Chapter 9 - Smile (1)

1.3K 91 31
                                    

"Handa ka na?" Tumango siya sa tanong ni Boaz na ngayon nga ay nakaupo sa sala at mukhang kanina pa naghihintay sa kanya. Nakapikit kasi ito ng datnan niya at nagmulat na tila alam ang presensiya niya. "Halika na?" Tumayo na ito at binuksan ang pinto at pinauna siya. Nakaabang na ang sasakyan nito sa harap na mukhang bagong linis. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto.

Mahaba ang biyahe kaya inaliw na niya lang ang sarili sa pagtanaw sa magandang tanawin sa labas. May nakita pa nga siyang iilan turista na nasa gilid ng daan at kumukuha ng litrato. Napakaganda naman kasi talaga ng lugar na ito at nito niya lang napahalagahan sa loob ng ilang buwan niyang pamamalagi dito.

Napalingon naman siya sa gawi ni Boaz ng marinig niya itong naghuhum sa saliw ng kanta sa radyo. Hindi niya maiwasan titigan ito. Mukhang masaya ito ngayon pero kailan nga ba ito hindi mukhang masaya at hindi nakangiti kapag kinakausap siya? Pero espesyal ang araw na ito dahil pansin niya ang tila ibang kislap ng mga mata nito at ngayon pa nga ay mahinang humuhuni sa saliw ng kanta sa radyo.

Siguro nga ay natutuwa ito na luluwas ng bayan ngayon sa tagal ba naman nilang hindi lumuluwas at laging nasa bukid lang. Siguro ay umay na ito sa mukha niya at sa mga tao sa bukid kaya ganito na lang ito kasaya ngayon.

Pinagmasdan niyang mabuti ito habang mahina itong kumakanta.

"You make me smile like the sun, fall out of bed, sing like a bird, dizzy in my head, spin like a record, crazy on a Sunday night. You make me dance like a fool, forget how to breathe
shine like gold, buzz like a bee, just the thought of you can drive me wild.
Oh, you make me smile"

May kinang sa mga mata nito habang kumakanta. Masayang-masaya ito sigurado siya doon pero alam niyang meroon pang isang emosyon na hindi niya mapangalanan kung ano na halata sa mga mata nito. Basta ang masasabi niya lang ay lalong lumiwanag ang maamong mata nito at halata ito sa gwapo nitong mukha. Sa kasuluk-sulokan ng isip niya ay gusto niyang malaman kung bakit. Kung ano ang rason bakit ganito ito ngayon. Hindi niya rin alam kung bakit ganoon na lang kuriosidad na dala ng mga tingin at ngiti nito.

Nakita niya ang pag-angat ng labi nito para sa isang ngiti. Doon na lang niya napansin na nakatitig siya rito ng matagal at baka nahalata na siya nito kaya kaagad siyang nagbawi ng tingin.

"Kumakanta ka di ba?" Tahimik lang siyang lumingon rito. Sumulyap ito sa kanya at nakangiti. Napatitig naman siya sa mga mata nito. "Sa pagkakaalam ko ay may song album ka noon. Narinig ko kaya ang isa sa mga kanta mo."

"Matagal ng panahon iyon." Sagot niya.

"Pero palagay ko naman hindi nawawala ang talentong binigay sa'yo ng Diyos. Nasa iyo pa rin iyan sa palagay ko." Hindi na lang siya sumagot. "You make me dance like a fool, forget how to breathe, shine like gold, buzz like a bee. Just the thought of you can drive me wild. Oh, you make me smile!" Akala niya ay magtatanong pa ito pero hindi. Kumanta na lang ito at kahit hindi niya gustong makinig ay nakakapakinig siya sa kanya dahil mas malakas na ang boses nito.

...

Narating na nila ang destinasyon nila, ang klinika. Sabado ngayon, araw ng nakatakdang check up niya at ng anak niya. Si Boaz pa nga ang nagpaalaala sa kanya at nagpresintang siya na ang maghahatid sa kanya. Wala na rin naman siyang magawa. Kailangan niya ng sasakyan sa pagluwas ng bayan at hindi naman siya papayagan nitong magmaneho para hiramin iyon kaya pumayag na siya. At isa pa, kahit di niya aminin, gusto niyang kasama ito kapag lumalayo siya sa hacienda o kapag pakiramdam niya ay nag-iisa siya. May seguridad kasi na dala ang presensiya ng lalaki at kampante siya rito tungkol sa kanyang sikreto.

"He is a boy." Salita ng doktor habang inuultrasound ang tiyan niya. Tumango siya. A boy, sa isip niya. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang maiyak dahil sa sinabi ng doktor na lalaki ang anak niya. Pero pinigilan niya. "Take care of yourself pa rin Mommy ha. Nakakatuwa na healthy na kayo ng baby mo ngayon."

The Man After His Own HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon