ZAICO’S POV
“Zack.” Gulat na banggit ni Greeny.
“Hindi nyo ako inimbitahan na may pagpupulong pala kayo?” Nguniwi sya saka lumapit sa ‘min. “Kung magiging kami ni Blue, maaring lahat ng naninirahan sa mundo nyo ay mawala. Pinakita sa akin ni Quantum ang pagwawala ni Blue. Namatay ako sa tagpong ‘yon at nakita ko ang galit mula sa kanyang mga mata. Pati kayo ay namatay. Ang kanyang ina at lahat ng nasasakupan nya. Tanging naging kakampi nya ay ang kanyang sarili. Nasira ang lahat hanggang sa magpakamatay sya,” bakas sa kanyang mukha ang dismaya at lungkot.
“Hindi ka p’wede makita ni Blue,” walang emosyong sabi ni Sunshine at tumayo.
“Bakit?” tanong ko.
“Hindi p’wedeng magkita kayo dahil baka bumalik ang alaala nya. Kapag nangyare ‘yon pusibleng maging mas komplekado ang lahat. Sa ngayon kailangan nyo muna ilihim ito. Hanggang sa sya na mismo ang tumuklas ng lahat.” Biglang nawala si Sunshine at naiwan kaming tahimik dito.
Hindi ko maintindihan. Bakit hindi na lang p’wedeng ipaalam agad kay Blue ang lahat? Paano magiging komplikado ‘yon? Para wala naman ‘yon pinagkaiba? Walang umimik ‘ni isa. Hindi ko din kasi alam ang gagawin ko. Tama din ba na ilihim talaga ang lahat at hayaan sya ang tumuklas nito? Pero may punto naman ang sinabi ni Sunshine kanina. Kung tutuosin ay dapat nga kaming mangamba. Paano kung magkita si Blue at Zack? May kumirot sa puso ko at tila pinipiga ito. Naisipan kong umalis at gusto kong makita si Blue.
Agad na nag-teleport ako sa room nya, and I saw her angelic face. Napangiti ako dahil ang liwanag ng b’wan ay sa mukha nya nakatapat at kitang-kita ang ganda nito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling maalala nya si Zack. Paano kung bumalik ang pagmamahal nya kay Zack? Paano ako? Hinimas ko ang pisngi nya, her chubby cheeks make me smile and make her more beautiful.
“I will do my best to protect you, kahit pa kapalit nito’y buhay ko,” sabi ko at saka ko sya hinalikan sa noo at umalis na ako.
-
kinabukasan ay naghanda sila Greeny para pumunta ng fairy land at naiwan akong mag-isa kasi gusto ko lang. I need to talk to Zack about Blue. Hindi ko pa rin kasi lubos maisip bakit si Blue pa ang nagustuhan naming pareho, hindi ba p’wedeng kanya na lang si Greeny? O kahit sino sa mga kaibigan nya basta sa akin si Blue. Isa pang iniisip ko ngayon ay paanong naging sila ni Blue? I was her friend when she was in her first year of high school and she didn’t remember me. Even my face and name. Siguro ay dahil sa alaalang nawala sa kanya no’ng mga panahon na ‘yon. Kasama no’n nawala ang alaala naming dalawa. Pero kung ako ang magiging kasiraan ano si Zack? Hindi ko na maintindihan. Pareho kaming dalawa ang magiging kasiraan sa paanong dahilan at bakit?
“Bro,” tawag ko kay Zack.Nakaupo sa may veranda nila and he saw me kaya naman bumaba sya using his power. I don’t know kung anong kapangyarihan ang mero’n sya, maybe tita is one of the goddess before, I don’t think so.
“Napadalaw ka ata?” takang tanong nya.
“I just want to talk to you.”
“About Blue?” Tumango ako bilang sagot.
Ngumiti sya sa akin saka sya sumandal sa may pader. Huminga muna sya ng malalim bago nya inumpisahan ang k’wento.
“She’s so special to me… she’s my everything that I don’t want to lose. Pero nasira ang lahat ng ipakita ni Quantum ang hinaharap. Sa pagitan mo at ng akin ay magkaiba. Pareho nya tayong nakilala pero iisa ang magiging kahihinatnan ng lahat. Zaico, you are now her present. Pero ikaw pa rin ang magiging dahilan ng kasiraan ng fairy land,” sabi nito at bigla ay napaisip ako.
Iyong sinabi ng matandang babae sa mundo nila. May kaugnayan pala sa nangyayare ngayon. Pero sa paanong pangyayare ‘yon magaganap? “Alam ko. Sinabi ng matandang babae sa akin noong unang punta ko sa mundo nila pero ang hindi ko maintindihan bakit pati ako ay nawala sa alaala ni Blue dati?”
“Like what I said. Ikaw ang magiging dahilan ng kasiraan. Dahil sa puntong ‘yon mamamatay si Blue… inialay nya ang buhay nya just to save her own land, pero ang nangyareng ‘yon ay hindi inaasahan. Kaya din nawala ka sa alaala nya.”
Ngayon ay malinaw na ang lahat. “I will do everything just to save her life.”
“Hindi mo p’wedeng iligtas si Blue, pre.” Bigla akong napangtingin sa kanya.
“Anong ibig mong sabihin?” nag-aalalang tanong ko.
“She is more powerful than you. Don’t estimate her power cause she’s a princess. You don’t know what her true powers behind her beautiful face. ‘Cause once it out, hindi lang mundo nila ang masisira. Buong mundo, Zaico.” Bigla ay nawala sya ng parang bula.
Naiwan akong tulala at hindi makapaniwala. Hindi lang sya prinsesa, hindi lang sya bastang babae. Kaya nyang sumira ng isang planeta. Hindi ko namalayan na gabi na at habang naglakakad ako pauwi ay naramdaman kong may nakasunod sa akin. Hindi ko alam kung sino pero base sa aura nya ay hindi sya basta-basta. Huminto muna ako at saka pinakiramdaman ang buong paligid. Mukhang hindi ito ang unang beses nya dito sa mundo. Hindi ko lang alam pero parang nakasalamuha ko na din sya sa kung saan.
Humarap ako at nakita ko ang lalaking nakahood na gray at mukhang matipuno. Nakaharap sya sa akin at walang ginagawang ano mang kilos pero batid kong hindi rin naman sya masama o baka hinala ko lang ‘yon.
“Sino ka? Bakit mo ako sinusundan?” tanong ko habang inaaninag ang kanyang mukha na natatakpan ng hood.
Pero inalis nya rin iyon at ipinakita ang mukha nya sa akin. Kulay brown na buhok at mata. “I’m Tyrone, Blue’s cousin.” Ngumiti ito sa akin.
Hindi ko alam na may pinsan si Blue dito. Ang alam ko lang ay sya at ang mga kaibigan nya. Wala naman nababanggit sa akin na mayroon isang gaya nya. Engot, sino ba naman ang magsasabi ukol sa nilalang na ‘to? Umayos ako saka ulit nasalita“So, why are you following me?” takang tanong ko.
“I just want to know if Blue is with you,” malumanay nitong sabi.
Lumapit ito sa akin saka nya inilahad ang kamay nya. Tinignan ko ito at nag-isip kung tatanggapin ko ba o hindi. But, suddenly Pinky appeared in front of me. “Zaico, God thanks that I saw you!” Nagpapanic nitong sabi.
“Pinky?” Napalingon sya sa tumawag sa kanya.
Agad na nagbago ang expresyon ng mukha nya. “Ty! What are you doing here? Dapat nasa fairy land ka.”
“Something wrong happened. I want to see, Blue.”
“Ayy, oo nga.” Humarap ulit sa akin si Pinky. “I need an assistance from you, Zaico. Kung iyong mamarapatin?” Tumango ako bilang sagot.
Sumama sa amin si Tyrone papunta sa bahay nila. Nakarating kami sa bahay at nakita kong parang may kung anong ginagawa si Blue. May planggana ng tubig sa harap nya at mukhang hinintay nya kami. Pero mas itinuon nya ang tingin sa lalaking kasama namin at nakakunot ang noo.
BINABASA MO ANG
BLUE FAIRY PRINCESS [COMPLETED]
FantasyDo you believe in fairies? Just like in a fantasy world. Because me? I believe on that. I've been in love with that fairy. I don't know how, I don't know where and I don't know why. How can I protect her by the evil monster, if I don't have a power...