CHAPTER 8

355 13 1
                                    

SUNSHINE’S POV

Ilang araw ang lumipas at buti nagising na si Blue at tumalab ang gamot na pinainom namin sa kanya. Mabisang lunas ang petals ng mga rosas dahil may kakaiba itong taglay na tapang na p’wedeng tumalo sa lason. Buti na lang at naagapan namin sya agad. Nandito kami ngayon sa fairy land upang magsanay sa magaganap na laban sa susunod na b’wan. Buti na lang at hindi sumabay si Ero nang dumating ang tiyahin ni princess Blue. Pero nakapagtataka naman dahil gagawin nyang chance ‘yon para makuha si Blue. Parang may hindi tama sa nangyayare.

Napaupo ako sa isang sulok at napaisip. Bakit kailangan mawala ang alaala ni Blue no’ng una silang magkakilala? Habang nag-iisip ako ay biglang sumulpot sa harapan ko si Violet at Greeny.

“Mukhang malalim iniisip mo ah?” Lumapit sa ‘kin si Violet.

“Alam mo sis, you need to take a rest muna. Parang kang may sampung anak,” komento naman si Greeny.

Sinamaan ko sya ng tingin pero tumawa ito saka nag-peace sign. Napailing na lang ako. Simula ng matuklasan ni Zaico ang powers nya, and he’s the son of god, hindi ko alam kung sya nga ba ang makakatulong sa ‘min. Pero bukod sa sya ang magiging kasiraan at magiging dahilan para mawala ang lahat ng nilalang sa Fairy Land. Si Blue naman ang magiging kaayusan at sya ang magbabalik ng lahat. Pero, paano? Paano mangyayare ang mga sinasabi nila? Biglang nawala ang dalawang bruha dahil dumating ang lalaking halos sumpain ko na ‘wag lang makita pero nandito pa rin sya at talagang hindi nya ako tatantanan.

“My Sunshine, my only Sunshine~” kanta nya habang papunta sa k’wartong kinalalagyan ko.

Ramdam ko ang bawat hakbang ni Patrick papalapit. Si Patrick ay matalik na kaibigan ni Zaico slash taga bantay nya. Why? Cause the day Zaico find out that he is the prince, lumabas na ang katotohanan mula sa bibig ng kupal na hinayupak at walang k’wentang Patrick na ‘to.

-Flash back-

Habang nakahiga si Blue ay hindi namin alam kung anong gagawin, biglang may nag-show up na mukha ng isang matandang lalaki sa salamin at napaupo ako sa gulat. Kulay grey din ang mga mata nito at kulay puti ang soot nya. Hindi ko alam pero mukhang tatay ito ni Zaico. Agad na lumapit si Zaico sa may salamin.

“Is this what you’re talking about? Shit! Naguguluhan na ako,” naiinis na hanas ni Zaico.

“Sinabi ko na sa ‘yo, Zaico. You are the son of god, one of the powerful elementalists. Oh, english ‘yon ah.”

“Ang galing naman tatang. Papaturo ako sa inyo minsan,” singit ni Greeny.

“Sige, Ija, bigay mo sa ‘kin facebook mo para chat-chat na lang tayo,” sabi naman nito.

“Ayy ang taray may facebook si tatang. Sige po, add kita later,” sagot naman ni Greeny.

“Shut the fuck up will you? Para kayong mga bata,” seryosong sabi naman ni Violet.

“Ok, may ibibigay nga pala akong panlunas sa lason nya. Tinik ng rosas ang nakalason sa kanyang katawan. Kaya naman itong petals ng pulang rosas ang mabisang panlunas sa kanya. Ipainom mo na ito upang gumaling na sya sa loob ng sampung araw.” Lumapit ako sa salamin at kinuha ang potion.

“Sige ‘yan muna sa ngayon, magmo-mobile legend pa ako,” paalam nito at bigla na lang nawala.

“Teka—” sabay na sabi ni Zaico at Pinky.

Napakunot ng noo si Zaico at tumingin kay Pinky na naktingin din sa kanya. “May gusto ka ba itanong kay tatang, Pinky?” Kunot noong tanong ni Violet.

“Hehehehe, oo.”

“Ano naman?” tanong ni Zaico.

“Tatanong ko kung anong rank na nya. T’saka anong name nya sa ml.” Napatampal kami sa mga noo namin dahil sa kaibigan naming med’yo may tuliling.

Pareho sila ni Greeny kung mag-isip. Putek saan ba sila pinaglihi ng mga nanay nila? Bigla naman kaming napatingin sa may pintuan ng may dumating na lalaking hingal na hingal at saka tumingin kay Zaico ng seryoso.

“Ayos ka lang ba prince— Zaico.”

“Are you calling me prince?”

“Hindi, ah! Zaico kaya sabi ko,” agad na sabi ni Patrick.

“I’m not stupid Patrick,” singhal naman ni Zaico.

“Rinig mo naman pala tatanong mo pa. Ito talagang si Zaico may saltik.” Bigla naman syang binatukan ni Zaico.

“Wait lang naman. Oo na may alam ako. Kasi ako ang taga bantay mo. Ok na?” Sabay kamot ng ulo nito at napatingin sa ‘kin.

Errr, he’s so stupid.

-End Of Flash Back-

Simula din ng araw na ‘yon ay hindi na ako tinantanan ng tarantadong ‘to. Hindi na ako nakatago at bigla nalang syang nasaharapan ko na parang isang kabute.

“Pun’yeta ka Patrick! Leave me alone!” singhal ko dahil na-corner nya ako sa dalawang braso nya.

“My Sunshine!” sabi nito sabay yakap.

Pero hindi ako nagpadaig at binayagan ko sya saka ako tumalon palabas at gumawa ng portal para makaalis sa kanya, pero hindi ata dapat ako magpakawalang bahala dahil isa syang elemental at maari nyang gawin ang kung ano ang gusto nyang gawin. Hindi na nila kinakailangan gumamit ng isang portal para lang makapunta sa isang lugar. Kasi ginagawa namin ‘yon e. Pero ang pusang gala nasa harapan ko na. Saktong paglitaw nya ay hinila nya ako at bigla syang naglabas ng kapangyarihan at ibinato sa gawi kung nasaan ako nakatalikod kanina. Laking gulat ko ng makita ko ang isang halimaw at kita ko ang malademonyong ngiti ni Ero. Shit hindi ito maganda. Napatingala ako at napatingin sa gawing k’warto kung nasaan si Blue, wala si Zaico ngayon dahil pumunta ito sa kanilang kaharian.

Hindi maganda kung tatanga lang ako. Gumawa ako ng barrier sa buong palagid para hindi makapasok agad si Ero, agad na sumama ang kalangitan kasabay ng biglang pagkulog at kidlat.

“Sino sya?” takang tanong ni Patrick.

“S’yet si Ero. Ang lalaking gustong makuha si Blue at ang kapangyarihan nito,” paliwanag ko naman.

Sinubukan kong labana ang masama nyang ulap at pagalawin ang kalangitan pero hindi ito gumana saka ko nakita ang nakakalokong ngisi nito sa ‘kin. Agad na sinugod ko sya pero isang tapik lang nito’y tumalsik ako. Agad naman may kung anong sumalo sa ‘kin saka kami nag-teleport sa k’warto ni Blue. Nakita kong nakahiga sya at may kung anong itim na Aura ang bumabalot sa katawan nya. Bigla itong umupo at saka ito tumingin sa gawi namin. Naging kulay itim din ang kanyang nga mata at tila wala sya sa sarili.

“Blue…” mahinang tawag ko sa kanya pero bigla nalang itong nasa harapan ko na naparang multo at hinawakan ang leeg ko.

Aawatin sana sya ni Patrick ng bigla itong tumalsik palabas ng k’warto at nalaglag sa baba. Blue, gumising ka. Pagmamakaawa ko sa isip ko. Alam kong hindi ikaw ‘yan Blue, may kung ano lang na pumipigil upang makita mo ang liwanag. Please Blue, gumising ka. Naiiyak ako at nahihirapan na rin huminga. Pero nanatili ang kamay ni Blue sa leeg ko at gustong tapusin ang buhay ko.

BLUE FAIRY PRINCESS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon