Chapter 2 - Known

1.7K 96 59
                                    

Hindi siya mapakali ngayon araw na ito. Kanina pa niya sinusuklay ang pinaitim niyang mahabang buhok na halos rumupok na dahil sa pagbibilad niya sa araw. Tumingin siya sa maliit na salamin at nakita niya ang mukha niya na magkahalong pamumula at pangingitim dahil sa pagtatrabaho niya sa initan. Wala na ang bakas ng mestizang babae at ang magandang mukha na meroon siya noon. Pinalitan na iyon ng babaeng nasa salamin na puno ng takot, alinlangan at galit. Siguro ang mga emosyon na iyon ang nagpapapangit sa kanya hindi ang matinding araw sa bukid. Masyado ng bugbog ang puso, isip at kaluluwa niya ng mga masasamang alaala na hindi niya matakasan hanggang ngayon. Gusto niyang umalis sa lugar na ito kung saan malapit ang tinuturing niyang panganib pero alam niyang kapag ginawa niya iyon ay mas malaki ang posibilidad na madiskubre siya. Dito sa bukirin na ito kahit papaano ang naging kalinga niya. At hindi niya alam kung hanggan kailan iyon. Nanalangin siyang sana hindi pa ngayon lalo na sa kalagayan niya.

"Ruth, halika na." Tanaw pa ni Inang Naomi sa may bintana niya. Tumayo na siya sa silya na kinauupuan. Isang beses pa siyang tumingin sa kapirasong salamin at nakita niya ang itim niyang mga mata na hindi siya. Binaba na niya na iyon. If only she can erase her identity.

Nagsimula na muli ang pagtatrabaho sa bukid. Nag-aani sila ng mga patatas kaya marungis ang mukha niya sa alikabok dahil sa pagbubungkal ng lupa.

"Halika na, Ruth ng makapaglinis na at makapananghalian." Tumango na lang siya sa sinabi ng kasama. Sunud-sunod na umalis sa taniman ang mga kasama papunta sa iisang direksyon, sa malaking hapag sa kubo kung saan sila kumakain.

Umahon na rin siya at naglakad patungo roon. Gaya ng ibang trabahador sa bukid na ito ay naglinis muna sila ng kamay at mukha bago kumain. Huli na siya ng makarating sa hapag at halos lahat ng tao ay may pagkain na. Naupo na lang siya sa pinakadulo at tahimik na kumuha ng pagkain.

Napatingin siya sa isang babae na napakasigla na lider ng kwentuhan sa kabilang mesa. Si Isay. Napakasigla nito at siyang-siya ang mga kasama nito sa hapag. Pinagmasdan niya lang ito at sa kasuluk-sulokan ng kanyang puso ay nainggit siya sa kasiyahan nito. She wanted that happiness also. Pero lahat na lang ata ng kasiyahan na akala niya ay meroon siya ay nawala. Lalo na ngayon. She is hopeless. Nawala ang lahat ng bagay na meroon siya at hindi na siya makakabalik at hindi na niya alam kung saan siya tutungo ngayon.

"Nandiyan na si amo." Napatingin naman siya kung saan nakatingin ang mga kasama niya. Malayo siya sa kinaroroonan ng amo niya pero nakikita niya ito. Ang balbas saradong amo niya na nakatali ang kalahati ng mahaba nitong buhok. Nakasuot ito ng puting kamiseta at sira-sirang pantalon. Tinitigan niya ang itsura ng amo niya at inalala ito. Pamilyar ang mukha ng amo niya. Kung makikita niya sana ito ng malapitan ay makakasigurado siya kung kakilala niya ito. Pero hindi tamang mangyari iyon. Natatakot siyang kaya pamilyar ito sa mga mata niya ay dahil nakita na niya ito sa pagtitipon ng mga Romualdez. Kaagad siyang napahawak sa tiyan niya na tila nanigas at sumakit.

"Huwag ngayon, please." Bulong niya sa sarili. Naduduwal siya na hindi niya maintindihan. Pinakaayaw niya itong pakiramdam.

Naulinigan niya ang boses ni Tay Melencio at Inang Naomi sa di kalayuan. Pinapakilala ng dalawa ang mga bago sa bukid. Kaagad naman nagtahip ang pulso niya. Gusto niyang tumayo pero kasabay ng pagsakit ng tiyan niya, ang pagkaduwal at pagkahilo.

"At ito si Ruth." Narinig niya ng malapit na si Inang Naomi sa kanya. "Ruth ito nga pala ang amo natin, si Boaz." Pinanlamigan siya ng buong katawan sa narinig na pangalan. Kilala niya ang pangalan na iyon. Natatakot siyang ang Boaz na kakilala niya ay ang Boaz na may-ari ng bukirin pinagtatrabahuhan niya. Lalong sumama ang pakiramdam niya. Hindi niya lalo alam ang gagawin. "Ruth." Pino at maingat siyang tumayo. Humawak pa siya sa mesa para suporta sa nanghihina at nanginginig niyang katawan. "Ruth?"

The Man After His Own HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon