Chapter 12 - Helpful

1.2K 85 43
                                    

Marami na siyang naranasan na paghalik. Dati siyang artista at minsan ay tawag ng script ang kissing scene. At kapag napapanuod mo ito sa sine o telebisyon tila masarap at puno ng pagmamahal ang halik na iyon. Pero iba iyon kapag nakaharap na sa'yo ang maraming tao at kamera lalo na amg direktor na nagsasabi ng dapat niyo pang gawin para mapaganda ang scene at ang lumabas ay ang isang nakakainlove at nakakakilig na kissing scene. Hindi niya alam kung ganito rin ang nangyaring pinagsaluhan halik nila ni Boaz dahil iba ang naramdaman niya sa halik nito.

Oo at ilan beses na siyang nahalikan hindi lamang sa pelikula kundi sa totoong buhay pero iba ang halik na binigay sa kanya ni Boaz. Iba ito at hindi niya mapangalanan kung ano ang kaibahan. Ilang beses siyang nahalikan ni Alex pero hindi kailanman niya naramdaman ang ganitong sensasyon sa puso.

Si Boaz rin ang kusang tumigil sa paghalik sa kanya at tumingin ito sa kanya na tila may hinahanap sa kanyang mata. Para pa nga itong nagulat sa kanilang ginagawa na ito rin naman ang nagsimula.

"I-I'm sorry, Ruth." Doon na siya natauhan at lumayo ng tuluyan dito.

"You are sorry?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa lalaki. Bakit pakiramdam niya naman ay nainsulto siya sa paghingi nito ng paumanhin? Tiningnan niya ang lalaki na tila nagulat sa tanong niya at sa tono ng pananalita niya.

"Hindi ko...hindi ko sinasadya." Nakagat niya ang labi niya sa inis dahil sa sinabi nito. Hindi niya sinasadya, ulit niya sa sarili.

"Ah talaga." Nag-init ang mukha niya sa inis. "One minute you were kissing me and next you were sorry?" Inirapan na niya ito at tinalikuran. Para naman nasupalpal siya sa mukha noon.

"Ruth, saglit." Naramdaman niya ang kamay nito na nakahawak sa braso at pinipigilan siya. Nilingon niya ito at halata sa lalaki ang pagkabahala.

"Ano ba?"

"Makinig ka muna." Sagot nito. Kinalas niya ang kamay na nakahawak sa kanya at naghalukipkip ng braso at tiningnan ito.

"Magsalita ka na." Hindi niya mapigilan ang inis na maipakita rito. Ayaw niya talaga ay iyong taong magsosorry pero sa huli ay paulit-ulit na ginagawa ang mali pero ang pinakaayaw niya ay iyon hihingi ng paumanhin at mangsisisi sa ginawa nito na siya naman talaga ang nagsimula. Kung hindi niya pala gusto ay bakit niya ginawa? Naiinis talaga siya.

"Sorry that I kissed you out of a sudden. Hindi ko dapat ginawa iyon."

"Pero ginawa mo." Matigas na salita niya at halata ang iritasyon sa boses niya.

"Oo, pasensiya ka na-"

"And you regret doing it." Pinangunahan na niya ito. "Alam mo Boaz, okay lang naman na hinalikan mo ako." Gulat ang rumehistro sa mga mata nito.

"O-okay lang? I thought--"

"Oo." Ingos pa niya. "Thank you for the kiss. Alam ko naman ang ibig sabihin ng halik na iyon. Isa na naman iyon parte ng pagtulong na bukal sa puso mo." Napakunot ang noo ng lalaki na tila hindi naiintindihan ang mga sinasabi niya. "You're always glad to help and you thought at that moment I wanted to be liked and to be kissed. And being the helpful gentleman you are, you obliged. It was a charity kiss. Naawa ka sa akin at sa kalagayan ko. Alam ko naman iyon. Salamat."

"Liv teka--"

"Huwag kang mag-alala. Naiintindihan ko. We're both adults." Salita niya. "Pero sana sa susunod huwag kang masyadong matulungin. Hindi ko kailangan sabihin mo na gusto mo ako. At lalong hindi ko kailangan ng halik mo ng awa."

Tinalikuran na niya ito at nagmadaling naglakad paakyat. Hindi na niya hinintay na magsalita ang lalaki bagkus ay tumuloy na siya sa kwarto at nagkandado ng pinto.

The Man After His Own HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon