CHAPTER 11

328 14 0
                                    

ZAICO’S POV

Natawa na lang ako dahil sa itsura ni Blue habang papasok sa loob ng bahay para magpalit. Hindi ko intensyon na maging gano’n. Sad’yang malaki lang siguro ‘tong little Zaico ko. Fuck this dick. Tumingin ako sa gawi nila Violet, Greeny, Sunshine at Pinky. Mukhang masaya silang nagkukuwentuhan. Nakaisip naman ako ng kalokohan kaya naman, gumawa ako ng ulap na may ulan sa kinapu-puwestuhan nila. Agad na napatayo sila at napatili. Ako naman ay tawa ng tawa sa kalokohang ginawa ko saka ako nag-teleport kung nasaan si Blue pero pun’yetang timing ang nakita ko dahil wala s’yang suot at nanlaki ang mga mata nya. Her body is so damn hot. Ramdam ko ang pamumula ko at halata ang pamumula ni Blue.

“KYAAAAA! PUN’YETA KA, ZAICO!” sigaw nya sa ‘kin.

Agad naman na nilagyan ko sya ng tuwalya sa katawan upang takpan ito. Hindi ko akalain na ganito ang bubungad sa ‘kin. Ang sama ng tingin nya sa ‘kin at itinapat nya sa akin ang palad nya at babatuhin ako ng kapangyarihan. Bago pa man nya magawa ‘yon ay agad na nag-teleport ako sa likuran nya saka ako nag-kiss sa pisngi nya at umalis na. Hindi ko talaga alam kung bakit mahal ko ang babaeng ‘to in the first place, e. Bakit nga ba? Kahit alam kong hindi ako ang mahal nya no’ng una.

Nakita ko sya noon na umiiyak, it is because of one reason. Iyong akala nyang taong tatanggap sa pagkatao nya ay s’yang magiging dahilan para mawala sya sa mundong ‘to. Hindi ko alam kung sino ang taong ‘yon pero sa oras na makita ko sya. Sisiguraduhin kong ipapamukha ko sa kanya kung sino ang babaeng sinayang nya. Umuwi muna ako sa bahay namin dahil baka hinahanap na ako ni Mommy and thanks to God, hindi naman. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko at nakita ko sa creen ang pangalan ng pinsan ko. I answer it up, saka nilagay ito sa tenga ko.

“Zup, bro!” agad na bungad ko.

“Yo, Bro, I thought you we’re busy,” sabi nito.

“Nope, what’s the matter?” tanong ko.

“Tara, bar,” anyaya nito at napangisi na lang ako.

“Wala kang pinagbago. Sige sandali lang at magbibihis lang ako,” sabi ko at binaba ko na ang phone saka nagbihis at pumunta sa garahe.

Kinuha ko ang susi ko saka pinaandar ang sasak’yan ko. Ngayon na lang ulit nakapag-aya si Zack. Nang makarating ng bar ay nadatnan ko syang nag-iisa. Agad na nilapitan ko sya saka sya nginitian.

“Broken?” Natatawang tanong ko saka um-order ng drinks.

“As always. Pakiramdam ko nga pasan ko na buong mundo,” sabi naman nito.

Simula ng hiwalayan nya ‘yong first love nya hindi ko na nakita ‘yong dating saya ni Zack. I only knew about his girl that she’s the perfect girl that Zack’s only needed. I never saw his girlfriend for some reason. Ayaw ni Zack ipakita at ipakilala, but he’s always look happy while talking about this girl. Pero ngayon wala na. Puro babae na lang inaatupag nya. Hindi ko talaga alam kung bakit sila naghiwalay kasi hindi naman nya sinabi. Pero isa lang ang alam kong naging dahilan. Lalo na no’ng mga panahon na ‘yon ay sobrang down sya ‘I want to protect her’. Iyan lang ang sinabi nya sa ‘kin no’n. Hindi ko alam kung para saan ‘yong sinasabi nyang ‘yon. Para saan ba?

Sinamahan ko na lang syang uminom. Mamaya hahatid ko na lang sya sa bahay nila para makapagpahinga naman sya. Matapos ang ilang minuto ay nagsalita sya.

“You know what. I can use my powers to erase this all of fucking mess that I had.” Napatigil ako sa pag-inom at tumingin kay Zack.

Bigla akong napaisip sa sinabi nya. Imposibleng may kapangyarihan din si Zack? He never mention it before. Tumingin ako sa kanya. Biglang lumiwanag ang kamay nya na syang ikinakaba ko kaya agad kong hinawakan ‘yon. Tinayo ko sya at inalalayan para makauwi na sya. Tang’na may kapangyarihan nga  si Zack literally. Nang makalabas ng bar ay nagulat ako sa sunod na nangyare. Nasa bahay na nila kami. Hindi ko muna inintindi ang nangyare kanina at saka sya inihiga sa sofa. Ngayon ko lang ata nakitang ganito ulit si Zack. Tinignan ko sya, he’s so hopeless.

“Patawad… B-Blue.” Nanlaki ang mata ko ng banggitin nya ang pangalan ni Blue.

Lumapit ako sa kanya. H’wag nyang sabihin na ang tinutukoy nyang babae no’n ay si Blue? Shit! Blue is my first love and I’m damnly in love with that fairy. How could that my cousin and Blue are in a relationship before? Pero agad na nanumbalik sa akin ang panahon na halos down na down si Blue. Tumingin ako kay Zack at nakikita kong pinagsisihan na nya ng matagal na panahon ang lahat. Pakiramdam ko ay kailangan nilang magkita dahil may kailangang ipaliwanag si Zack sa kanya. Iniwan ko muna sya at pupuntahan ko si Violet o Sunshine o kaya naman si Pinky at Greeny. Alam ko na mero’n silang alam kung bakit nawala ang alaala ni Blue no’n.

Nag-teleport ako sa harap ng apat na maliliwanag na diwata. Tumingin sila sa ‘kin na may kunot ang noo sa kanilang expresyon. Buti na lang at wala si Blue dito. Seryoso akong tumingin sa kanilang apat.

“Kilala nyo ba ang dating karelasyon ni Blue?” tanong ko at hindi nagbago ang expresyon nila.

“Bakit mo tinatanong?” Kunot noo na tanong ni Sunshine.

“I know there’s something behind her memory. Am I right?”

“H’wag tayo dito mag-usap.” Napatingin kami kay Greeny.

Agad na ikinumpas nya ang kanyang kamay saka kami bapunta sa isang madilim na lugar. Pero may katabing ilog ito. “May alam ka ba sa nangyare, Greeny?” nagtatakang tanong ni Sunshine sa kanya.

Pati sila Violet at Pinky ay naguguluhan din. “Hindi ko alam kung pa’no sasabihin pero since na open mo ang tungkol sa ex ni Blue. Tingin ko ay ito na ang tamang pagkakataon na sabihin ko ito sa inyo. Si Blue at Zack ay dating magkarelasyon pero kailangan nilang maghiwalay dahil sa isang goddess. Sinabi nya ang lahat na pusibleng mangyare kung matutuloy ang relasyon nilang dalawa,” paliwanag nya.

“Sino ang goddess na ito?” tanong ni Pinky.

“Si goddess Quantum. Isa sya sa nakakita ng future. Sinabi nya lahat kay Zack, kaya si Zack na mismo ang gumawa ng paraan para sumpain at magalit sa kanya si Blue. He made a decision himself even though it’s dangerous. Kinunt’saba nya lahat ng ibang fairies para magkunwaring mga tao at kunwari ay sinabi nito ang sikreto na mero’n si Blue. Hanggang sa umuwi si Blue sa fiary land at tinanggal ng isang matandang babae ang alaala nito na magkakilala sila ni Zack. Iyon lang ang alam kong dahilan ng lahat,” sabi nito at umupo si Greeny.

Lahat kami ay hindi alam kung anong dapat isipin. Ang kaligtasan ba nya o dapat naming sabihin ang totoong nangyare. “Pero anong mangyayare kung sakaling maging sila?” tanong ni Violet.

“Katapusan na ng lahat.” Napalingon kami sa nagsalita.

Nagulat kami ng lumabas ito mula sa dilim at nakita namin ang mukha nya. Kanina pa ba sya nand’yan?

BLUE FAIRY PRINCESS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon