"Hindi ito dahil doon." Malamig na salita nito sa kanya at dahil doon ay mas lalo siyang naguluhan. He thought she got offended when he kissed her without permission.
"Saan?" Nag-aalalang tanong niya at kinuha ang kamay nito. Ilang araw na siyang nag-iisip bakit siya iniiwasan nito. Inisip niya ang iba't ibang rason bakit ito umiiwas sa kanya at hindi talaga siya nito pinapansin pero sa huli iyon ay bumabagsak sa paghalik niya rito. Pero ngayon naman ay sinabi nito na hindi tungkol roon. Ano nga kayang ginawa niyang masama rito? It's been so long since he had been involved to a woman and right now he is beyond clueless. Mangmang na nga ata ang tamang termino. Gusto niyang ipagdasal sa oras na iyon na bigyan siya ng Diyos ng karunungan ukol sa mga babae. Pero napailing siya. It takes skill to truly know and undestand a woman and he is lacking in that department because of being inexperienced.
"Hindi dahil sa halik mo kundi sa pagsosorry mo sa paghalik mo at pagiging matulungin mo!" Nag-alala siyang mabuti ng lumuha ito. Mas lalo siyang hindi mapakali. He wanted to pray for divine intervention. Ayaw na ayaw niya talagang makikitang umiiyak ito lalo na ngayon at siya pa ang may kasalanan. Dahil sa pagiging matulungin niya? "Nakakainis ka. Hindi ko kailangan ng halik mo ng awa. Sana hindi ka nalang nagsorry para naman may paconsuelo ka na ginawa mo iyon dahil gusto mo lang hindi dahil naawa ka sa akin at sa kalagayan ko. Nakakainis ka!"
Kinalas pa nito ang kamay na hawak niya at mabilis na tumayo samantalang siya ay natulos sa kinauupuan at pinoproseso ang narinig. Narinig niya ba ng tama ang mga sinabi nito? Ang ibig sabihin ba nito ay okay lang sa kanya na halikan niya ang babae? Kahit sa tingin niya ay mali dahil sobrang bilis, sobrang bugso ng kanyang damdamin sa pagkagusto rito?
Hindi alam ng babae kung gaano siya pinahirapan ng ginawa niyang kapusokan. Hindi siya mapusok na tao. Lahat ng bagay na ginagawa niya ay malimit niyang pinag-iisapan at pinagdarasal ng mabuti bago gawin. Humihingi siya ng tulong sa Diyos lalo na kung alam niyang wala siyang kontrol sa mga bagay-bagay. Pero hindi niya alam bakit na lang niya inangkin ang labi nito ng gabi na iyon ng hindi nag-iisip.
Nag-uusap lang naman sila, naglalakad at nagkwentuhan sa kagandahan ng gabi na iyon. Masaya siya sa pag-uusap na iyon mas lalo na dahil malimit na itong nakangiti sa kanya at kahit papaano ay nagtatanong na rin ito tungkol sa kanyang Diyos. Masaya lang siya ng oras na iyon na kapiling ang babae. Masayang-masaya. Hanggang sa nagkatitigan sila. Hanggang sa naamin niya rito ang pagkagusto niya rito. Hanggang sa inabot ng labi niya ang labi nito sa isang halik na nagpaalaala sa kanya na kaya pa pala niyang madama ang pakiramdam na iyon.
Nag-alala siya sa ganoon naramdaman niya at ang ginawa pa niya dahil sa kanyang naramdam. Tila nawala siya sa rasyonal na pag-iisip. At natakot siya roon. Dahil baka isipin ng babaeng inaminan niya ng pagkagusto ay inaabuso niya ito at wala siyang paggalang. Dahil hindi iyon totoo. Ginagalang at nirerespeto niya ito gaya ng turo ng nanay niya noon bata at dala niya iyon kahit na ganito na siya katanda. Hay! Hindi niya alam na may parte pala ng sarili niya na hindi niya ganoon kontrolado. Matagal na ata kasi ang karanasan niya kaya kinakalawang na siya rito.
Narinig niya ang pagsara ng pinto at doon na lang siya natauhan. Tumingin siya sa pinto na sinalampak nito. Pumunta ito sa labas. Kaagad siyang tumayo sa kinauupuan at mabilis na tumakbo palabas.
Hinanap agad ng mata niya ang babae. Alas sais y media na at sobrang dilim na agad langit. Alam niya ang ibig sabihin noon. Kanina pa niya nakita ang maiitim na ulap na iyon noon pauwi siya sa bahay. May nagbabadyang malakas na ulan. Nagpalinga-linga pa siya para hanapin ang bakas ni Liv. Kailangan niyang mahanap ito bago pa umulan ng malakas. Alam niyang hindi naman ito makakalayo ng ganoon kabilis dahil sa dinadala nito.
Narinig niya ang malakas na dagundong ng kulog mula sa langit. Malamig na rin ang simoy ng hangin hudyat na malapit ng bumuhos ang ulan. Nag-alala siya.