ZAICO’S POV
Nakakulong ako sa k’warto ko at hindi ko alam kung anong iisipin ko. Kung paano ko dapat tanggapin ang mga ito.Yes, I admit that Blue is a fairy, and she’s a princess even radder than that. I have so many questions that I don’t know what the answer is. Simula no’n hanggang ngayon ‘yan ang gumugulo sa isip ko.
If I am ordinary or just normal person. Sa tuwing ino-open up ko ang topic na ‘to kay Mommy iniiwasan nya ako. Minsan ay gusto kong maniwala sa sinasabi ng iba na hindi ako normal na tao. I have gray eyes. Sa tuwing magagalit ako nag-iiba ang kulay nito. Kapag naman masaya ako ay mas lalong nagiging gray ito.
Tinignan ko ang mga palad ko. Wala akong makitang kakaiba at wala akong makitang kung ano. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Isa ka lang ordinaryong tao, Zaico tandaan mo ‘yan. Habang pinagmamasdan ko ito ay bigla akong napaupo ng may nakita akong isang lalakeng may bigote na puti. Matangos ang ilong at med’yo hawig kaming dalawa. Gray din ang mga mata nito at nakasuot ito ng puting damit. Tumingin sya sa akin.
“Anak ko,” tawag nito at bigla akong napakunot ng noo.
Tumingin ako sa paligid kung sinong tinatawag nyang ‘anak’ pero wala namang tao bukod sakin kasi k’warto ko ‘to.
“H’wag kang tanga, ikaw lang ang tao dito at wala akong ibang tinutukoy na anak kung ‘di ikaw, bobploks,” ani nito at nagulat pa ako ng biglang nag-iba ang aura nya.
Ginagaya nya ba ang way ko ng pananalita o sad’yang copy paste ko ang ugali nya dahil tatay ko sya?
“Bobo, e paano kung may ibang tao? Malay ko kung sinong tinutukoy mong anak. Kung ‘yong kabinet ko ba o aparador. Tsk,” sagot ko naman at saka ako tumayo.
“Never mind. I would like you to know that I am your father,” sabi nya.
“Alam ko. Katatawag mo nga lang sa ‘kin na anak,” sagot ko naman.
“Baliw ka? Malay mo ampon ka lang tapos tinawag kitang anak?” ani pa nya.
“Tsk! Just say what want to say.”
“Kailangan mong tulungan ang prinsesang galing sa fairy world. She needs you more than she needs herself. Dahil hindi sapat ang kapangyarihan nya upang iligtas ang tahanan nya,” seryosong sabi nito.
Kahit naman hindi nya sabihin na tulungan ko si Blue, I will help her cause I’m in love with that fairy. And besides, I want her to be mine as long as I’m alive and as long as she’s around.
“H’wag kang gagawa ng ikasisira ng lahat. Kontrolin mo ang galit na p’wedeng maging dahilan para masira ang mundo nila. Tandaan mo ‘to, Zaico. You are my son, and you are a prince. You have power and can protect your loved one’s. You are the son of elemental god, and you have the right to protect what is yours,” sabi nito at bigla na lang syang nawala na parang bula.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang Mommy ko. Tumingin sya sa boong paligid at nakakunot ang noo. Tinoon nya ang tingin nya sa ‘kin saka pumasok.
“Sinong kausap mo?” takang tanong nya.
Buti na lang katabi ko ‘yong phone ko. Pasimple ko itong kinuha tapos ay lumapit ako sa may kama saka ko itinaas ang phone ko.
“I’m just talking with Patrick, Mom,” sabi ko at ngumiti ako sa kanya.
“Gano’n ba. Oh, you have a visitors nga pala sa baba. Limang babae. Alam mo ang gaganda nila. Lalo na ‘yong kulay asul ang mga mata. Gusto ko sya. Sigi na hinahanap na nila. Mukhang friends mo din ata,” sabi nito at saka nya sinara ang pinto at nakahinga ako ng maluwag.
Tumayo na ako saka inayos ang sarili ko at bumaba. Nakita ko silang lima na parang ang lalim ng iniisip at nakita ko kung paanong bumuntong hininga si Blue. Huminga sya ng malalim at saka nilaro ang daliri nya. I was hurt when I saw her eyes with pain and full of problem. Hindi madali ang mamuno sa isang lugar lalo na’t hindi mo hawak ng kasiguraduhan kung maililigtas mo ba ang masasakupan mo o hindi. Huminga muna ako ng lalim saka ako ngumiti.
“Oh, baby talagang pinuntahan mo ko dito sa bahay ah?” akamang lalapitan ko sya ng iniharang nya ang kamay nya sa mukha ko. “Baby Blue naman wala bang kiss d’yan?” tanong nya sabay kindat.
Nakita kong nairita sya. Shit talaga nakaka-in love. Pero tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. “Don’t worry baby. Ayos lang ako. Buo pa ako at ang little, Zaico ko,” pang-aasar ko sa kanya.
“B’wisit ka talagang hinayupak ka. Saan ka ba pinaglihi ng nanay mong kupal ka?” inis na sabi nya at umupo ito saka nag-cross braso.
“Zaico, hindi na kami magtatagal,” panimula nung Pink.
“But, we need you and your powers,” dugtong no’ng green.
“Ikaw lang ang alam namin na makakatulong dahil sa ngayon nasa panganib ang buhay ng ina ni Blue pati sya,” ani ni Sunshine.
“Kaya kami nandito ngayon para kumpirmahin ang sinabi ng matanda kung ikaw ba ay isang elementalist,” ani naman ni Violet.
Seryoso ang mga tingin nila sa ‘kin. Pero kay Blue ang tingin ko at binabasa ko ang bawat galaw ng mukha nya. Bakit parang nahihirapan sya. Bigla na lang sya napahawak sa kaliwang dibdib nya at may kung anong dugo ang lumabas dito. Agad kaming nabahala at binuhat ko sya.
“Hindi na ‘to maganda,” nag-aalalang sabi ni Sunshine.
“Bakit?” naguguluhang tanong naman ni Violet.
“Kanina ay nakita kong may kung anong tumusok kay Princess Blue. Parang tinik ng isang bulaklak,” sabi nito at pagpasok sa loob ng k’warto agad ko syang inihiga.
Lumapit sa kanya si Pinky at sinara naman ni Greeny ang pintuan. May kung anong kulay pula ang umiilaw sa kaliwang dibdib nya.
“Fuck that shit. What was that?” naiinis at nag-aalalang tanong ko.
“Ang lason ng bulaklak na ‘yon ay maaring maging sanhi para pigilan ang pagtibok ng puso ni Blue.” Napahawak sa ulo si Violet at tila gustong magwala.
“Anong gagawin natin?”
“Shit, shit, shit, shit. Papatayin ko sila kapagnamatay si Blue! I will gonna kill them and destroy them all! Fuck this shit!” Lumapit ako kay Blue na walang malay ngayon. ”I swear my princess everything will gonna be alright,” bulong ko at haplos ko sa kanyang mukha.
Biglang may kung anong liwanag ang bumalot sa katawan ko at lumutang ako sa ere. Nakakaramdam ako ng enerhiyang bumabalot sa katawan ko at lakas na halos hindi ko kayang kontrolin. Para akong sasabog at any time p’wede akong nakapatay. Pero para akong naging maamong tupa ng tinawag ni Blue ang pangalan ko.
“Zaico…” kahit hirap sya ramdam kong pinipigilan nya ang nararamdaman kong galit.
Hindi nga talaga ako isang tao lang. Dahil isa akong anak ng elementalist na hindi ko alam kung saan galing. ‘Wag kang mag-alala Blue. I will help you to save your kingdom. Pero matapos ng tagpong ‘yon ay nawalan ako ng malay.
![](https://img.wattpad.com/cover/104369771-288-k114010.jpg)
BINABASA MO ANG
BLUE FAIRY PRINCESS [COMPLETED]
FantasyDo you believe in fairies? Just like in a fantasy world. Because me? I believe on that. I've been in love with that fairy. I don't know how, I don't know where and I don't know why. How can I protect her by the evil monster, if I don't have a power...