CHAPTER 4

429 22 0
                                    

ZAICO’S POV

I don’t know kung anong nangyare sa kanya sa loob ng cr pero naabutan namin sya ni Sunshine na walang malay. Hindi ko alam kung pa’no nalaman ni Sunshine na nasa panganib si Blue kanina pero hindi na ako nagtanong pa. I can find it out in my own eyes and way. Tinawagan ko si Patrick para malaman nyang nasa clinic ako at hindi muna kami magpa-practice. Ewan ko nga ba kung bakit ko pa hinanap itong babae’ng ‘to samantalang wala naman ata syang naaalala about sa ‘kin. Hindi parin nagbago ang mukha nya, mata nya at pustura ng katawan nya. I don’t want to lose this girl again.

“Tama na kakatitig sa kaibigan ko. Baka matunaw, e.” Napabaling ako ng tingin kay Sunshine. “Hindi talaga sila patas lumaban,” ani nito at halata ang inis sa mukha nya.

“Bakit may nambu-bully ba sa kanya dito sa campus?” takang tanong ko.

“No, it’s not that.”

“Then what?” tanong ko.

Pero hindi pa ito nakakapagsalita ng biglang bumukas ang pinto ng malakas at tumalsik si Sunshine. Nauntog pa ang ulo nya at biglang nawalan ng malay. Agad naman akong tumayo at tinawag ang nurse.

“Gago ka pre! Katok muna bago pasok!” sabi ko at saka tinignan si Sunshine.

“Shit! Sorry hindi ko alam,” sagot nito at binuhat ko si Sunshine na walang malay saka nilagay sa may katabing bed ni Blue. “Hindi ko alam na may babae pala sa likod ng pinto.”

“Hindi ka kasi marunong kumatok! Pasok ka ng pasok!”

“Ano ba pun’yeta ang iingay!” Natahimik ako ng magising na si Blue pero nakapikit ang mga mata.

Nang naramdaman nyang tahimik na ay humiga sya ulit saka tumagilid sa may gawi ni Sunshine. Minulat nya ang mata nya at biglang nanlaki ang blue nyang mata ng makita si Sunshine.

“Oh, shit! What happened to Sunshine? Who the fucking do this to her?” Nagpapanik na tanong nya.

Akmang aalis naman si Patrick para takasan sya pero agad sya nitong nilingon. Napalunok ako sa nakikita kong Blue ngayon. Bigla nyang tinuro si Patrick.

“Ikaw!” sabi nito.

“Waaaa! Hindi ko sinasadya---”

Hindi na nya pinatapos si Patrick sa sasabihin nito ng biglang bumanda ang kamao nya sa mukha ni Patrick at sa isang iglap ay nawalan ito ng malay. Agad naman akong tumayo upang ilagay si Patrick sa katabing bed ni Sunshine. Shit, ang lakas no’n! Tumingin ako kay Blue na nakatingin kay Sunshine.

“Sunshine ayos ka lang ba?” tanong nito.

Buti na lang at nagising na si Sunshine. Nang magising si Sunshine napahawak sya sa ulo nya dahil ata sa sakit na dulot ng nangyare kanina. Buti nga at hindi dumugo ang ulo nya kanina, e. Pero nakaisip ako ng kalokohan sa isip ko kaya naman tumayo ako at niyakap mula sa likod si Blue.

“Buti na lang at ayos ka lang baby ko,” sabi ko.

“Baby mo mukha mo! Let go of me you idiot!” inis na inalis nya ang kamay ko.

“Baby naman ako nagdala sa ‘yo dito sa clinic. Ganyan ka ba sa husband mo?” sabi ko at saka ako nag-puppy eyes sa kanya.

Pero putcha! Walang epekto sa kanya. Hinila nya si Sunshine palabas pero sinundan ko lang sila. Hindi ko alam pero gusto ko talaga inaasar si Blue. Basta! Gusto ko nakikita 'yong naiinis nya mukha at ang asul nyang mga mata. Nakarating kami sa may labas ng campus ng bigla silang huminto na tila pinapakiramdaman ang kapaligiran.

“Nandito sya,” sabi ni Blue.

Napakunot ako ng noo. “Nandito lang naman talaga ako, Baby,” pagbibiro ko pa.

Pero hindi nya ako pinansin at patuloy na pinakiramdaman ang paligid. Ano ba ang nandito? Biglang nanlaki ang mata ko ng umilaw ang kamay ni Blue. Singkulay din ng pangalan nya. Si Sunshine naman ay gano’n din pero kulay dilaw. Hindi ko maintindihan ang nangyayare. Sino ba talaga sila? Matagal na din akong nahihiwagaan dito kay Blue since makita ko sya nang araw na ‘yon parang may kung ano na, e.

Pero mas lalo akong napanganga ng may nakita akong parang usok na lumulipad sa paligid. Ano ‘to? Hindi ko alam kung saan ako pupunta o magtatago. Pero nakita kong binabato nila ito ng kapangyarihan. Napayuko nalang ako dahil biglang lumapit sa akin ang isa nito. Napamura pa ako kasi biglang tinapat ni Blue ‘yong kamay nya sa ‘kin at sinabi na ‘YUKO’. Bigla akong natakot sa kanya pero hindi ko alam kung bakit hindi na lang ako umalis dito at umuwi. Lumapit sa ‘kin si Blue.

“Kailangan na natin makaalis dito,” sabi nya sa ‘kin.

Hindi ko alam pero nagpahila na lang ako kay Blue. Ramdam ko ang kabog ng puso ko at parang kinikilig ata ako. Pakiramdam ko nga maiihi ako sa pants ko, e. Habang tumatakbo ay biglang may kung anong bilog ang lumitaw sa kawalan at pinasok namin. Napapikit ako at pagdilat ko ay nasa bahay na nila kami. Nanatili pa rin ang kamay ni Blue sa kamay ko. Pero napatigil muna ako sa pag-iilusyon ko dahil sa mga nangyare ngayon.

“Teka nga… a-ano ‘yong nangyare kanina? You have a powers? Light magics? Am I in a fantasy world? I-I was so amaze. Pero ano ‘yong mga ‘yon? Sino ba talaga kayo?” sunod-sunod na tanong ko.

“Blue ano ‘yon? Sino sila?” takang tanong ni Sunshine kay Blue.

“I don’t know. Bago lang sila sa ‘kin pero ang napansin ko ay parang hindi tayo ang kailangan nila,” saad nito at biglang tumingin sa ‘kin si Blue at napalunok ako.

“Bakit ka ganyan makatingin kay, Zaico?”

“Alam ko ang kapangyarihan na galing kay Tiya Amanda at kay Ero. Pero ibang-iba ang kapangyarihan na nadama ko kanina. That’s not just a power like we have. Kasi ‘yong sa ‘tin ay nanggagaling lang sa mga halaman at bulaklak. Pero ‘yong kanina… parang galing sa isang mundo na may iba’t-ibang uri ng kapangyarihan,” paliwanag ni Blue pero naguguluhan.

“Mga Elementalist.” Napalingon kami dahil sa babaeng green ang mga mata.

“Greeny, anong ibig mong sabihin?” takang tanong ni Pinky I think?

Kasi naka pink sya, e. “Hindi nyo ba naaalala ang sinabi ng ating mga guro? Tayo ay isang hamak na fairy lamang. P’wedeng makatupad ng hiling at p’wedeng makapanakit at sumumpa ng mga tao. Pero may mas’ hihigit sa kapangyarihan na ‘yon dahil mababang uri lamang tayo. Ang mga Elementalist ay likas na malalakas at makapangyarihan. Maaaring sila ang makatulong sa ‘tin upang matalo ang tiya Amanda mo Princess Blue,” explain nya.

Napahawak ako sa sintido ko at parang ayaw nito mag-function dahil sa nangyare ngayong araw. Hindi ko tuloy alam kung nananaginip lang ba ako o talagang may mga taong gaya nila sa mundong ‘to. Hindi ko na alam.

BLUE FAIRY PRINCESS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon