CHAPTER 7

361 16 0
                                    

BLUE’S POV

Hindi ko alam kung nasaang lugar ako. Puro wasak lahat ang gamit pati ang palasyo. May babaeng nakahandusay at may lalaking umiiyak habang hawak sya. Pero nakita ko sina Pinky, Greeny, Violet at Sunshine na halos puro sugat ang katawan parang galing sa laban. Pero napadako ang tingin ko sa babaeng walang buhay. Ako ‘yon. Ako ang babaeng ‘yon at si Zaico ang may hawak sa ‘kin. Kita ko ang lungkot at pangungulila ng mga mata ni Zaico ko ramdam ko ang nararamdaman nyang sakit.

“Please, come back to me again. Please,” umiiyak nyang pagmamakaawa habang yakap ako na walang buhay. “Tapos na Blue... please bumalik ka na,” dagdag pa nito at ramdam ko ang hagulhol na iyak ni Zaico. “Bumalik ka... please...”

----------

Napabangon ako dahil sa isang masamang panaginip. Napatingin ako sa buong paligid at naalala kong wala nga pala ako sa bahay. Napatingin ako sa gawing kaliwa at nakita ko ang natutulog na Zaico. Bigla akong napatingin sa ilalim ng kumot ko at nakahinga ako ng maluwag dahil buo pa ang katawan ko. Syet! Bakit naman kasi nandito ang lalaking ‘to. Ang bilis ng tibok ng puso ko at kinilatis ko ang mukha ni Zaico. Mula sa mahaba nyang pilik mata, matangos na ilong, makinis na mukha at mapupulang labi.

Bigla ay napakagat ako ng labi ko kasi parang ang lambot ng labi nya. Paksyet Blue ang aga-aga ang landi ng nasa utak mo! Bigla akong napahiga at napabukot. Nararamdaman ko kasi 'yong init ng mukha ko at alam kong namumula ako. Nagulat naman ako ng bigla akong niyakap ni Zaico at bumilis ang tibok ng puso ko. Dumagdag pa ang pagsiksik nya ng ulo nya sa may bandang leeg ko kaya halos hindi na ako makahinga sa sobrang init. Susme Lord, please! H'wag po ganito. Tinanggal ko ang kumot sa mukha ko at tumingin ako kay Zaico na ilang inches nalang ang layo sa mukha ko. Halos mag-kiss na kami sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t-isa.

Ang inosente nya habang natutulog at parang ang sarap titigan dahil narin sa g’wapo sya. Pero bakit parang may kung anong part sa ‘kin na masakit at ayaw kong makita syang nasasaktan o masaktan?

“If you want to kiss me. You are free to do that,” nanlaki ang mata ko dahil nagsalita sya.

Shit Blue! Malamang may bibig ‘yan. Napa bangon ako at hindi ko namalayan na masyado pala akong nasa dulo ng kama kaya naman lumagapak ang mukha ko sa sahig. Letcheng buhay ‘to.

“Letche ka Zaico! Papatayin kitang hinayupak ka!” singhal ko.

Tumayo ako at nakita kong tawa ng tawa si Zaico dahil sa nahulog ako. Kinuha ko ‘yong babasaging vase saka ko hinagis sa kanya pero napanganga ako ng bigla nalang itong lumutang sa ere at hinawakan nya saka ngumiti sa ‘kin. Paanong nangyare ‘yon?

“You… you have---”

“Yes, I have,” he said.

Pero paano? Tumingin ako sa calendar at nanlaki ang mata ko ng makita kung anong date at taon ngayon.

“What the heck? 2019 na? Kailan pa? Paano? Ilang b’wan akong nakatulog? Shit! ‘Yong fairy land? Ano na nangyare? Si tiya—” naputol ang sasabihin ko ng hawakan ni Zaico ang kamay ko.

“Relax, Blue, easy lang dami mo na agad tanon t’saka isa pa. Advance kasi ‘yan calendar ko. Nasa taon ka pa rin kung kailan ka nakatulog. T’saka ten days kang tulog at walang malay at ‘yong fairy land… don’t worry about it. Gumawa ako ng paraan para hindi iyon masakop, and I’ve talk to your aunty and we have a deal,” sabi nito at napaupo ako sa upuan.

Naalala kong nawalan nga pala ako ng malay dahil sa unti-unting lumalason sa katawan ko. Pero agad akong napahawak dito at tila wala na akong nararamadaman na kung ano. Hindi ako nanghihina at nakakagamit pa ako ng kapangyarihan ko. Anong nangyare sa ‘kin at parang wala lang nangyare ng panahon na binisita namin si Zaico? Napahawak ako sa ulo ko at ramdam kong lumapit sa ‘kin si Zaico.

“Mas lalo kang pumapangit kapag nag-iisip ka.” Bigla naman nag-init ang ulo ko at sinipa ko sya.

“Don't you dare come close to me, Zaico! I swear I’ll gonna kill you!”

“Baby naman I know you can’t do that.”

“Yes, I can. Don’t fucking dare me Zaico,” hamon ko pero ang damuho unti-unting tumayo.

Napatayo din tuloy ako tapos napaatras. S’yet anong gagawin nya? Nasilayan ko ang ngisi sa kanyang labi at parang may balak gawin. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa gagawin nya. Habang papalapit sya at paatras ako ng paatras. Bigla akong napasandal sa pader at isang iglap ay nasa harapan ko na sya. He can use his powers properly? But how? In a short time how? Kailan nya nalaman at paano sya natuto? Hinawakan nya ang pisngi ko at ramdam ko ang maligkit na titig nya. Ang mata nyang kulay gray at ang mukha nyang gwapo.

“Hindi ko alam kung bakit kita nagustuhan, you’re not my type, hindi ka sexy, hindi gano’n kaganda. Pero ang asul mong mga mata ang nagre-reflection sa pagkatao ko, Blue. Simula no’ng una kitang makita at hanggang ngayon. Ikaw pa rin ang gusto ko at mamahalin ko. Hindi mo man maalala kung sino ako, pero alam kong d’yan sa puso mo hindi mabubura ang alaala na mero’n tayo,” hindi ako umimik at patuloy na nakinig sa kanya.

“I... love…” Biglang dumampi ang malambot nitong labi sa akin.

Naramdaman ko ang init ng labi nya at gulat pa rin ako sa nangyari. Gumalaw ang labi nya, pero ako hindi gumagalaw. Hinigit nya ako saka siniil ng halik. Hindi ko alam pero gumanti din ako ng halik sa kanya.

“You…” parang biglang nanuyo ang lalamunan ko at hindi na ako makpagsalita.

Ibang-iba ang Zaico na nakikita ko ngayon. His eyes were full of love, and he’s in love... In love with a fairy without knowing if I can stay any longer or not. Dahil nangangamba akong baka kapag nangyare ang araw na iwan ko ang lahat, pati sya ay iiwan ko rin. Ayaw kong makita ang mga mata nyang masaya na maging malungkot at puno ng hinanakit ang buhay. Halos hindi alam ang gagawin at walang ganang mabuhay.

Natatakot ako na baka isang araw, maging dahilan ‘yon para mawala ang lahat. But as long as I stay, I will love him back like he loves me. As long as I stay, I will make this man happy, like how he made my day complete. Kahit alam kong nawala ang memoryang mero’n ako ng kasama ka no’n. Alam ko naman na sa puso ko ikaw pa rin ang tinitibok at gustong makasama habang buhay. Dahil sa sobrang paggamit ko ng kapangyarihan nawawala ang memorya ko at ang tanging maaalala ko lang ay ang alaala no’ng bata ako. Matatapos din lahat ng ito. Alam kong matatapos ‘to dahil nand‘yan ka Zaico.

BLUE FAIRY PRINCESS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon