“Hello.”Bati niya sa batang babae na sa palagay niya ay nasa dalawa o tatlong taon. Kakatapos niya lang patulugin ang anak at nasa kuna ito sa sala. Lumabas lamang siya dahil sa may narinig siyang mga boses at akala niya ay asawa. Umalis kasi ito ng umaga at pumuntang bayan. Pero heto nasa may baba ng bahay nila ang batang babae. Maputi ito, namumula ang pisngi at labi at tama lamang ang pagiging malusog nito.
“Hi!” Bati sa kanya ng bata. Lumuhod siya para matingnan ang bata. Ang ganda-ganda nito. Doon niya napansin ang mahaba at mapilantik na pilikmata nito. May naisip siya at natigilan. Lalo ng makita niya ang kulay abong mata ng bata na halos kapareho ng shade ng mga mata niya. May tatlo lamang siyang alam na kapareho ng shade ng mga mata niya. Ang lola niya, ang papa niya at ang nakababatang kapatid niya na si Belle. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa realisasyon. Iginala niya ang mata sa may tarangkahan pero walang bulto ng tao o ng kapatid niya.
“Sinong kasama mo baby?” Tanong niya sa bata. Maliwanag ang mga mata nito.
“My parenth.” May pagkabulol pa ito. Ang S nito ay ‘th’ ang pagkakasalita.
“Nasaan sila?” Nag-isip ang magandang bata at nagturo sa parte ng kamalig.
“Thino po kaw?” Manghang tanong ng bata. “You uhm…like Mommy!” Napangiti siya. Tama nga ba ang kaniyang hinala?
“I am Nanay Liv.”
“Nay Liv?” Ngumiti ng malaki ang batang babae at naalala naman niya ang bunsong kapatid sa pagngiti nito. Ramdam niya ang init mula sa kanyang puso.
“Ysa!” Narinig niya ang boses na pamilyar sa kanya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. “Ysabella!” Sabay silang lumingon ng batang babae na nagngangalang Ysabella. At sa paglingon niya ay nakita niya nga na tama ang kaniyang hinala.
“A-ate…” Nanginginig na salita ng kanyang kapatid na si Belle. Agaran itong tumakbo papunta sa kanya. Kaagad siyang nagbukas ng kamay at braso para sa pagyakap nito. Yumakap sa kanya ang kapatid ng napakahigpit at gumanti rin siya ng mahigpit na yakap. “Ate…” Rinig niya ang paghikbi ng kapatid. Maging siya ay napaluha. Matagal ng panahon na hindi niya nakita ang kapatid. Bilang kasi ang kilos niya sa pamamahay ng mga Romualdez kaya hindi rin niya makausap ang pamilya niya. Wala siyang kalayaan. Isa siyang bilanggo sa kulungan at galamay ng mga Romualdez.
“I missed you! I missed you so much. A-anong nangyari sa’yo ate?” Ramdam niya ang nginig sa boses ng mahal niyang kapatid. Kahit siya ay hindi na mapigilan ang pagluha. Malapit talaga sila sa isa’t isa at alam niya ang pakiramdam kung gaano kasakit malayo rito at hindi man lang ito makausap. “Ate, please huwag ka ng lalayo. Please magtawagan tayo lagi. Magkita tayo lagi.” Tumango siya.
“I’m so-sorry, baby.” Humihikbi niyang salita. “Maraming nangyari kay ate. Sobrang dami.” Kaagad bumuhos ang masaganang luha niya. How she missed her sibling and her parents. “But I assure you now, baby, I’ll be involved again to your life.” Humagulgol ang kapatid at napangiti siya. “Still a crybaby, my baby.”Kahit may anak na siya at may anak na ang bunsong kapatid niya ay hindi pa rin siya napapagod at hindi niya iibahin ang tawag rito na baby. She was her baby sister after all. Natatandaan niya dati na pinagdasal niya ang magkaroon ng kapatid na babae at noon pa lang sinagot ng Diyos ang panalangin niya. God gave her Belle and though their relationship was not that good at first but still she was her answered prayer. Ngayon niya lang narealize ang lahat-lahat. She had been asking God for requests and from her sister to the abundance of her wealth and career her requests were answered. Sadyang bulag nga lang siya para matanto ito noon. At ngayon alam na niya ang Diyos ang may gawa ng lahat nandoon ang taos puso niyang pasasalamat sa mga tinamasa niya sa buhay. She will be grateful to Him forever.