CHAPTER 10

333 13 1
                                    

BLUE’S POV

Hindi ko alam kung nasan ako ngayon. Basta isa lang ang masasabi ko sa lugar na ‘to. This is so beautiful place that I wanted to see and I don’t want to leave.

“Buti naman at gising ka na.” Nakangiting sabi ng babae’ng nasa harapan ko.

“Nasa’n po ako?” tanong ko.

“Ikaw ay nasa lugar kung saan, ang buhay at kamatayan,” sagot nito at saka ako umupo ako at tumingin sa paligid.

Para akong nasa kalawakan at ang gaganda ng mga bituin sa paligid nito. Nakikita ko ang dalawang universe sa pagitan ng kinauupuan namin. Tumingin ako sa kanya saka ako ngumiti. Ngayon ko lang mas lalong nasilayan ang ganda nya.

“Maari ko bang malaman kung bakit po ako nandito?”

“Ikaw ngayon ay nalalapit sa dalawang sitwasyon, Blue. Ito ay kung pipiliin mong mabuhay o ang mamatay.” Tumayo sya saka may kinuhang kung ano.

“Kung mabubuhay po ako, anong pusibleng mangyare?” tanong ko.

“Kung mabubuhay ka. Maaring hindi na maibalik ang lahat sa ayos at ang kapalit nito’y habang buhay na kalungkutan at paghihinagpis.”

“At kung hindi?” Umikot sya at humarap sa ‘kin.

“Ikaw ang mamimili, Blue. Buhay mo ‘yan at ikaw ang mamimili ng tadhana mo. Nasa sa ‘yo kung anong mas pipiliin mo. Mamatay habang nakakulong sa mga nawalang alaala o ang mabuhay at hindi na muling maibabalik sa dati ang lahat.” Napatingin ako sa inabot nya sa ‘kin.

Kung mamamatay ako, babalik ang lahat sa ayos. Ang kaharian at ang lahat ng mga fairy ay maaring mabuhay at bumalik din, ngunit kung mas pipiliin kong mabuhay. Parang tumakas na lang ako sa problemang hindi ko kayang lusutan at habang buhay ang kalungkutan na sasapitin ko. Tumingin ako sa kanya saka ngumiti ng mapakla. Kailangan kong piliin ang kung anong mas nakabubuti sa kaharian ko at mga nasasakupan ko. Kahit pa ang kapalit nito’y mga alaala na naging parte sila ng buhay at pagkatao ko. Ininom ko ito saka ibinigay sa kanya. Inabot naman nya at tumayo ulit.

“Ikaw ang magiging kaayusan ng lahat. Ikaw ang magiging bagong panimula. Tandaan mo ‘to Prinsesa ng fairy land. Kahit mawala ang alaala nilang lahat. Kahit mawala ang alaala mo. P’wede kayong gumawa ng panibago. You can start your memories together with your love ones.” Nakaramdam ako ng pagkahilo.

Ano naman ang ipinainom nya sa ‘kin at nahihilo ako ng ganito. Unti-unti akong napapikit at ang huli kong nakita ay ang maganda nitong mukha na nakangiti sa ‘kin.

-

“Wala naman masama kung gigising natin sya ‘di ba?” Napamulat ako ng mata at unang tumambad sa ‘kin ang puting kisame.

“Blue! Thanks to God your awake!” Yakap na sabi sa ‘kin ni Violet.

Napangiti na lang ako. Humiwalay ng pagkakayakap sa ‘kin si Violet at nakita ko sa likuran nya si Sunshine. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ulit ang kinang ng kanyang mga mata. Ang sikat ng araw sa labas at ang mga halaman na hitik at malulusog. Ngumiti ito sa ‘kin saka ako niyakap ng sobrang higpit na ani mo’y hindi na kami magkikita pa. Fortunately, I successfully transferred the light energy back into her life once again. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala isa sa mga kaibigan ko.

“Thank you for saving my life Blue.” Naiiyak nyang bulong sa ‘kin.

“You’re welcome,” sabi ko at humiwalay sya ng yakap saka pinunasan ang luha nya.

“Simula ng araw na mawalan ka ng malay hindi ko alam kung anong gagawin ko. Lalo na si Zaico. Alam mo bang halos mataranta kami sa ginawa mo kaya ‘wag mo na ulit uulitin ‘yon ah! Mas kailangan ka namin,” naiiyak naman na sabi ni Greeny.

“My fairy Sunshine~ My only Sunshine~” Biglang umiba ang aura ni Sunshine dahil sa boses na narinig nya.

Kung hindi ako nagkakamali ay mula ito sa makulit na si Patrick. Natawa na lang kami dahil sa nangyare. Hindi ko alam kung anong naging tama ni Patrick kay Sunshine pero, boto ako sa kanya kung maging sila. Napatingin kami pare-pareho sa pinto at iniluwa nito ang mga itlog. Nanlaki pa ang mata ni Zaico ng makita akong maayos na. Bigla nyang binitawan ang hawak nya ng makalapit sa ‘kin. Ang lakas ng kabog ng puso ko at kahit na anong oras ay p’wede itong lumabas sa katawan ko.

Ramdam ko ang pagka-miss ni Zaico sa ‘kin. Ramdam ko ang pag-aalala nya. Ngayon ko mas naramdaman kung gaano sya nag-aalala. Ngayon ko nararamdaman ang unti-unti kong pagkakahulog sa kanya. Pakiramdam ko may dati kaming nararamdaman sa isa’t-isa at ngayon ay p’wede na itong i-continue. Pilingera talaga ako ‘no? Pero malakas ng kutob ko. Humiwalay na sya ng pagkakaap sa akin at saka ito tumingin sa mga mata ko.

“Kamusta pakiramdam mo? Ayos na ba? May masakit pa ba sa ‘yo?” sunod-sunod na tanong nya sa ‘kin.

Hindi ako kapagsalita pero tanging iling na lang ang nagawa ko. Para kasing ang sarap titigan ni Zaico ngayon. Oo alam kong g’wapo sya pero mas lalo ata syang naging g’wapo ngayon at luminaw ang mga gray nyang mata.

“Buti naman kung gano’n,” tila nakahinga sya ng maluwag.

Matapos ng ilang araw ay nakalabas na rin ako ng bahay. Sa wakas! Makakalaya na aking katawan sa higaan na ‘yon. Sakit ng likod ko dahil sa nakahiga lang ako buong maghapon. Hanggang sa naging mas better na ako. Eto ako ngayon sa may bakuran balik sa pagdidilig ng halaman. Nakaisip ako ng idea upang mas lalo silang maging malusog. Inilahad ko ang palad ko sa mga bulaklak saka gumapang ang mga makukulay kong kapangyarihan sa buong paligid. Biglang naging mas makulay sila ngayon at lalong lumago. Dumami pa ang mga bumalaklak at nakakagaang ng pakiramdam. Pero napahinto ako ng may lalaking yumakap mula sa aking likuran at sabay patong ng kanyang ulo sa may balikat ko. Naramdaman ko ng hininga nya mula sa likod ng tenga ko. Pun’yeta ano ‘to? Bigla kasi akong nakaramdam ng kung ano sa p’wetan ko na nakaubok mula sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko ng marandaman ko iyon. Pero mas nagulat ako sa sinabi ni Zaico sa ‘kin.

“Nabuhayan din si little Zaico dahil sa ka-sexy-han mo.” Biglang nanayo ang balahibo ko.

Napatingin ako sa suot ko at ngayon ko lang napagtanto. Nakasoot nga pala ako ng sando at naka-short na maiksi. Kaya naman kitang-kita ang makinis at maputi kong balat. Pun’yeta ka Zaico! Agad na umalis ako sa pagkakayakap nya sa akin.

“Ang manyak mo!”

“Kasalanan ko bang ganyan suot mo?” Nakangisi nyang sabi.

Tinakpan ko kunwari ang katawan ko saka sinamaan sya ng tingin. “B’wisit ka Zaico! Lubayan mo ‘ko!” Agad na pumasok ako sa loob ng bahay para magpalit.

BLUE FAIRY PRINCESS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon