CHAPTER 18

143 6 0
                                    

BLUE’S POV

napahawak ako sa may upuan at halos humiga na ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Nakaramdam ako ng unti-unting pagkahilo at pagkabigat ng talukap ng aking mata. Hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng dilim.

************

“Gising magandang binibini,” narinig ko ang isang pamilyar na boses.

Iminulat ko ang aking mata at laking gulat ko na nasa isa kong silid na puro bulaklak. Napatingin ako sa gawing kaliwa at nakita ko ang babaeng maganda at kakaiba ang kanyang pananamit.

“Sino ka?” tanong ko sa kanya.

Lumapit sya sa akin saka hinaplos ang aking buhok. Bigla itong nagbago na parang isang magic. Naging asul ang kulay itim kong buhok at marahan n’yang hinaplos ang aking mukha.

“Ikaw ngayon ay kinakailangan ng bumalik. Kinakailangan na ng fairy land ang isang mamamahala na s’yang magiging bagong reyna.” Nakangiti nyang sabi sa akin.

Ngunit ako’y naguguluhan sa kanyang tinuran. Bagaman hindi na ako magtataka kung sakali ngang totoo ang sinasabi nya. “Ako’y isang hamak na tao lang. Paano ako magiging reyna gayong hindi ko alam ang mundong iyong sinasabi?” Ngumiti sa akin at may kung anong ikinumpas sa hangin.

Lumabas doon ang iilang imahe na nakikita ko sa aking isipan at doon ay asul ang aking mga mata at buhok. May apat akong kasama na wari ko’y mga kaibigan.

“Ikaw ay isang prinsesa na nangarap magkaroon ng kapayapaan sa mundo ng fairy land. Ang apat na babae d’yan sa imahe ay iyong mga kaibigan. Greeny, Pinky, Sunshine at si Violet.” Nanatili akong nakatingin sa ipinapakita nya.

“Sino naman ang lalaking iyan?” Sabay turo sa lalaking sing g’wapo ng aktor sa isang pelikula.

“Iyan ang lalaking nagligtas sa boong fairy land. Katuwang ng iilan mo pang mga kaibigan. Sya ngayon ay naghihintay sa pagbabalik ng kanyang minamahal. Ang babaeng unang nakapagpatibok ng kanyang puso.” Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Tila ba nasasabik ito sa taong nasa harapan ko ngayon. Nakatitig ako dito at inaalala kung saan ko nga ba sya nakita. “I will wait until you come back again, my fairy princess. Maybe on that day, you will love me like you loved Zack before. Sana kapag dumating ang araw na ‘yon ay maalala ako ng puso mo,” ang huli nyang sinabi ay tila ume-eco sa aking tainga.

“Zack?”

“Sya ang lalaking iyong unang minahan noon. Pero ang lalaking ‘yan ang mas mahal mo ngayon.” Tumayo sya kasabay ng pagkawala ng imahe sa aking harapan.

Kumumpas sya kasabay no’n ang pagsakit ng aking ulo at paglitaw ng mga alaala sa aking isipan. Ramdam ko na naman ang bigat ng aking pakiramdam.

************

Pagkagising ko ay nasa bahay na ako at nasa k’warto. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit lumilitaw ang mga alaala na ‘yon sa memorya ko. Agad na bumangon ako at tumakbo papalabas. Nakita ko si Zack at agad ko syang niyakap ng mahigpit. Hindi na nga tulad ng dati ang pagmamahal ko sa kanya. Isang kaibigan na lang ang tinuring ko sa kanya at ang huling kita ko sa kanya ay noong laban.

“I missed you!” he said.

“I thought your memo—”

“Quantum told me already before you wake up.” Napa-pout ako at saka sya pinalo ng pabebe.
“I want to see them.”

“Well, ikaw nalang ng kulang.”

“Alam ba nila?”

“Yeap. Dumalaw si Quantum bago ka pa magising,” sabi nito.

Inunahan ako ni Quantum? Agad na hinila ko sya pababa ng mansion at agad na pumunta sa pinakamalaking sala namin. Doon ay kumpleto silang nakaupo kasa ang parents ko at nakita ko ang ngiti sa mga labi ng mga kaibigan ko. Tumakbo ako papalapit sa kanila at niyakap ng mahigpit. Doon ko ibinuhos ang aking sobrang pagkasabik sa kanila.

“We’ve missed you Blue!” Greeny said.

“Bakit nyo tinago,” naiiyak na sabi ko.

“Well, it’s all planed by someone. Mas miss ka nya kaysa sa amin. Kaya go! Landiin mo na!” bugaw sa akin ni Sunshine sabay tulak kay Zaico.

Pagkatulak nya sa akin ay agad na tumayo si Zaico upang saluhin ako. Ang mga mata nya, labi nya ang buong pagkatao nya at ang pagiging pervert at manyak nya. Miss na miss ko. Tumibok ng mabilis ang puso ko na para akong nakikipaghabulan sa isang aso. Niyakap ko sya ng mahigpit at gano’n din sya sa akin.

“Akin ka na walang bawian.” Nakangiti nyang sabi.

Tumango ako bilang sagot at hinawakan nya ang aking pisngi. Sinungaban nya ako ng matamis n’yang halik at naramdaman ko ang kilig nila Pinky. Matapos ‘yon ay lumapit ako kay Ate. “I think, we need to cut this fucking drama? Hindi bagay sa isang prinsesa ang umiiyak. Be brave little girl.” Sabay tap ng ulo ko.

“Ate! I’m not little girl! I’m now a lady!” Naka-pout kong sabi.

Nagkaroon ng isang kasiyahan sa mansion at doon ikinuwento nila ang totoong dahilan. Binura ang alaala ng bawat isa sa amin para daw sa bagong simula at babalik pagtapos ng ilang taong pangungulila ng isa’t-isa. Bumalik na kaming lahat sa fairy land bukod kila mommy at ate na kailangan munang mag stay for business.

Si Sunshine ay masyang-masaya sa kanyang boyfriend ngayon. Gues who? Well, walang bago dahil wala namang ibang kakanta ng ‘my fairy sunshine, my only sunshine~’ kung ‘di ang makulit din na kaibigan ni Zaico na si Patrick. Nagkasiyahan ang lahat sa muling pagbangon ng fairy land at pagbabalik namin. Agad na nagplano na rin kami ng kasal ni Zaico upang maging ganap na Reyna at Hari ng fairy land.

Matapos ang ilang b’wan may naging maayos naman ang lahat at bukod sa pang-aasar na naman sa akin ni Zaico well, malapit na ang b’wan upang kami ay mag-isang dibdib. Ngayon palang naiisip ko kung anong magiging anak namin. Hangga’t maayos ang fairy land sa mundo kami ng mga tao mamumuhay. Dadalaw na lang kami kapag summer time.

“Why are you always sexy my princess?” Napaurong ako ng biglang nagsalita si Zaico sa tenga ko.

Pero mali atang urong ang ginawa ko kasi may naramdaman akong kakaiba sa aking likuran at nakayakap pa sya ngayon sa aking bewang. “Stop seducing me my love,” he pouted said.

Nakasoot kasi ako ngayon ng short na maiksi and naka sando lang ako na damit. Nakalimutan ko nga pala na medyo manyak itong lalaking ‘to. “Stop it Zaico!” inis na sabi ko.

“E, paano kung ayaw ko,” mapang akit na sabi nya.

Agad na iniharap ako ni Zaico sa kanya at nabigla ako dahil ramdam na ramdam ko ang presensya ng kanyang little Zaico. Tinulak ko sya ng malakas at agad na nagteleport papunta sa k'warto ni Violet. Nagulat pa nga sya kasi matutulog na sana sya ng sumulpot ko. Agad na niyakap ko sya at hindi na rin naman sya nagsalita. She hug me back and we sleep together.


BLUE FAIRY PRINCESS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon