Alam na nito ang pagbubuntis niya pero hindi nito alam ang tungkol sa pagiging magkakilala nila ni Boaz.
"Kamusta na anak?" Nakangiting salita nito.
"Mabuti naman po." Salita niya. "Nagpapahinga lang po saglit."
"Tama iyan. Huwag mo masyadong pagurin ang sarili mo." Ngiti ng matanda. "Kamusta naman ang araw mo ngayon?"
"Mabuti rin naman po." Sagot niya.
"Nasabi ko na ba sa'yong wala pang asawa si Boaz?" Ilang beses na iyon sinasabi ng matanda sa kanya. Heto nga at malaki na ang tiyan niya ay nirereto pa siya kay Boaz.
"Nabanggit niyo na nga po. Siguro po ay dapat na po talaga niyang mag-asawa." Pakikisama na lang nito sa pag-uusap nila.
"Dalaga ka at binata rin naman si Boaz." Alam na niya talaga ang patutunguhan ng pag-uusap na ito.
"Binata po si amo pero ako po ay magkakaanak na." Tumingin lang sa kanya ang matanda.
"Pero dalaga ka pa rin at walang asawa, anak." Gusto niyang matawa sa matanda. Hindi ba naiisip nito na magkakaanak na siya ilang buwan simula ngayon? Hindi ba naisip ng matanda na maaring may asawa siya kaya siya nabuntis? At bukod roon hindi ba naisip nito na hindi bagay ang isang babaeng may dinadalang anak ng iba na ireto sa isang binata?
"Hindi ko po iniisip ang ganyan, inang." Salita niya. "Amo po natin si Boaz at hindi po natin siya dapat pag-isipan ng ganyan bagay." Tiningnan siya ng matanda ng mabuti saka ngumiti ito ng malaki sa kanya.
"Tinutulungan ko lang ang batang iyon na magkaroon ng katuwang sa buhay." Hinawakan pa ng matanda ang kamay niya at hindi naman siya umalma. "Mahirap mag-isa sa buhay anak. At mahirap mag-isa sa pagpapalaki ng bata." Hinaplos ng matada ang tiyan niya.
"Siguro po ay iyon ang pinili niyang tahakin." Salita niya. "At kaya ko naman pong magpalaki ng anak ko kahit mag-isa lang. Kahit walang tulong ng asawa o ninuman." Tiningnan lang siya nito ng mataman bago ngumiti ulit.
"Wala akong duda na pinili ni Boaz na mag-isa sa buhay gaya na rin ng sinabi mo na kaya mong palakihin ang anak mong mag-isa. Pero wala akong sinasabi na hindi niyo kaya na kayo lang. Ang sinabi ko ay mahirap. Pero mas madali ang may katuwang." Hindi na lang siya sumagot at tumahimik sa pagitan nila. Simula kasi ng malaman ng matanda na buntis siya ay halos araw-araw na nitong nirereto si Boaz sa kanya sa hindi niya malaman dahilan. Hinding-hindi siya papatol rito o kahit kaninong lalaki. She is done with them. Iisa lang naman ata ang matinong lalaki na minahal siya at minahal niya at ngayon nga ay masaya na ito sa iba dahil mas pinili niya ang sa palagay niyang tamang desisyon noon. Hindi naman siya nagsisisi ngayon. Ang totoo ay masaya siya para rito. Pero matapos ng mga nangyari at naranasan niya hindi na niya gugustuhing tumaya ulit. Alam niyang maaring may mabuting lalaki pa rin pero hindi na niya isasaalang-alang pa ang natitirang espasyo sa puso niya. Ibibigay niya na lang iyon sa sanggol na nasa sinapupunan niya. "Pagpasensiyahan mo na ako, anak." Salita muli ng matanda. "Sadyang alam ko kasi sa puso ko na hindi para kay Boaz ang mag-isa sa buhay. Pagpasensiyahan mo na at ikaw pa ang nireto ko."