CHAPTER 15

281 14 0
                                    

SUNSHINE’S POV

Hindi ko alam kung bakit parang iba ang kutob ko dito. Hindi p’wedeng maging ganito ang lahat at hindi p’wedeng maging kumplekado. Ngayon ay nakatingin ako kay Blue. Kung paano nya ginagawang abo ang bawat kalaban at kung paano nya dinudurog ang bawat isa dito. Hindi ako makapaniwala. Lumapit sa akin si Patrick at halos hindi rin makapaniwala sa nangyayare. Agad na kumilos na kami ni Greeny para makipaglaban.

Walang ibang p’wedeng gumawa kung ‘di kami lang. Walang pinalampas na pagkakataon ang bawat isa sa amin. Ramdam ko ang panghihina ng bawat isa sa amin at malapit na akong mawalan ng liwanag at sa oras na mangyare ‘yon ba-bye world na. Sinubukan kong itaas ang kamay ko at kumuha ng enerhiya mula sa sinag ng araw pero hindi ito sapat upang mawala ang sugat sa aking katawan.

“Ganito ba dapat ang mangyare?” Napalingon ako kay Zaico na nakatingin kay Zack.

“Hindi ko alam… pero gusto kong ihanda nyo ang mga sarili nyo,” makahulugang sabi ni Zack.

Itinuon na nya ulit ang atensyon nya sa kalaban at gano’n din kami. Kung ito ang dapat mangyare anong mangyayare kay Blue matapos nito? Napahinto ako ng isang napakalaking arang bola ang tumalsik at tumama sa lupa. Nagdulot ito ng malaking wasak sa lupa at halos lumubog na ito. Doon ko napagtantya na si Blue iyon. Mabilis akong kumilos papunta sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya.

“Blue,” iyak kong tawag.

“Tama na please?” pagmamakaawa ni Greeny.

Ngayon ko lang napasin na nandito na rin pala si Greeny, Pinky at Violet. “This is the only thing that I can do. Kung mamamatay ako, mamamatay ako. And no one can stop me, tandaan mo ‘yan.”

Doon ko naramdaman ang malamig na pagsabi ni Blue at matigas nitong tono. Ang sakit na naramdaman nya’y nawala at muling itinuon ang atensyon sa kalaban. Wala akong ibang magawa upang pigilan ang isang prinsesa mula sa kanyang hangarin. Wala akong ibang magawa kundi ang hintayin na lang ang susunod pa. Kung ito ang gusto nya, susundin ko. Sya ang prinsesa at walang magbabago kung tatanga kami.

Bumalik ang lahat sa laban at sobrang pagod na ng katawan ko. Hindi ko na kakayanin pa kung lalaban ako. Napahinto ako ng tumalsik sa akin si Violet. Wala na ang kulay ng kanyang buhok at ang liwanag nito. Unti-unting nagbago na din ang kulay ng kanyang mga mata. Hindi ko alam ang kung anong gagawin ko.

“VIOLET!” Iyak kong sigaw na syang nakakuha ng atensyon nilang lahat.

“VIOLET.” Lumapit si Greeny at halos hindi alam ang gagawin.

“H-Hindi,” walang boses pero basa kong sabi ni Pinky.

“AAAAHHHH!” Napatingala ako ng marinig ang sigaw mula kay Blue.

Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko kakaibang dumadaloy sa kanyang kapangyarihan. Hindi ito maari. Ang dark aura mula sa kanyang galit at hinagpis ay p’wedeng maging dahilan ng pagkawasak ng lahat.

“Shit!” Kumilos si Zack saka lumipad paalapit kay Blue pero tumalsik ito.

Ngayon ay naiintindihan ko na ang lahat. Kung mabubuhay si Blue ay maaring katapusan na ng lahat dahil ang galit at pighati nya ang magiging dahilan ng lahat. Kumilos na rin si Zaico at pilit na nilalapitan si Blue pero walang epekto.

“Pinalampas nyo na ang kanyang limitasyon. Ngayon, humanda kayo mawala na parang abo sa hangin!” Galit na sigaw ni Pinky.

Kailangan kong gumawa na paraan upang patingilin si Blue sa kanyang ginawa kapag nawala patuloy itong ginagawa nya maaring katapusan na ng lahat. “Kung mananatiling ganyan si Blue, hindi na magiging maganda ang mundong ito. Kinakailangan mamatay sya,” seryosong sabi ni Zack.

“B-bakit? Bakit papatayin?” naguguluhang tanong ni Zaico.

Tumango ako kay Zack saka nag-umpisang sugurin si Ero. This is the right idea that we need to accomplish. If Ero kills Blue, the power of Zaico can kill and destroy all of them in a short time. Maaaring manghina din kami at alam kong mauubusan ng kapangyarihan dahil sa kanya. Pero kinakailangan mamatay ni Blue para sa muling pagbalik nito sa mapayapa at kung ano ito sa dati.

Iniilagan ko lang ang nga spike ni Ero na halos hindi ko na alam kung saan napupunta. Agad na nakalapit ako sa kanya at binulungan sya. “Patayin mo si Blue ngayon na!” Napakunot sya ng noo.

“Hindi ba’t kaibigan mo si Blue? Bakit tila ngayon ay hindi ka na sa panig nya?” Isang malokong ngiti ang iginawad ko sa kanya.

“Look what she did. Hindi na nya alam ang gagawin at maaring magunaw ang lahat Ero. Kung gusto mo pang mabuhay at makuha ang trono, then kill Blue,” matigas at madiin kong sabi.

Sumang-ayon sa akin si Ero. Bago nya sinugod si Blue at nasaksak na nya ako sa t’yan ng kanyang punyal na may lason. Kung ito ang magiging huling sandali ko sa mundo, gusto kong sabihin na naging masaya ako. Napahawak ako sa bahagi kung saan ako nasaksak. Agad na lumapit si Patrick sa akin at kita ko ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Oo nga’t nakakairita sya pero hindi mo masasabi kung kailan ka tatamaan ng sinasabi nilang pag-ibig. Hinawakan ko sya sa pisngi at saka ngumiti.

“K-kaila-ngan m-mong t-tu-tulungan s-si Z-Zaico.” Napaimpit pa ako ng maramdaman ang pagdaloy ng lason papunta sa aking puso.

“SUNSHINE!” sigaw na iyak ni Patrick at napatingin sa gawi samin si Blue.

Agad na papunta sya sa akin pero huli na. Sinaksak sya patalikod ni Ero at diretso sa kanyang puso. Bumagsak si Blue at agad na sinalo sya ni Zaico. Halos mawalan ng boses si Zaico sa kanyang nasaksihan. Naghihikahos ang kanyang boses at alam kong mamamatay sya agad dahil diretso sa kanyang puso ang saksak.

“N-nakikisuap ako… k-kailangan mong tulungan si Z-zaico… galit ang nararamdaman nya gayong patay na si Blue,” sabi ko at hinalikan ako sa noo ni Patrick saka nya itinaas ang kanyang kamay patungo kay Zaico.

Gano’n din ang ginawa ko kahit pa nahihirapan ako. Sina Pinky, Greeny, at Zack ay gano’n din. Lumiwanag ang buong paligid kasabay ng pagsigaw na iyak ni Zaico. Maybe this is now over. I need to rest and have some vacation cause of this fucking battle. Naramdaman ko ang pagkawala ng enerhiya sa katawan ko at pagkawala ng liwanag sa katawan ko. Unti-unti ding sinara ang aking talukap hud’yat na upang ako ay mamaalam. Siguro makakasama ko si Blue ngayon sa paraiso kasama si Violet.

BLUE FAIRY PRINCESS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon